Chapter 4

382 12 0
                                    


"Lee, pinapatawag ka ni Ma'am Abegail sa kwarto niya."

Napatingin ako kay Ate Grace at tumango dito.

Pumunta agad ako sa kung saan ang kwarto ni Tita Abegail. Baka kasi may e utos lang sa akin ngayon kaya ako ipinatawag. Kumatok ako at bumukas rin naman agad ang pinto ng kwarto niya.

"Lee, pasok ka..."

Napatingin ako ngayon sa mga damit na nag kalat sa sahig at kama ni Tita Abegail. Mukang nag lilinis ata siya nang kwarto niya ngayon.

"Kailangan niyo po ba ang tulong ko, Tita Aby?" tanong ko saka ngumiti dito.

"No need na, Lee. Pinapunta talaga kita dito kay Grace dahil mga ibibigay ako sa 'yo."

May kinuha siya ngayon na mga damit na naka lagay sa medyo kalahihan na basket. Mukang bago pa ang iilan. May medyo kalumaan pero mga magaganda parin at vintage vibe.

"Ano pong gagawin niyo dito, Tita Aby?"

Ngumiti siya sa akin. May kinuha siya ngayon na dress at tinapat sa akin. Nagulohan pa ako ngayon dahil sa ginawa niya.

"These are all for you, Lee. Mga dati ko 'tong damit. Dahil nga sayang lang at wala akong anak na babae, sa 'yo ko nalang ibibigay."

Na gulat ako kasi sobrang dami nito. May iilang dress, may baggy jeans, t-shirt na branded at iba pa.

"How about ibinta mo po online. Panigurado maraming bibili dito agad kasi ang gaganda pa. Tutulongan kita, Tita Aby." I suggested.

Kasi naman nakakahiya na tanggapin ko 'to lahat galing sa kanya. Ang gaganda pa nang mga damit at tiyak ako maraming bibili nito.

"I think it's not a nice idea to sell this as my pre-owned clothes. I would rather give it to you than sell it to people I don't know."

"Gano'n po ba?"

I smiled awkwardly. Wrong suggestion!

Si Mama at Tita Abegail ay mag kasing edad lang kaya naalala ko lagi si Mama sa kanya kapag namimiss ko 'to. They were best friends since high school, up until college. My mom pursued social work, while Tita Abegail pursued Art in communication at the same school.

Sa pag kakaalam ko nakilala ni Mama si Papa sa school lang din. Criminology student si Papa. At nakilala naman agad ni Tita Abegail si Tito Gabrielle since high school. Naging sila lang simula noong nag college na sila dahil same program sila.

Tita Abegail was an anchor before, and Tito Gabrielle has been a reporter up until now.

Sobrang bait ni Tita Abegail. Naalala ko pa dati noong iniwan ako ni Mama sa kanya ay hindi siya nag dalawang isip na tanggapin ako kahit na medyo matagal ulit sila nag kita ni Mama. Simula kasi no'ng grumaduate sila at parehong nagka asawa ay nawalan na sila nang komunikasyon sa isa't isa.

Iniwan ako ni Mama isang araw kay Tita Abegail at umalis ulit. Ang sabi niya babalik lang agad daw siya pero dumaan ang ilang buwan at hindi parin siya bumalik kaya sobrang lungkot ko no'n.

Medyo nagalit ako sa kanya pero noong nalaman ko 'yong rason niya kung bakit niya ako iniwan kay Tita Abegail ay pinatawad ko agad siya.

"Pero sobrang gaganda pa nito, Tita Aby. Hindi ko po matatanggap lahat ng mga 'to." nahihiyang saad ko. Medyo napayuko pa ako.

Lumapit siya sa akin. "Ano ka ba naman. Para ka namang iba sa akin. Para sa 'yo talaga lahat ang mga 'to, Lee. Alam mo... nakikita ko 'yong sarili ko at no'ng Mama mo sa 'yo noong kabataan namin. We like vintage outfits because that's what was popular before. Then you... you like these kinds of outfits too, right?"

Through the Daylight Where stories live. Discover now