CHAPTER 2 - Thank You, Pads!

2 0 0
                                    


Sa isang linggo, wala naman gaanong nangyari. Gumawa lang kami ng mga projects at halos hindi nga kami kumakain ng ka-groupmates ko noon para lang madaliin iyong tapusin. Paano ba naman, eh hindi kami binigyan ng palugit ng Professor namin. Mabuti na lang at naging cooperative iyong ka grupo ko.

Ngayon, finally Nandito na kami sa undas break namin. 1-week lang pero okay na rin para makapagpahinga itong utak namin. Charz! May utak ba ‘ko? Anyways, papunta nga pala ako ngayon ng grocery. Ako lang mag-isang nautusan sa bahay kaya medyo problemado dahil marami-rami pa naman itong bibilhin ko. May dala nga akong sasakyan pero iyong pag-push ng cart ang pinuproblema ko. Baka mabibigatan ako.


Check po natin ang bag ninyo po, ma’am?” sabi ng guard at kaagad ko naman itong Binuksan. Cellphone at wallet lang naman ang laman nitong maliit kong sling bag. “Thank you po,” aniya nang matapos niyang i-check.


Pumasok na ako rito sa loob ng grocery store at saka kumuha ng cart. Hindi naman gaanong katao kaya perfect day ko ito. Ayoko kasi ng maraming tao kapag nagu-grocery ako dahil masyadong magulo at pila-pila pa sa counter.

Kumuha na ako ng mga can goods, mga noodles, at iba pang naka-lista rito sa listahan. Nang mapunta ako rito sa mga personal na pangangailan ng mga kababaihan, kukuha na sana ako ng akin nang biglang may tumabi sa akin at nakatingin doon. Literal na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ito.


Dustin?” diretsong sambit ng bibig ko at mismong ako ay nagulat rin.


Hindi niya ako sinagot o magsalita man lang. Diretso lang siyang tumalikod sa akin at hahakbang na sana pero kaagad ding humarap pabalik. Parang nagdadalawang-isip pa siya dahil tila hindi alam kung anong sasabihin. Ibubuka niya ang kanyang bibig pero ititikom na rin naman.


M-May gusto ka bang sabihin?
Naglakas loob pa akong tanungin siya.

How did you know my name?” aniya at iyon lang pala ang sasabihin.


Napakurap-kurap naman ako saka nag-iwas sa kanya ng tingin. Palihim pa akong napakagat labi dahil talagang hindi ko alam kung anong isasagot ko. Baka sasabihin niyang ini-stalk ko siya o hindi kaya ay naging interesado ako sa kanya. Kahit totoo naman iyon, nakakahiya pa rin. Baka ano pang isipin niya.


Nevermind,” sabi pa niya at napatingin naman ulit ako sa kanya. “I-I just… I need your help.


Napataas-kilay ako sa sinabi niya. Pero kinikilig ako dahil kailangan niya ang tulong ko. “O-Okay,” maikling sagot ko na sinabayan pa ng ngiti.


I know you know these things than me. Ahm… hindi ko alam kung anong kulay, anong brand nitong sanitary pads ang magandang gamitin.” Tinitingnan pa niya ito isa-isa.


Hindi ko sinasadyang matawa dahil ang cute lang niya. Pero nawala din ang tawa ko nang mapaisip ako na baka para sa girlfriend niya ito. Ouch naman! Sa akin pa talaga nagpatulog? Sign na ba ‘to para i-uncrush ko na siya? Sakit naman ng araw na ‘to.


Ito,” sabi ko sabay abot sa kanya. Pinili ko ang brand na paborito ko. Proven and tested iyon at hindi ako nagka-rushes.


Thank you,” aniya saka humakbang na paalis. Napanguso naman ako ritong naiwan at tamad na inabot ang sa akin rin saka matamlay na inilagay sa cart. Lilipat na sana ako sa kabila nang bigla siyang bumalik. “Babawi ako sa iyo for this. Ahm… w-what do you want?


Napaayos ako nang tayo at tila hindi maproseso ang tanong niya sa akin. Talaga bang tinatanong niya ako kung anong gusto ko? Baka siya ang gusto ko? Charz!


Naku! Hindi na. Maliit na bagay lang naman iyan,” sabi ko pa at tinanguan siya.

No. It’s a big deal for me. Maybe… a dinner tomorrow? Only if you want,” aniya at parang tanga akong napanganga. Dinner ba naman? Ano iyon, dinner date? Ang harsh naman niya.


Salamat. Pero okay lang talaga sa akin. Wala naman akong ginawang mahirap para ilibre mo ‘ko ng dinner,” tanggi ko pa kunwari kahit kinikilig ako. Biruin mong niyaya ako ng crush ko ng dinner?


I’ll wait you tomorrow at 6:00pm sa may Circle Plaza.


Tatanggi pa sana ako nang diretso lang siyang tumalikod at umalis na. Tuloy ay naiwan ako ritong namumula at hindi na alam kung paano gumalaw ng tama. Gosh! Nananaginip ba ako?


Ouch!” mahinang sigaw ko nang maramdaman ko ang sakit matapos kong kurutin ang aking pisngi. “Totoo nga. Jusko! Paano na ‘to? Anong susuotin ko? Anong gagawin ko? Kami lang bang dalawa?” Para na akong baliw rito kausap lang ang sarili.


Nag-inhale exhale pa ako saka nagpatuloy sa pagkukuha ng mga kailangan ko pa. Minsan pa akong nagkamali ng kuha dahil tila naging lutang na ako. Naging okupado na ang utak ko dahil kay Dustin. Ang hirap lang kasing paniwalaan.


I’ll wait you tomorrow at 6:00pm sa may Circle Plaza? Ano iyon? Parang tunog-magjowa iyon ah?” Para akong tanga rito sa loob ng kotse. Minsan nga ay napasigaw pa ako. Wala rin namang nakakarinig sa akin kaya okay lang.

Pero tang*na! Niyaya ako ng dinner dahil lang sa sanitary pad? Hulog ka ng langit pads!

First Fall of SnowWhere stories live. Discover now