CHAPTER 5 - Friend?!

1 0 0
                                    

CHAPTER 5

"I have something to tell you," aniya at masyado yata siyang seryoso.


Hinihintay ko si Dustin na magsalita dahil tila nagdadalawang-isip pa siya. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay senyales na gusto kong malaman kung anong sasabihin niya. Ano ba 'yan! May pa-thrill pa siyang nalalaman-magku-confess lang naman. Pero kung sabagay, nakakakaba nga iyon. Tsk! Assuming ako!


"D-Do you have a boyfriend?" tanong niya at napakurap-kurap na lang ako sa pagiging diretso niya. Tama nga ako. Alam ko na kung anong kasunod sa tanong na 'to.


Umiiling ako at nag-iwas sa kanya ng tingin saka nagsimulang maglakad. Ayoko kasing makikita niyang namumula ako. "Ba't mo natanong?" Kunwari hindi ko alam ang ganitong moves.


"Interesado kasi..." Napahinto ako't napatitig na lang sa daan. Jusko! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! "Interesado kasi iyong friend ko sa iyo. Nakita kasi niya tayo noong nag-dinner tayo sa labas with ate. And he wants me to help him."


Literal talagang bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Iba iyong kirot sa dibdib. Inaakala ko na eh! Umaasa na ako na parehas kami ng feelings. Pero feeling ko lang pala. Ang galing naman ni cupid mampana. Sa kaibigan pa niya!


"G-Ganoon ba?" sabi ko na lang saka nag-angat sa kanya ng tingin at binigyan ng pilit na ngiti.


Tumango-tango pa siya at saka may kinukuha sa bag. "Para sa iyo raw 'to," aniya habang iniabot sa akin ang maliit na envelop. "Sulat daw iyan para sa iyo."


Kinuha ko naman ito at tinignan ang nakalagay na pangalan ko. "Ang traditional naman niya," pabirong sabi ko pa.


"He doesn't know your social media account, so he just wrote a letter," paliwanag pa niya. Tumango-tango na lang ako pero deep inside, nadi-disappoint ako. Bakit ba kasi kaibigan pa niya at 'di na lang siya? "Sige, papasok na 'ko." Tumingin pa siya sa relo niya at saka ngumiti sa akin. Tinanguan ko lang siya bilang tugon.



Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad paalis. Parang na-friend zone ako ngayon ah? Sakit pala umasa. Tapos ni-reto pa niya sa akin ang friend niya? Grabe dagdag sakit iyong ginawa niya promise. Kung may feelings siya sa akin, hindi naman niya magagawa iyon kahit pa friend niya iyon. Argh! Nasa getting-to-know-each-other stage pa nga lang kami at wala pang ligaw-ligaw stage, in a relationship stage, at away-away stage-pero ngayon nasa move on stage na ako! Sucks! Ang pangit ka-bonding naman ng panahon!


"S-Sino kaya sa friend niya iyong may interest sa 'kin?" tanong ko sa hangin habang nakasubsob rito sa mesa. Wala pa kasi masyadong estudyante rito sa Cafeteria kaya nagawa ko pang mag-emot. "May gwapo kasi siyang kasama noong nakita ko siya sa mag Streetfood noon. Siya kaya iyon?"


"Siguro?" Napaigtad ako nang may nagsalita sa likod ko at nang paglingon ko ay nalaman kong si Trecia pala. "May marami kasing gwapo akong nakilala na palagi sa Streetfood. Baka kilala ko kung sino tinutukoy mo?" Tinaas-baba pa niya ang kanyang dalawang kilay kaya inirapan ko siya. "Dali na, baka ako na makahanap ng solusyon diyan sa single era mo," dugtong pa niya saka umupo sa kabilang upuan.


"Wala," sabi ko saka inilagay sa bag ang envelop na binigay ni Dustin kanina.


"Don't tell me si Dustin ang tinutukoy mo?" aniya kaya awtomatikong tumaas ang kanang kilay ko. "Alam mo, totoong gwapo naman si Dustin pero...iyon nga lang masungit. Ang daming nagkagusto niyan. Kasali pa nga ako noon sa pila pero sumuko ako. Ayaw kasi mamansin eh!"


Masungit? Hindi naman ah. Pero... what if mabait lang iyon sa akin dahil una may naitulong ako sa kanya. Pangalawa, may kailangan sa akin ang friend niya. Tsk! Ang pangit naman 'pag ganoon. From now on, magmo-move on nako. Bahala siya. Hindi ko siya papansinin.


"So ano? Tama ako na si Dustin-"


"Hindi," pambabara ko sa kanya.
"Hindi iyon gwapo."


"Ay sus! Noong nakita mo nga sa may-" Dinuro ko pa ang bibig niya.


"Friend niya. Friend niya iyong may gusto sa akin! Ano? Titigil ka na kakadada?" naiiritang sabi ko at parang natameme naman siya. "Daldal mo kasi eh." Kinuha ko pa ang envelop saka ibinigay sa kanya.
"Basahin mo iyan. Medyo lakasan mo para marinig ko."


"Kanino 'to galing?" aniya at tinitingnan pa ang buong sobre.


"Sa friend ni Dustin," tamad na sagot ko.


Napatakip pa siya sa bibig. "Baka si Nicky iyon? As in si Kent Nichole Borres! Jusko ang gwapo!" sigaw pa niya kaya iyong ibang tao rito ay nagsitinginan sa amin.


"Tumahimik ka nga," bulong na saway ko pa sa kanya. "Basahin mo na lang at saka na natin malalaman kung kanino nga 'yan galing."



"Ikaw na kaya bumasa. Total sa iyo naman 'to," sabi pa niya saka inabot sa akin pabalik ang envelop.



"Ikaw na nga. Alam ko namang magtatanong ka pa rin pagkatapos kong basahin iyan eh."



Inirapan pa niya ako saka Binuksan ang sobre. "Makinig ka ha," wika pa niya saka inilabas ang papel. "Hi, Jully! Pwede ba kitang makausap kahit sandali? Meet me at the Gym mamayang 4:00pm kung okay lang sa iyo. From KNB!" Tiningnan pa ako ni Trecia habang nanlaki ang mga mata niya. "KNB? As in Kent Nichole Borres? Oh my gosh! Meet him daw sa Gym mamayang 4:00pm! Wow! Haba ng hair ng friend ko!"


Mahina ko pang hinampas ng notebook ang ulo niya para tumahimik. "Tumahimik ka na nga. Tatahiin ko na iyang bibig mo," banta ko pa sa kanya kaya nag-zip her mouth pa siya kunwari.


Hindi ko naman iyon kilala at parang hindi naman ako interesado. Siguro dahil nadi-disappoint pa rin ako hanggang ngayon. Paano kung pumunta ako roon tapos nandoon si Dustin? Paano kung makikipag-friend na ako nitong Nicky tapos palagi ko pa ring nakikita si Dustin? Paano na move on stage ko?

First Fall of SnowWhere stories live. Discover now