Chapter 5

359 12 0
                                    


cielomendez:

What are you doing?

leelily99:

Nothing. I'm just planning to cut my bangs.

cielomendez:

Can you do it alone?

I smiled to myself. Para tuloy akong tanga na ngiting-ngiti ngayon. Mabuti nalang talaga wala si Nami, gumala ata kasama 'yong bagong suitor niya.

leelily99:

Of course:)

Kung gaano kalaki ang ngiti ng emoji. Gano'n rin ang ngiti ko.

He's asking if I can do it myself. Why? He would help me cut my bangs right now? As if he knows how to cut. But if he wants, then I will let him.

Kahit maging pangit pa siguro ang kalabasan, maging tabingi pa. Okay lang sa akin.

Nag offer naman si Nami sa akin kahapon na siya daw ang mag gupit ng bangs ko dahil nga nakita niya na medyo mataas na 'to. Halos natatabunan na kasi ang mata ko. Pero tinanggihan ko na. I will never allow her to cut my bangs again. Once is enough for her. Not anymore.

Dati kasi no'ng pinag katiwalaan ko siya na gupitin 'yong bangs ko. Sobrang ikli ng pinutol niya at hindi pa talaga pantay. Nag muka tuloy akong bunot no'n.

Naalala ko pa iniyakan ko 'yon nang dalawang oras. Hindi ko rin siya kinausap ng tatlong araw kaya tudo suyo siya sa akin. Sabi ko pa nga sa sarili ko no'n hindi ko siya ma papatawad. Dahil sa ginawa niya palagi akong nag susuot ng bucket hat!

Sa tuwing na aalala namin ni Nami 'yon, tinatawan nalang namin dalawa. Pero never na talaga mangyari ulit 'yon kahit magunaw pa ang mundo or sakopin pa nang alien ang earth. Never ever!

Nakatuon ang paningin ko ngayon sa salamin habang hawak ko ang gunting. At first kinabahan pa ako dahil baka maging bunot ulit ako pero nabuhayaan naman ako ng loob nang nakita ko na okay naman ang kinalabasan.

Sinuklay ko ngayon ang bangs ko na hindi na gaanong mahaba. Hindi narin natatabunan ang mata ko. Napatingin ako sa features ko sa salamin. I have black brows that are slightly arched, brown asian eyes, a tiny nose, and cute red lips that are shaped like hearts. I have fluffy cheeks that turn red when you pin them a little.

Iyong mga mata ko ay gaya ng kay Papa, medyo may pagka chinito kasi 'to kahit wala naman kami halong intsik. Si Mama ay Filipino-Rusian. Pero dito na siya lumaki sa Pilipinas. Hindi daw kasi niya nakilala ang Papa niya simula baby palang siya. Tanging kutis at ibang features ang namana ko sa kanya. Kaya hindi maipagkakaila may hitsura talaga ako.

Minsan nga may nag sco-scout sa akin para sa modeling at pageant pero I'm not into like that. Nag iiwan lang sila sa akin ng company number just in case mag bago ang isip ko. Pero wala talaga. Mas priority ko kasi ngayon ang pag-aaral ko.

Tumunog ang cellphone ko. Tumawag si Liam kaya agad ko naman sinagot ito. Niligpit ko rin ngayon ang putol na buhok ko.

"Bakit?" bungad ko kay Liam.

"Bakit agad? Hindi ba pwedeng..." he trilled off.

"Ano na naman ba?"

"Hi pogi, na Miss agad kita?" he said it playfully.

"Haha tawa tayo!" I teased him.

"Saan ka ba ngayon?"

"Unit lang. Nakita mo ba si Nami?"

Pumunta ako ngayon sa trash can saka tinapon ang putol na buhok ko. Maliit lang naman ang nabawas.

"Kasama daw niya si Haru ngayon. Akala ko ba sumama ka sa kanya?"

Through the Daylight Where stories live. Discover now