CHAPTER 14 - Turned-Off

1 0 0
                                    

CHAPTER 14


SNOW'S POV

Nakakabadtrip! Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako nitong mukong na 'to o magagalit. Paano ba naman, ang pangit na ng buhok ko! Sabihin man nilang nag-overreacting ako pero gusto ko nang mangsakal ng tao ngayon!

"Dustin, ayusin mo 'tong buhok ko." Pinakita ko pa sa kanya ang nagkaputol-putol na hibla ng aking buhok.

"Wow! Wala man lang thank you?" panunumbat niya.


"Sige, thank you, pero panagutan mo itong ginawa mo sa buhok ko." Tinawanan pa niya ako saka pinulot ang mga pinamili niya sa sahig. Akala ko kakausapin pa niya ako pero iniwan lang ako ng diretso? "Dustin!" matinding sigaw ko dahilan para mapahinto siya't lumingon sa akin. Nakita ko pa kung paano nagtagpo ang dalawang kilay niya. "Ganoon-gano'n na lang? Matapos mong gawin sa akin iyon--basta-basta ka na lang mang-iwan?!" Wala na akong pakialam kung pinagkatitinginan na kami rito. Kita ko nga kung paano mas nangunot ang kanyang noo habang humahakbang papunta rito sa kinaruruonan ko. "Akala mo-"

Hindi ko maitapos ang sasabihin ko nang tinakpan niya ang ulo ko nang jacket niya. Walang-hiya nga kasi pati mukha ko tinakpan niya. "Subukan mong alisin iyang takip-iiwan talaga kita rito," bulong pa niya saka hinawakan ang kamay ko't marahan akong hinila.

"Tika lang! Madadapa ako," reklamo ko pa.

"Sumunod ka lang sa akin. Huwag ka ng magreklamo," aniya at ginawa ko naman ang sinasabi niya. "Hirap mag-alaga ng aso," rinig kong sabi pa niya kaya pahablot kong binawi ang kamay ko.


"Anong sabi mo?! Ako aso?!" Inis ko pang inalis ang jacket niya sa ulo ko. "Eh ikaw nga mukhang panda! Laki ng eyebags mo!" pang-iinis ko pa.


"Alam mo, ikaw pa nga tinutulungan, ikaw pa ang galit. Oo na, pananagutan ko iyan. Tatawagan na lang kita kung saang Salon ko iyan ipapaayos," mahinahong aniya at saka tinalikuran ako.


"Sana sinabi mo kanina pa, dinala mo pa ako rito. Tuloy maiiwan na naman ako ng jeep nito," panunumbat ko na naman.


"Wait," biglang pigil niya sa akin sa akmang pag-alis ko. "Jeep? Magku-commute ka?" usisa pa niya at taas kilay naman akong tumango.


"Bakit?" tanong ko rin sa kanya pero hindi siya sumagot at sa halip ay lumapit siya sa akin saka kinuha ang kamay ko't marahan na naman akong hinila papasok. "Ano ba?! Saan mo na naman ako dadalhin?" Pilit ko pang binabawi ang kamay ko pero hindi ko magawa dahil sa higpit ng pagkahawak niya. "Dustin, bitiwan mo ko. Sige, iisipin ko na may gusto ka sa akin kapag hindi mo ko bibitiwan."


Huminto naman siya saka binitiwan talaga ako. Tsk! Talagang wala kang gusto sa akin. "Can you please just shut your mouth? Baka isipin nilang nag-aaway tayo eh," mahinahong sabi pa niya. "I will take you home. Ibibigay ko lang 'to kay ate."


Napatigil naman ako sa sinabi niya. At hindi ko maiwasang tingnan siya ng nakadudang tingin. "Kaya ko na ang sarili ko po," sabi ko dahil kahit crush ko siya, ayoko pa ring magpahatid sa kanya dahil sinira niya ang buhok ko.


First Fall of SnowWhere stories live. Discover now