Chapter 3

399 11 0
                                    


Pagka labas ko ng kwarto ay muka agad ni Nami ang bumongad sa akin. Mukang bad mood parin ata siya hanggang ngayon. Umupo siya sa couch saka sinandal niya ang ulo niya do'n at nilagay ang pinamili niya sa mini table.

She looks mad and tired. I walked in front of her when she was ignoring me. "You still mad at him?"

Tumingin siya sa akin ngayon. "That Skyler, mas pinag tanggol niya ba 'yon kaysa sa akin na pinsan niya?"

"Nami, hindi naman niya pinag tanggol si Barbara. Sa katunayan nga niyan sinabi niya sa akin na pag sasabihan niya 'yon." sabi ko saka umupo sa tabi niya.

"Sinabi niya nga 'yan sa 'yo pero para namang sinabi niya na mali ako. Kaya sinabi ko lang naman 'yon dahil sa ginawa sa kanya ni Barbara." madiin na saad niya.

I know, pero may mali siya sa lagay na 'yon pero na iintindihan ko si Nami. Kapag nakita niya na na agrabyado ang mga mahal niya sa buhay ay ipag lalaban niya talaga ang karapatan niya kahit pa taasan niya 'yong pride niya.

Noong na bully nga ako dati dahil sampid daw ako sa mga Mendez ay inaway niya nga 'yong nag sabi sa akin no'n kaya umiyak at natakot sa kanya.

"Barbara. Not Barabara, Nami." I corrected her.

"Ah, whatever her name is I will call her anything I want."

Ngumiti ako. "Oh, chill kana at wa'g kanang mag tampo lalo na kay Sky baka pag ginawa mo 'yan hindi kana makakain sa susunod sa unit niya."

Napa isip siya saglit. "Okay lang, bibili nalang ako ng maraming karne at chicken dito... beef rin, kahit ano na gusto natin."

"Mahal na ang karne, manok at beef ngayon. Gulay nalang."

"Mabuti pa sila nag mamahal..."

Ay biglang may hugot?

"Bilihin lang kasi ang nag mamahal ngayon." sabi ko. "Tapos ka pag nag mahal ka pa hindi pa sure kung may sukli ba 'yong pagmamahal mo..." dagdag ko.

"Luh, hugot?"

I frowned. "Hindi. Trip lang."

"Dzuh! Basta wala munang gulay ngayon na week." aniya at umirap pa sa kawalan. Arte talaga nito!

"Bahala ka nga, buhay mo naman 'yan." sabi ko sinandal ang ulo ko sa couch.

Kinalabit ako ngayon ni Nami kaya napa baling ako ng tingin sa kanya. She pouted her lips. "Gawa mo ako watermelon smoothie, please..."

I chuckled. "Luh, asa ka?"

"Please..." sabay pa cute niya.

I rolled my eyes again. "Oo na. Kung hindi lang kita mahal na kaibigan, eh."

Pumunta ako sa kitchen. Sana naman may watermelon pa ngayon. Pag bukas ko ng ref mabuti naman meron pang natira. Chinop ko naman agad at tinggalan nang balat.

Kinuha ko ang blender saka saka nilagay ko ang watermelon at nilagyan ng coconut yogurt, lime juice at strawberries. Mabilis lang naman kasi gawin lalo pa't lagi kaming nag gaganito.

Nasa may counter top kami ngayon. Pareho kaming hawak 'yong cellphone namin. Kinuhanan ko ng picture ang watermelon smoothie ko saka nag my day ako sa facebook at instagram. Wala na naman akong nilagay na caption, emoji lang na heart.

Nag sco-scroll lang ako nang dumaan sa feed ko ang muka ni Liam na naka suot ng old man sunglasses. Nag change profile siya ngayon.

Caption: What country is this?

Medyo natawa ako ngayon sa caption niya. Kasi ganyan 'yong uso ngayon. Nakita ko pa agad ang comment ni Nami. Ang bilis naman ata niya.

Nami Lozano:

Through the Daylight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon