CHAPTER 4 - Getting Closer!

2 0 0
                                    

CHAPTER 4

Matapos ang isang linggong break namin, balik na naman kami sa pagiging estudyante. Ngayon, sinadya kong agahan ang pagpasok kasi may pupuntahan pa ako sa faculty office. Ako kasi naka-assign na mag-encode sa mga titles ng mga sina-submit naming projects noong nakaraan. Ewan ko ba kung bakit ako ang nabunot ng Porfessor namin na mauutusan niya. Tinatamad sana ako kaso wala akong magawa. Baka 'pag hindi ako pumayag, magtatanim siya ng sama ng loob sa akin. Charz!


"Snow, ikaw muna bahala rito sa office ha? May pupuntahan lang ako roon sa Director's Office," sabi pa ni Professor Cortez.


"Yes, ma'am." Tumango pa ako saka muling itinuon ang atensyon rito sa ini-encode ko.


Nang magsara na ang pinto ay saka ko lang inilabas ang phone ko at chini-check kung may message galing kay Trecia. Sinabi ko kasi sa kanya na maaga ako ngayon kaya nagbabakasakali akong aaga rin siya. But sadly, nag-reply lang siya sa akin na mamayang 9:00am pa siya papasok since 10:30 pa naman first subject namin today.


Pinagpatuloy ko na lang ang pagi-encode dahil kaunti na man lang din ito at matatapos na. Nang mag-print na ako ay nakakabadtrip pa ang resulta kasi black and white. Baka naubusan ito ng colored ink at hindi pa naman ako marunong magpalit.


"Minalas nga naman oh!" reklamo ko na lang saka uupo na sana nang may tumikhim sa likod ko. Kaagad naman akong lumingon at doon lang nanlaki ang mga mata ko.


"Do you see anyone else here besides me?" tanong pa sa akin ni Dustin na tumingin-tingin pa sa likod niya.


Umiling naman ako. "W-Wala naman," sagot ko.


"Bakit parang nakakita ka ng multo?" Natatawa pa siya.


Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya at kunwari chini-check ko itong mga inks. "Nakagugulat ka naman kasi eh. Sumusulpot ka na lang bigla riyan," sabi ko at narinig ko naman siyang matunog na suminghal. "A-Ano nga palang ginagawa mo rito?"


"I was just going to give something to Professor Flores, but it seems like he's not yet around right now," sagot niya at napatingin naman ako sa mesa ni Prof. Flores. Wala pa talaga siya dahil wala ang mga gamit niya. "Can I help with that?" aniya kaya napahinto ako sa kaka-try maglagay nitong colored ink sa lalagyan nitong printer.

Napatingin naman ako sa uniform niyang napakaputi. Pati mantsa ay mahihiyang dumapo sa damit niya. "Naku huwag na. Baka madumihan pa iyang uniform mo," tanggi ko pa pero inagaw niya sa akin ang bitbit kong ink. Binigyan ko naman siya ng space para gawin iyon sa printer. Nakikitingin na rin ako para sa susunod ay marunong na ako.
"Ay ang dali lang pala," sabi ko nang matapos na niyang mailagay. "Thank you ah."


"You're welcome," aniya at eksakto namang dumating si Professor Flores.


"Good morning, sir!" bati ko.


"Good morning, Professor Flores!" bati rin ni Dustin.


"Good morning! Oh, bakit nandito itong psychologist natin?" Inilagay pa muna ni Prof. Flores ang mga gamit niya sa table. Hmm... psychologist pala itong si Dustin? Akala ko naman medicine, or nursing, or med tech.


Lumapit naman sa kanya si Dustin at hindi na ako nakikinig sa pinag-uusapan nila. Pinagpatuloy ko na lang ang pagpi-print hanggang sa matapos ito. Ilang segundo lang din ang nakalipas ay dumating na rin si Professor Cortez. Lakas maka-timing!


"Hello, Prof. Flores!" bati niya.


"Oh hi! Ang aga mo naman?" sabi pa ni Prof. Flores saka nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Dustin.


"Tapos na, Snow?" tanong niya sa akin nang makita akong nagi-staple na sa mga papers.


"Opo," sagot ko.


"Thank you! May klase ka na ba?" aniya at ibinigay ko naman iyong mga papers sa kanya.


"Wala pa po. Mamaya pang 10:30 klase namin," sagot ko at tumango naman siya.


"Ah okay. Thank you ulit, Snow!"


"You're welcome po." Kinuha ko pa ang bag ko sa upuan saka nagpaalam sa kanya. Hindi ko naman din hinintay si Dustin kasi...bakit ko naman siya hihintayin?


Wala pa akong klase at wala pa rin ang mga kaklase ko kaya naisipan kong tumambay muna roon sa Cafeteria. Doon na lang siguro ako iidlip total wala naman akong gagawin. Mabuti sana kung nandito si Trecia para may kakwentuhan ako. Nabo-bored tuloy ako ngayon.


"Hey?" Napalingon naman ako nang may tumawag sa akin at nalaman kong si Dustin pala ito.


Wow! As in wow! 'Yung lakad niya nagsu-slow motion tapos bakit ang gwapo niya? Walang emosyon ang mukha niya habang papalapit sa akin at ang cool niya tingnan. Bakit ba may ganyang klase na tao? Kahit hindi nakangiti, ang gwapo pa rin.


"Laway mo tumulo na," aniya kaya natauhan ako't nahihiyang umiwas sa kanya ng tingin. "Naiwan mo sa table ni Prof. Cortez." Inabot pa niya sa akin ang salamin ko. Ngayoon ko lang din naalala na hinubad ko pala ito nang mag-print ako.


"S-Salamat," sabi ko at hindi na makatingin sa kanya ng diretso. Pangalawang pagkakataon na 'tong napahiya ako sa kanya.


"Anong plano mo ngayon?" tanong niya habang sinasabyan akong maglakad.


Sinuot ko pa ang salamin ko saka umangat sa kanya ng tingin. "Ha?" balik tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman alam kung anong pinupunto niya. Pero napahinto ako nang huminto rin siya't tinititigan ako. "Bakit?" Pinagkunutan ko pa siya ng noo pero napasinghap na lang ako ng hangin nang marahan niyang kinuha ang suot kong salamin.


"Mas bagay sa iyong hindi nakasalamin," aniya at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Ahm... bagay naman sa iyo kung suot mo 'to pero mas... mas maganda ka kung wala ito." Inabot pa niya sa akin ang salamin ko.


Ewan ko, para sa kin okay lang naman na may salamin ako. Hindi naman kasi ito makapal at sakto lang ang nipis niya. Kulay gold rose pa nga 'to para hindi masyadong nerd tingnan.


"Wala ka bang klase?" pag-iiba ko ng usapan saka nagsimulang maglakad muli.


"I have," maikling sagot niya.


"So... bakit ka pa nandito?"
Huminto na naman siya kaya ganoon na rin ako. Tsk! Mga anong oras pa kaya ako makakarating sa Cafeteia? Okay lang sana kung sasamahan niya ako. Mas masaya iyon.


"I have something to tell you," aniya at masyado yata siyang seryoso.
Jusko! Kinabahan ako sa sinabi niya.


Hindi ako prepared sa confession keneme na iyan. Hindi ko pa ini-imagine na ika-crush back niya 'ko! T*ng*na naman 'tong si Dustin! Umagang-umaga pinakaba na 'ko. Hindi ko pa napraktis kung paano ko siya i-reject. Charot! Feeling ko naman kung iri-reject ko siya. Pero ang pangit naman kung um-oo kaagad 'di ba? Baka isipin niyang crush ko siya kahit totoo naman.

First Fall of SnowWhere stories live. Discover now