CHAPTER 15 - Back To School

0 0 0
                                    

                        CHAPTER 15

SNOW’S POV

Parang kalian lang masaya kami na bakasyon na, pero hindi ko naman na feel. Akalain mo nga naman na parang isang araw lang iyong bakasyon tapos ngayon balik sa klase na. Nakatatamad nga bumangon ng maaga lalo na’t nakikita ko ang sarili ko sa salamin na parang nag-iiba na ang itsura. Sabi nga ni Mommy at Daddy parang naging matured daw ako tingnan. Tsk! Basta hindi ko talaga type ang ganito ka iksing buhok.

Snow, sabay ka na lang kay kuya Arkiem mo. Umalis na kasi ang Daddy ninyo kasi may dadaanan pa raw siya,” wika ni Mommy habang inaayos ang mga preskong bulalak sa ibabaw nitong mesa rito sa salas.

Sige po,” sagot ko naman saka lumapit sa kanya. “Alis na po kami,” sabi ko sabay halik sa pisngi ni Mommy.

Mag-ingat kayo ha?” aniya at tumango naman ako. “Arkiem?” tawag ni Mommy kay kuya nang makababa ito.

Po?

Drive safely, ha?” habilin pa ni Mommy.

Opo. Alis na po kami,” wika ni kuya at humalik rin sa pisngi ni Mommy.

Abot ang tainga ang ngiti ko habang papunta kami sa kotse. Paano ba naman, hindi ako magku-commute ngayon. Mabuti na lang talaga at natagalang gumising itong isa dahil nakasabay pa ako. Fresh pa ako kahit papaanong makarating sa klase.

Sa likod ka sumakay,” wika ni kuya nang bubuksan ko ns sana ang pinto sa harap.

Bakit?” nakangusong tanong ko naman. Dati naman kasi ay rito ako uupo tapos ngayon sa likod? Tsk!

Dadaan tayo kina Tehrenz. Sasabay raw siya sa atin,” aniya saka pumasok.

Kaagad naman akong nagpunta sa likod saka umupo sa gitnang bahagi ng upuan. Hindi na ako umimik pa at inilagay ko na lang ang headset sa magkabilang tainga ko. Gusto ko sanang magtanong kung kamusta ang OJT nila kaso parang may kausap sa phone eh.

Ilang minuto lang ay huminto kami rito sa tapat ng isang malaking bahay. Bumusena pa si kuya ng dalawang beses at ilang segundo lang din ay nakita kong lumabas si Tehrenz. May dalang malaking bag na tila pinapalayas ng magulang. Kumatok pa siya sa bintana kaya binaba naman nito ni kuya.

Ilagay mo na lang sa likod ang bag mo,” sabi pa ni kuya at lumihis naman ito papunta sa compartment saka inilagay ang bag niya.

Dito ako?” tanong pa niya ni kuya nang buksan niya ang pinto sa harap.

Oo,” maikling sagot ni kuya kaya pumasok na Tehrenz.

Hi, Snow!” baling niya sa akin at bahagya pa siyang humarap rito sa likod.

Hello,” bati ko rin.

Ang aga pala pasok ninyo no? Kaya pala ngayon lang tayo nagkasabay,” aniya habang tumitingin pa sa kanyang relos.

Ngayong-araw lang. Iyong ibang schedule ko mag-start ng 10:00 am.” Tiningnan ko pa ang phone ko dahil nag-vibrate. Iyon pala nag-text si Trecia na nandoon na siya. “Bakit nga pala ang dami mong dalang gamit?” usisa ko dahil nagtataka lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First Fall of SnowWhere stories live. Discover now