Chapter 8

252 11 0
                                    


Humikab ako saka umonat ng kunti. Sobrang aga ko nagising, anong oras pa pala. Hindi rin naman ako naka balik pa sa pag tulog. Wala rin naman kasi kaming klase ngayon sa first subject dahil nga may importante na nilakad ang instructor namin. Mukang seminar ata sa other university.

Ngumiti ako kasi ang presko ng araw ko. Ang ganda rin ng tulog ko kagabi. Humikab ulit ako saka sumandal sa railings.

"Good morning, Lee."

I shut my mouth saka agad napatingin sa pinag galingan ng boses. Kumaway sa akin ngayon si Skyler saka ngumiti. Nasa may balcony kasi ako ngayon tapos gano'n rin naman siya. Nga lang medyo malayo ang pagitan namin dalawa.

Napaka gwapo naman niya sa umaga. Kumusta naman kaya ang mu- Fucker. Hindi pa pala ako nag hilamos!

Agad akong tumakbo papasok saka napa hawak pa ako sa dibdib ko. Nakakahiya baka nakita niya na may laway at muta ako!

Napatingin ako ngayon sa muka ko. Mabuti nalang wala naman. Agad rin naman ako nag hilamos at nag toothbrush. Nag suklay rin ako ng buhok. Para komportable ulit akong humarap kay Skyler.

Nag salin narin ako ng tubig sa isang balde at kumuha ng tabo kasi mag didilig ako ng halaman ko sa may balcony ngayon. May cactus kasi ako, white snake, at maliit na bonsai na dapat diligan para hindi mamatay.

Ang sabi nila madali daw ako mabuhayan ng halaman dahil may tao daw talagang gano'n. Kaya nga kapag naka uwi ako ay matutuwa niyan si Tita Abegail kasi parang nag tatampo daw ang orchids niya kapag wala ako do'n at hindi ko na nadiligan araw-araw sa greenhouse.

Nasanay kasi 'to sa akin noong nasa high school palang ako. Ako kasi ang halos araw-araw na didilig dito bago ako pumasok ng school. Kompara ngayon na nag college na ako na tuwing weekend nalang ako umuuwi.

"Need some help?"

"Ang mag dilig ng halaman? Paano mo gagawin? Si lastikman ka ba?"

Tumawa siya ngayon. May hawak pa siya na tasa. Mukang nag kakape ata. Malamang naman at mag juice siya sa umaga! Hangal lang?

"Mag o-over the bakod ako para sa 'yo." aniya sabay ngiti dahilan para lumabas ulit ang dimples niya.

Gagi ang ganda ng—iste! Ang gwapo ng bungad ng umaga ka ko. May pogi sa kabilang balcony na nag pa cute sa akin ngayon. Maaga palang lumalandi na agad sa akin.

Natawa tuloy ako sa sarili kong inisip.

"Ano ka ba parang sira!" sabi ko saka inipit ko pa ang buhok ko sa may tenga. I was just teasing him.

"Lee..." tawag niya ng mahina sa pangalan ko.

Napatingin ako ngayon sa kanya na napatingin sa may dibdib ko tapos nag iwas rin naman agad ng tingin.

Kapag tinawag niya talaga ako sa pangalan ko ang sarap sa tenga. Pakiramdam ko tuloy bawal na ako tawagin ng iba sa pangalan na 'yan kasi pag mamay-ari niya na ako.

Luh, kapal lang ng muka ko talaga!

"Bakit?"

"Nag bra ka ba?"

Iyong ngiti ko bigla nalang nawala. My eyes widened. Hindi agad ako nakapag salita. Hindi ko expect 'yong sinabi niya. Hindi ako prepare. Hindi ako naka sangga. Para akong na iced sa kinatatayuan ko saka ako yumuko at tiningnan kung may suot na bra ba ako at.... pakshit!

Agad akong tumalikod sa kanya na tumatawa na ngayon. Gago ito! Siguro tanggap ko pa kapag nakita niya ako na may laway at muta sa muka pero ang makita niya na wala akong bra at bakat pa ang- what the hell!

Kahit papano may maipagmamalaki naman ako 'no!

"Fuck you, Skyler!" I hissed.

Hindi ko na napigilan na pag salitaan siya ng gano'n. Pumasok naman agad sa loob. Narinig ko pa ang munting tawa niya. Napatingin pa sa akin si Nami ngayon na ka gigising lang rin ata.

Through the Daylight Onde histórias criam vida. Descubra agora