CHAPTER 7 - Back To Strangers?

1 0 0
                                    

CHAPTER 7

SNOW'S POV

Sa ilang araw naming magkasama palagi ni Nicky ay parang napalapit na rin ako sa kanya. Masaya siya kasama at hindi ako nabo-bored. Palagi kaming tumatambay kapag walang klase sa may Streetfood o ‘di kaya sa may Bubble Tea. Masarap din kasi mga milktea nila, burger, fries, iced coffee at mga frappes.

Ngayon, nandito ulit kami sa gym para mag-decorate for upcoming Christmas Party. Bihira lang ‘to mangyayari na mag-celebrate ng ganito as a whole campus. Dati kasi by sections lang. Mga officers lang ang nandito by colleges. Isa rin kasi ako sa mga napiling officer sa College of Education at ito namang si Trecia, kahit hindi officer ay tumutulong pa rin. Hindi kusang loob na tulong kung hindi para lang makita ang Jerosh ng buhay niya. Tsk!

Ang daming gwapo sa College of Engineering, no?” aniya habang nag-aayos nitong mga artificial flowers para sa stage.

Tiningnan ko naman iyong mga taga COE roon sa gilid at halos lahat lalaki ang officers. Iyon nga lang hindi ko type iyong mga beauty nila. Iyong Jerosh na tinutukoy ni Trecia ay hindi naman siya ganoon ka-gwapo. Sadyang may appeal lang talaga at mukhang hot na daddy. Medyo malaki kasi ang katawan. Halatang nagi-gym.

Hi, Snow!” biglang sulpot ni Nicky at kasama na naman niya si Dustin at mga taga College of Psychology officers.

Hi,” bati ko rin. “Officer ka rin pala?

Nakangiti pa siyang tumango-tango. “Sa stage kami na assign,” aniya at tumago naman ako saka tumingin kay Dustin na parang nagbibigay na ng instruction sa mga kasama niya. “Doon muna ako, ah? Baka magalit sa akin si Mr. President at ma-english na naman ako,” paalam pa niya at natatawa na lang akong tumango.

Halatang hawak sa leeg ni Dustin lahat ng members niya ah?” bulong pa ni Trecia.

Bakit kaya hindi na ako pinapansin ni Dustin?” wala sa sariling sabi ko at napatitig na lang ako rito sa dala kong artificial flower.

Narinig ko namang tumatawa itong isa. “Hoy! Assumera ka. Bakit ka naman papansinin ni Dustin, eh hindi naman talaga iyan namamansin.

Itinali ko pa itong dala ko at inilagay sa basket para ibigay roon sa na-assign sa stage. “Pinansin na ako niyan,” sabi ko at napatingin naman ako sa kanya nang hindi siya nagsalita. “Bakit?” tanong ko nang nakatitig lang siya sa akin habang nagtakip ng bibig.

Talaga? Kailan?” sunod-sunod na tanong pa niya kaya ikinuwento ko na lang. “Haba ng hair mo ha? Grabe ang swerte mo. Iyong iba riyan nagpapapansin para lang pansinin pero waley pa rin. Eh, tapos ikaw, walang ginawa pero napansin? Shocks!” Napairap naman ako sa OA na ito.

Big deal na ba talaga iyon kung mapapansin ng isang Dustin? Well, kung sabagay ang dami nga namang nagkandarapa sa lalaking iyon. Ang swerte naman ng babaeng magugustuhan niya. Sana ako na lang iyon.

Are these artificial flowers ready for the design?” biglang sulpot ni Dustin.

Ahm… y-yes. Okay na iyan siguro,” sabi ko at diretso naman niyang binuhat ang basket saka dinala roon sa stage. “Wala man lang thank you?” pabulong na sabi ko pa at tinawanan lang din naman ako nitong isa.

Sabi ko naman sa iyo,” wika pa ni Trecia habang umiiling-iling.

Hindi ko na lang iyon pinansin pa at pinagpatuloy lang namin ang pag-arrange nitong mga bulaklak. Masyado kasing marami ito dahil hindi lang stage ang lalagayan, pati na rin sa entrance at photo booth. Mamimili rin kami rito ng mga pwedeng ilagay sa flower vase para sa mesa.

Nang mag-lunch break na ay napag-isipan namin ni Trecia na pumunta na lang sa Cafeteria at doon kakain. Sumama rin sa amin iyong ibang members at pati na si ate Geanah na President namin. Apat lang kaming Freshmen dito at iyong iba ay seniors na namin.

Hi, pwede ba akong makisabay rito?

Napalingon naman ako kay Nicky na ngayon ay nasa gilid ko na. Itong si Trecia naman, panay kurot sa tuhod ko kaya tiningnan ko siya ng masama. Nahihiya nga ako sa mga kasama ko dahil tila nagtitinginan sila.

Sure,” sagot naman ni ate Geanah.

Pilit na lang akong ngumiti saka kunwari itinuon ang atensyon sa pagkain ko. Hindi ko kasi inaasahang gagawin ito ni Nicky. Yes, komportable na ako sa kanya pero hindi rito sa mga kasama ko. Panay tingin kasi sila sa akin lalo na’t tumabi itong si Nicky sa akin.

Favorite mo iyan ‘di ba?” tanong pa ni Nicky sabay lagay ng mango shake sa tabi ng plato ko.

Napakagat-labi pa ako saka palihim na tumingin sa mga kasama ko. Mas lalo akong nailang sa mga reaksyon nila. Si ate Geanah, napatakip ng bibig. Si Kerahlyn, napatigil sa pag-inom. Iyong iba ay nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Nicky. At itong si Trecia naman, halos magkapasa na ang hita ko kasasampal niya.

Tumikhim pa ako at saka pilit na ngumiti kay Nicky. “Salamat,” sabi ko at hindi na ako makaangat ng tingin pa.

Habang kumakain kami ay panay kwentuhan lang sila pati rin si Nicky. Mas madaldal pa nga itong si Nicky compare sa mga kasama ko. Iyon nga lang ay nakikitawa na lang ako kahit naiilang.

You’re not done yet, Nick?” Napalingon naman ako sa likod nang biglang magsalita si Dustin.

Hindi pa, bro. Sunod na lang ako,” sabi pa niya at kahit nakita ko namang kanina pa siya tapos kumain. Tinanguan lang siya ni Dustin at saka umalis. “Parang bad mood yata iyong kambal ko,” mahinang sabi pa ni Nicky at sakto lang na marinig ito ng mga kasama ko.

Kambal kayo?” nasusurprisang tanong pa ni Avery. Parihas kaming freshmen kaya siguro hindi pa niya ito kilala.

Natawa pa si Nicky at ganoon na rin sila ate Geanah. “Hindi no. Mas gwapo pa ako noon,” sagot pa ni Nicky.

Tsk! Mas gwapo pa nga iyon sa iyo,” kontra pa ni Avery sa kanya kaya mas lalo akong natawa.

Snow, ipagtanggol mo ko.” Hinawakan pa niya ang balikat ko na parang batang nagsusumbong pero tinawanan ko lang siya. “Oo na. Mas gwapo si Dustin kaysa sa akin pero atleast hindi ako masungit. Loyal pa ako tapos caring pa,” aniya habang nakatingin sa akin. At hindi pa nga nakuntinto, itinukod pa niya ang kanyang siko saka isinandal ang kanyang ulo sa kamao niya’t tumitig sa akin.

Naiilang na talaga ako kaya nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya at uminom ng tubig. “Balik na tayo sa gym?” alok ko sa kanila at mabuti na lang at nag-agree silang lahat. HO! Ligtas!

Alam ko namang may gusto sa akin si Nicky pero talagang naiilang talaga ako kapag nagkagaganoon siya eh. Okay lang sa akin kung tropa-tropa iyong turing kasi komportable ako roon. Pero iyong may kunting landi. Tsk! Naiilang talaga ako.

First Fall of SnowOnde histórias criam vida. Descubra agora