Chapter 9

240 11 0
                                    


"Lee, galit kapa ba sa 'kin?"

"Skyler, nandito ka!" Nami shouted.

Agad akong lumingon kung saan nakatingin si Nami and there I saw Skyler. Sabi ko na nga ba nandito siya, eh. He's wearing a white cap kaya hindi ko siguro siya agad napansin.

"Skyler..." I mutered.

Nasa harap kuna pa siya ngayon. Una agad bumungad sa 'kin 'yong bango niya. Napabaling pa ngayon si Fred dito na may kunting gulat sa mata.

"Mabuti naman at nandito ka ngayon, Sky. Ayaw kong mag commute nakakatamad." mahinang reklamo ni Nami sa may gilid ko.

Saglit akong nakatitig kay Skyler at umiwas rin naman agad dahil sa nararamdaman ko ngayon. Saka baka ano pang isipin ni Liam at Nami.

"Bakit hindi mo kasi kausapin si Tita Julie nang hindi na kita lagi maririnig na mag rereklamo." sabi ko.

"Nah. Ginawa ko na 'yan pero ayaw na niyang ibigay sa akin ni Mommy. Dahil nga mabait ako, hinayaan ko nalang rin."

"Ah, okay..."

Sa tuwing sasakay nga kami ng jeep tapos may nakatabi siya na hindi maganda sa mata niya automatic mag reklamo na agad 'yan. May isang bisis nga na napababa kami sa jeep dahil sa kanya.

Paano ba naman may pasahero na nag abot ng bayad tapos hindi niya tinanggap kaya nagka sagotan sila. Ang sabi niya pa hindi daw siya konduktor ng jeep at bakit niya naman daw aabotin ang bayad. Lagi akong nagkaka secondhand embarrassment. Mabuti nalang mahal ko siyang kaibigan.

May kotse naman talaga dati si Nami pero dahil nga nahuli siya one time, driving without license. Dahil nakalimutan niya. Tapos muntik pa siyang ma aksindente kaya binawi ni Tita Julie sa kanya ang sasakyan niya.

Basta sobrang dami ko ng napag daanan kasama si Nami. May time pa nga na jaywalking kami dalawa dahil sa kanya ulit. Kaya 'yon pinag linis kami at pinag multa.

"Oo nga pala, bakit ka nandito, Sky? May date ka 'no?"

"Tsk, obviously, no. I'm here because of Le—"

"Skyler Dawson? From journalism and broadcasting? Broh, ikaw nga! Sikat ka sa school namin. Ikaw 'yong nag guesting no'ng nakaraan sa isang TV station, 'di ba? Sikat rin pala na reporter ang Papa mo!" maligayang saad ni Fred na para bang close sila ni Skyler. Naputol pa ang sasabihin sana nito.

Napa kunot noo lang naman si Skyler ngayon. "And? You are?"

Fred chuckled awkwardly. Para pang hindi siya maka paniwala na tinanong siya ni Skyler ng gano'n. "Fred Chavez. I'm a business management student. Hindi mo ako kilala?"

"Kapal ng muka niya..." bulong ni Nami sa tabi ko.

"Sorry, but I didn't hear your name from anyone." Skyler said that naturally, but in a strict tone.

Tumawa ngayon ng mahina si Nami sa tabi ko na para bang nasisiyahan siya ngayon sa pagiging strikto ng pinsan niya. Hindi man lang ngumiti si Skyler kay Freed. Napaka seryuso lang talaga nito na para bang ikaw nalang ang mahiya na pumansin sa kanya.

"Si broh ay na supalpal..."

"Nami." diin na tawag ko sa pangalan niya.

"Napadpad ka ata ngayon dito, Sky?" tanong ulit ni Nami sa pinsan sabay akbay dito.

"To see someone..."

"Someone? May prospect kana? Minamahal?"

"Stop asking again, you'll meet her soon."

"Asus, hindi mo palang 'yan ipakilala sa 'kin, malalaman ko na agad."

Do you mean na may na gugustohan na si Skyler? Kaya siya nandito para kitain 'yong babaeng gusto niya? Should I ask him about it? Kaibigan naman kami dalawa. Ang dapat ko lang gawin ay casual ko siyang tanongin. Tapos!

Through the Daylight Onde histórias criam vida. Descubra agora