CHAPTER 11 - Big Brother

0 0 0
                                    

CHAPTER 11

SNOW'S POV

Sa mga nagdaang araw, wala naman masyadong nangyari. Tulog, ligo, kain, lang ang ginawa ko. Syempre bumabawi ang katawan ko sa mga stressful days sa school. Deserve ko rin ito at ngayon, I am hoping na sana may matanggap akong regalo ngayong pasko-ngayong gabi.

"Snow White! Gumising kana! Hindi pupunta riyan ang prince charming mo para halikan ka-kaya bumangon ka na riyan!" matinding sigaw ng nag-iisang buraot na kapatid ko. Sinabayan pa niya talaga ng malakas na katok sa pinto nitong kwarto ko.

"Ang aga pa-sobrang ingay mo na!" sigaw ko rin.

"Tulungan mo si mama maglinis rito!" muling sigaw pa niya pero hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Ano bang ginawa ko? Wala, higa-higa lang. Tinatamad akong bumangon, eh. "Hoy!" muling tawag pa niya pero deadma. Hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng pinto at nagpanggap na lang ako na tulog. "Wala kang matatanggap na regalo galing sa akin mamayang gabi," aniya at as if naman naniniwala ako.

"Who cares," pang-aasar ko pero napaigtad na lang ako nang hawakan niya ang dalawa kong paa saka hinila ako pababa nitong kama. "Kuya!" matinding sigaw ko at hindi ko rin maiwasang hindi matawa.

"Sige, sige!" banta pa niya at kulang na lang talaga mahuhulog na ako. Tanging leeg ko na lang ang nakahiga sa paanan ng kama at buong lakas akong kumapit sa bedsheet para hindi ako matuluyang mahulog.

"Mommy! Si Kuya!" sigaw ko pa pero tinatawanan lang ako nitong mukong. "Wahhhhhh!" Napapikit na lang ako nang tuluyan na akong mahulog sa kama at saka lang niya binitiwan ang mga paa ko. "Walang hiya ka!"

Nag-make face pa siya at talagang parang bata ang mukong. Binigyan ko siya ng death glare at halos mapunit na nga ang mga mata ko pero tinatawanan lang niya ako. Kaya naman walang pagdadalawang-isip ko siyang binato ng unan.

"Ilalagay ko 'to sa CR," aniya nang masalo niya ang unang binato ko at kumaripas ng takbo palabas.

Favorite pillow ko iyon kaya gusto ko na ring maiyak at nagsisisi ako kung bakit iyon pa ang naibato ko. Muntik pa nga akong madulas nang sinundan ko siyang tumakbo pababa at talagang kinaway-kaway pa niya ang unan ko nang makarating na siya sa tapat ng pinto ng CR namin sa baba. Nagbabanta pa siyang buksan na niya ang pinto pero biglang lumapit sa kanya si Mommy at inagaw iyon.

"Kayo talaga, para kayong mga bata. Dinamay pa ninyo itong unan," saway sa amin ni Mommy.

"Joke lang naman po," sabi pa ni kuya habang kumakamot sa kanyang sintido.

"Nagpapapansin kasi iyan. Parang bata," bulong ko pa pero nabaling lang ang atensyon namin nang biglang may dumating na sasakyan. Kotse na minameho ni Daddy ang nauna at may kasunod namang isang sasakyan na hindi ako pamilyar.

"Ayusin ninyo mga sarili ninyo," sabi pa ni Mommy kaya nagtaka ako.

"Sino po bisita natin?" takang tanong ko at napatingin naman ako kay Kuya na nakakunot ang noo habang nakatingin rin sa labas.


First Fall of SnowWhere stories live. Discover now