Chapter 10

228 8 0
                                    


Nikilodeon:

Pst. Ate Lee, don't forget, okay? And please don't tell Kuya Skyler about it.

Ano pa nga ba? May magagawa pa ba ako? Ngayon na kasi ang araw na ipatatawag dapat si Tita Abegail nang teacher ni Niki. Kinakabahan pa nga ako kasi hindi rin alam ni Skyler 'to kasi hanggang ngayon hindi parin kami bati.

Hindi ko tuloy alam kung ano itong pinasok ko. Tiyak ako na kapag malaman 'to nang nino man, lagot talaga ako nito.

"Oh, sigurado kana ba diyan? Pwede kapa mag back out."

I rolled my eyes. "Dzuh, do you think may choice pa ako, Nami? What if ikaw nalang kaya 'yong mag punta ngayon sa school ni Niki. Tutal mag pinsan naman kayo kaya okay lang."

Ngumiwi agad siya. "Ayaw ko nga. Bakit ka ba kasi pumayag kay Niki? Alam mo naman 'yon na may tupak ang isang 'yon. Sabihin mo nalang kasi kay Skyler."

I smiled weakly. "Nangako ako kay Niki na hindi ko 'to sasabihin sa Kuya niya."

"Asus, mag sinungaling ka sa kanya! Sabihin mo na hindi mo—"

"Nami, stop it!"

Agad kong tinakpan ngayon ang bibig ni Nami kasi padaan ngayon si Skyler kasama 'yong Chad na kaklase niya.

Binalingan niya naman ako ng tingin pero umiwas rin naman agad. Until now mukang nag tatampo parin talaga ata siya sa akin. Gusto ko nga siyang kausapin pero kasi baka hindi niya lang akong pansinin.

"Problema ng isang 'yon? Hindi man lang namamansin?" bulong ni Nami.

Huminto 'yong isang lalaki sa amin. "Hi, Nami, Lee.... tapos na klase niyo?"

"Yes, Chad. Kayo ba?"

"Yup, sadyang busy lang kami ngayon."

Bumaling sa akin 'yong lalaki na si Chad saka ngumiti ulit sa akin. Nag paalam narin naman 'to kasi nauna na si Skyler sa kanya.

Nag paalam na ako kay Nami after class saka nag commute lang ako papunta nang school ni Niki. Sana naman walang makakita sa akin ngayon na pupunta sa school ni Niki. Parang ngayon pa lang pinag papawisan na ako.

Tumawag sa akin 'to kaya agad ko rin naman sinagot.

"Ate Lee, malapit ka na ba?" he asked.

"Oo malapit na nasa tricycle na ako papunta sa school mo. Wait mo lang ako sa may gate, okay?"

"Yeah, sure. But please sana hindi mo binanggit kay Kuya Skyler ang tungkol dito."

"Oo nga sabi. Don't worry, hindi. Basta ba hindi ma lalaman nila Tita 'to, ah? Kinakabahan ako dahil sa 'yo, eh."

Matagal pa siyang sumagot.

"Promise hindi 'yan."

I sighed. "Sige, ibababa ko na 'to kasi malapit narin naman ako."

Habang nasa tricycle ako ay prinactice ko narin ang mga linyahan ko. Sana naman hindi na mag tanong ng marami ang teacher ni Niki kung bakit ako ngayon ang nag punta sa school niya.

Nang nakababa ako sa tricycle at nakapag bayad na ay sumilong muna ako sa gilid saka inayos ang sarili ko. Hindi pa nga lang ako naka pasok pero nakita ko na si Niki na palingon-lingon, ka lalabas lang rin sa gate.

"Niki!" tawag ko dito.

He glanced at me and smiled widely. Lumapit rin naman agad siya sa akin. Mukang ang saya niya pa ngayon parang wala man lang kasalanan na ginawa.

Pumasok na kami sa gate at nag tungo na kung saan banda ang room nito. Bago ako pa ako pumasok ay may pinuntahan si Niki na grupo nang mga babae at hinigit ang isa dito ng bahagya.

Through the Daylight Where stories live. Discover now