CHAPTER 13 - Official Savior

0 0 0
                                    

                        CHAPTER 13

DUSTIN’S POV

Sadly, we didn’t celebrate Christmas because we brought ate here at hospital. Wala kasing tigil ang pagsusuka niya at hindi namin alam kung bakit. Ang sabi ng doctor ay gastritis daw. And one thing I know is, one of a cause of gastritis is stress. Ate was been very busy lately. Kahit iyong time ng pagkain niya ay hindi na nasusunod at pati iyong tulog niya. Siguro tama nga ang hinala kong stress ang dahilan.


Hindi namin siya inuwi kaagad ng bahay kasi we need to observe if kaya na ba talaga niya. Parang matamlay pa kasi siya at wala pang masyadong lakas. Si mommy’t daddy kasi umuwi muna kasi may inaasikaso. And ngayon, ako and her boyfriend lang ang nagbabantay sa kanya. We’re not that close kasi parang may sarili rin siyang mundo. I don’t have the courage also to talk to him kasi wala naman akong naisip na topic. Until the doctor came at chini-check si ate.


Are you feeling better?” tanong ng doctor sa ate ko at tumango lang siya.


Hindi na ako nakikinig sa pinag-uusapan nila kasi okay naman na ang ate ko. Lumabas muna ako para sana bilhan sila nang pagkain nang biglang sumulpot itong si Nick. Parang may hinahabol pa at kung saan-saan na lang tumitingin.


You okay?” I asked him at tinitingnan ko pang mukha niya na parang may hinahanap talaga. “Are you looking for someone?


Bro, nakita ko si Snow. Papunta iyon rito, eh. Hindi mo ba siya napansin?” tanong niya at sumilip-silip pa sa kabilang hallway.


No,” sagot ko at nakisilip na rin sa tinitingnan niya. And there she is. Nakita nga namin siya but she’s with the doctor kanina. Doctor ng ate ko.


Magkakilala sila?” tanong ni Nick but I didn’t answer him. Hindi ko rin naman alam kung magkakilala sila.


He’s the doctor of my ate,” mahinang sabi ko.


Anong name niya?” usisa na naman nito.


Kimrex Rodriguez,” I answered.


Rodriguez? So, hindi sila related? I also stalked her before and wala akong nakitang mukha niya sa mga post ni Snow. Hindi kaya boyfriend niya—” Napahinto siya nang makita namin kung paano hinalikan sa noo si Snow ni Doc. Rodriguez.


I guess… you’re right,” sabi ko na lang saka umupo rito sa gilid na upuan. “Stop looking at them, Nick. Mahiya ka,” saway ko sa kanya.


Hey!” rinig kong tawag ni Snow at napaangat naman ako ng tingin. She is waving her hand at napatingin naman ako kay Nick na nakangiti na.


What are you doing here?” tanong pa ni Snow habang papalapit sa amin kasunod si Doc. Rodriguez.


Ahm… I am visiting ate Diana,” sagot pa ni Nick.


Bakit? Anong nangyari?


Napaano nga si ate Dianna, bro?” tanong pa sa akin ni Nick. Tsk! Why don’t you ask her boyfriend? He’s my sister’s doctor, anyway. “Gastritis,” I answered and good thing kasi ini-explain nitong doctor para maintindihan niya.


Kamusta na siya?” usisa pa ni Snow.


She’s fine. Anyway, excuse me may pupuntahan pa ako.” Hindi ko na hinintay pang sumagot sila at diretso ko lang silang iniwan.


First Fall of SnowWhere stories live. Discover now