Chapter 1

669 10 2
                                    


Caitlin POV


Katatapos ko lang magshower at currently dinadry ang hair ko. Kapagod ng araw na to umabot pa kami ng 5th set kalaban ang NXLED. Nagulat ako nang biglang tumunog ang doorbell. Lumapit ako dito at binuksan, tumambad sa akin ang isang matangkad at maputing babae, long hair pero nakatali ang buhok at naka all black shirts at shorts.


"Hi neighbor, I'm Bea. I live next door. Just came to say hi." Uso pa ba ngayon yung mang istorbo ng kapitbahay?


"Hello Bea. I'm Caitlin." Sabay abot ng kamay ko para makipaghandshake. Akala ko tapos na pero parang trip niya pa makipagdaldalan kasi dami niyang kwento akala niya ata iinvitin ko siya sa loob nagzozone out na ko sa antok pero tuloy pa rin siya at di makaramdam.


"Bea if you don't mind pwede sa susunod na lang tayo magkwentuhan medyo pagod kasi ko."


"Oh I'm sorry Cait. Anyway, I'll go now. It was nice seeing someone occupies the room next to mine. Sorry naexcite lang ako. I'll see you around."


Kinaumagahan di ako nagising sa alarm ko so wala na kong time kumain at paspasan na kong nagbihis para hindi malate sa training. At nagulat ako pagbukas ko ay andun na naman si tangkad nakatayo.


"Hi neighbor, nahiya ako magdoorbell medyo maaga pa kasi buti na lang sakto paglabas mo. Naparami yung paggawa ko ng pancakes here I got some for you. " Kahit may pagkastalkerish to sayang din ang free food kaya kinuha ko na at nagpasalamat at nagmamadaling lumakad. Pero nakita ko nakasunod pa din siya.


"Cait sabay na tayong bumaba. Athlete ka pala." Tinanguan ko lang ito pero di natinag ang energy niya pangiti ngiti pa din sa elevator parang sira. Nagpaalam na ko palabas ng condo building pero nag insist siya na ihatid ako sa kotse ko. Kinakabahan tuloy ako baka balak ako ipasalvage nito.


============================================================

AN: New story out for you guys lolz. Tumal ng ayuda lately hahaha.



Friendly NeighborhoodWhere stories live. Discover now