CHAPTER 6 - Meet his friend

2 0 0
                                    

CHAPTER 6

DUSTIN'S POV

Our class ended early, and my friend Nicky invited me to go to the Gym to meet Julianna. Every now and then, he kept asking me if his appearance was okay. Napailing na lang talaga ako dahil hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang ma-involve sa ganito.


"I can't accompany you right now. I have something important to do," sabi ko saka kinuha ang bag. I was about to leave, but Nicky blocked me, and his face seemed pleading. Napabuntong-hininga na lang ako. "Ano bang gagawin ko roon?"

"Tulungan mo 'ko, bro. Magkaibigan kayo eh-"

"No. We're not," kaagad na dugtong ko.

"Don't lie to me, bro. Nag-dinner nga kayo together eh, tapos hindi kayo magkaibigan?" aniya napabuntong-hininga na naman ako at nag-iwas sa kanya ng tingin.

"Magkakilala lang kami," paliwanag ko pa.

"Ah basta, tulungan mo 'ko." Inakbayan pa niya ako palabas at wala na talaga akong magawa kung hindi ang samahan siya.

When we arrived here at the Gym, he looked around in every corner. Perhaps he's looking for Snow. Umupo na lang ako rito sa bleacher at inilagay ang air pods sa tainga. Inaantok rin ako kaya napag-isipan kong umidlip na lang muna. Hahayaan ko na iyang isa riyan kung anong ididiskarte niya. Pero kung sisiputin nga siya.


SNOW'S POV

Sinamahan nga ako ni Trecia papunta rito sa gym. Ayoko sanang makipag-meet kaso pinipilit niya ako't pinakukunsensya. Kesyo daw baka nag-effort o nag-cut ng klase ang tao para lang makausap ako. Eh, wala naman akong pakialam kung ganoon sana. Ibig sabihin lang noon ay hindi ako okay na makipag-meet sa kanya. Kaso talaga itong kaibigan ko, nagpupumilit kaya wala na akong magawa.

"Omagash! Iyon siya oh!" Kinikilig pang tinuturo ni Trecia iyong lalaki na nakatalikod doon sa kabilang corner nitong gym.

"Ikaw na lang kaya makipag-meet sa kanya? Eh total crush mo naman iyon," sabi ko pa at magandang suggestion iyon para sa akin.

Tinaasan pa niya ako ng kilay at pinagkrusan ng braso. "Crush ko iyan noon. Hindi na ngayon. May nanalo na eh. Doon na lang ako sa ibang crush ko. May labing-anim pa naman akong natitira," aniya at nag-flip pa ng hair.


"Ang dami naman. Iyon nga lang hindi sa iyo," pang-aasar ko pa at nginiwian niya lang ako.


"Malapit ko nang makuha si Jerosh. Hintay ka lang," taas noo pa niyang sabi. "Sige na. Lapitan mo na." Mahina pa niya akong tinulak at kumaway pa ang g*ga.

Bumuntong-hininga na lang ako saka humakbang papunta sa kabilang corner. Pero napapansin ko iyong isang tao na nakaupo sa bleacher at parang nakapikit. Hindi ko alam kung natutulog ba siya o ano. Tsk! Sinamahan mo pa talaga ang kaibigan mo, Dustin? Grabe ka, wala ka ba talagang feelings para sa akin? Nakakainis ka naman!

"Hi!" Saka ko lang naialis ang paningin ko nang magsalita si Nicky.

"Hi," casual na bati ko rin sa kanya.

Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin. Tuloy ay nakaramdam ako ng awkward dahil hindi ko rin alam kung ngingiti ba ako sakanya pabalik. "I'm Kent Nichole." Inilahad pa niya sa akin ang kamay niya para makipag-shake hands. "But you can call me Nicky," dugtong pa niya.

Matunog naman akong ngumiti saka tinanggap ang kamay niya. "Snow," pakilala ko rin. Nauna na akong bumitiw dahil parang wala na siyang planong pakawalan ang kamay ko.


Tama nga si Trecia. Gwapo nga siya at magkasing-height lang sila ni Dustin. Pero mas maputi si Dustin sa kanya. Pero mas gwapo pa rin si Dustin kaysa sa kanya. Argh! Bakit ba ako puro Dustin! Move on na nga ako!


"Napansin mo rin ba 'ko?" aniya at napakurap-kurap naman ako dahil hindi ko narinig iyong iba niyang sinasabi. Nakakahiya itong pagiging lutang ko! "Eh kasi napapansin kita palagi sa may Streetfood. Doon din kita unang nakita," dugtong pa niya.


"Ahm... hindi eh," sabi ko ngumuso naman siya na para bang nadi-disappoint pero kaagad din namang pinalitan niya ng ngiti.


"If you have free time, kain tayo roon? Libre ko naman," aniya na parang excited pa. Tumango naman ako't pilit na ngumiti. Okay lang naman siguro 'to. As a friend lang.


"Wala na ba kayong klase?" tanong ko para man lang may maitanong rin ako kunwari.


"Wala na. Ikaw ba?" balik tanong niya rin sa akin. Tumango na lang din ako bilang tugon. "Thank you, ha? Kasi binigyan mo 'ko ng time."


Nginitian ko lang siya at hinayaan na magkwento pa nangmag-kwento. Ako nitong taga-tango lang. Minsan sasagot nang 'oo' o 'hindi'. Minsan din nakikitawa. Hindi ko kasi alam kung anong itatanong ko sa kanya. At baka isipin rin niya na interesado ako sa kanya kung sakaling magtatanong ako tungkol sa sarili niya. Psychologist pa naman 'to. Baka may nabuo na 'tong isang paragraph sa utak niya kung anong klase akong tao.


"I'll go ahead, Nick. I still have things to do." Napatingin naman ako kay Dustin na biglang nagsalita. Tumayo siya saka kinuha ang kanyang bag at inilagay ito sa kanang balikat.


"Sige hindi na kita pipigilan, bro. Ingat ka!" sabi pa ni Nicky at itinaas lang ni Dustin ang kanyang kanang kamay. Hindi man lang tumingin rito at diretso lang umalis. Kahit 'hi' man lang sa akin-wala? Hindi na namamansin?


"Totoong masungit ba iyan si Dustin?" usisa ko at nagkibit-balikat naman siya.


"Iyan ang sabi ng karamihan. Pero totoo naman din iyon kaso hindi niya ako matiis. Kinukulit ko kasi iyon kaya hindi niya ako mahindian," paliwanag pa niya. "Pero 'di ba nagkakilala na kayo?" tanong pa niya sa akin at tumango naman ako.

"Hindi naman niya ako sinusungitan pero... ngayon parang naging masungit na." Tiningnan ko pa si Dustin na palabas na ng pinto.

"Ganoon talaga iyon. Don't mind him. Minsan nga kapag wala iyan sa mood tapos kukulitin ko, pinapaulanan ako ng english. Englishero kasi iyan kaya kung wala iyan sa mood, I surely zip my mouth." With action pa nag pag-zip niya ng kanyang bibig.

Parang makulit nga siya compare kay Dustin. May sense of humor din 'to. No wonder why na may maraming nagkagusto sa kanya. Pero ako, hindi ko alam. Walang spark eh. Kaibigan na lang muna siguro.

First Fall of SnowWhere stories live. Discover now