Chapter 16

463 14 10
                                    


Caitlin POV


Nag isip pa uli ako for the second time around before I decided na kakausapin ko na siya in the guise na isosoli ko yung jacket para di awkward not that it wouldn't be either way.


Pagkatok ko walang nagbukas at pinihit ko naman yung doorknob kaya inopen ko na wag sana siyang magalit. Nakita ko nakayakap sa leeg niya yung malditang babae habang may ginagawa siya sa table.


Dali dali akong bumalik sa kwarto ko at humiga naiiyak ako sa inis ewan ko ba wala naman ako karapatang magalit kasi pinalayo ko siya pero di ko pa rin mapigilan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Naibato ko tuloy sa kama yung jacket niya.



Bea POV


May kumakatok at pagbukas ko ay bumungad si Seth na dire diretso pumasok kahit balak kong harangin sana sa pintuan.


"Ano na naman bang ginagawa mo dito?


"Wala naman issue dati pag pumupunta ako dito. Anong meron this time? Natatakot ka bang may makakita sakin?"


Hinayaan ko na siya sa buhay niya at tinuloy ko na yung mga inaayos kong paperworks for an upcoming business.


Nagulat ako biglang yumakap sa likod ko si Seth at saktong bumukas ang pinto at pumasok si Cait na umalis din agad. Napatayo ako bigla at inalis ang nga kamay ni Seth. Dali dali akong humabol sa kanya sa room niya. Nakailang katok at doorbell na ko pero di pa rin niya ko pinagbubuksan. Napaupo na lang ako sa harap ng door niya at sumandal.


Haay I'm so fucked pag minamalas ka nga naman. I'm trying to set things right with Cait and yet here I am on the verge of losing whatever is left that there is to fix. Napasubsob na lang ako ng mukha sa hita ko while leaning on her door. Di ko namalayan nakaidlip na pala ko.


Nawala ang antok ko ng natumba ako sa sahig pagbukas ng pintuan. Pagtingin ko sa taas nasilayan ko muli ang mukhang sobrang namimiss ko.


"Uh, hi"


"Anong ginagawa mo jan?"


"Nakaidlip pala ko."


"So kung hinde natiming na magtatapon ako jan ka na matutulog?"


"I think so naalala ko nalock pala ko."


"Pasalamat ka may spare key ka dito. Buti nagpaduplicate ka nung stay mo."


Iniabot niya sakin yung susi. Pero ayoko sanang kunin at pinaduplicate ko yun for her.


"What are you waiting for?"


"Dito muna ko usap tayo pls?"


"May dapat pa bang pag-usapan?"


Napansin ko ang namamagang mga mata niya. Nasaktan ko siya I need to make things right. But her lips are so tempting right now di ko napigilan ang sarili ko na angkinin. Ineexpect ko na pagdilat ko ay aabutan ako ng matinding pagkakasampal pero walang dumating bagkus ang bumungad sakin ay ang pamumula at pagkakapikit niya rin. Kaya I dove in one more time and this time mas passionate na kiss ang ginawad ko at naramdaman ko na tumutugon pabalik ang mga labi niya. This encouraged me more kaya hinapit ko ang katawan niya palapit sakin at mas nilaliman pa ang pagkakahalik. Nang kailangan na namin huminga ay nagsalita naman ito.


"Akala ko ba mag-uusap tayo peste ka."


Natawa naman ako dito. "Pinagana ko pa din naman ang bibig ko." Kaya naman nahampas ako nito sa braso. Nahuli ko ang kamay niya at hinalikan.


"Wala namang iba Cait ikaw lang. I want you to know that."


Hinila ko ito sa couch at pinaupo sa lap ko ng nakaharap sa akin.


"Makakapag-usap ba tayo ng maayos ng ganitong pwesto?"


"Sorry namiss kitang makita sobra. I wanna see you this close while talking."


"Hokage moves mo Bei ayusin mo."


"Kamusta ka? 1 week felt too long. More than a week kitang nakasama tas 1 week halos mo din akong di pinansin."


"Ganun talaga nagpapamiss minsan. Di ka na ba maglalie ulit?"


"Uhm white lie pwede?"


"No lies kung ayaw mong hindi na ko makita pa."


"No more lies it is then. Bakit ka pala umalis kanina without waiting for me?"


"Nakakaistorbo ako sa inyo." Akmang tatayo na si Cait paalis sa lap ko pero nilock into place ko siya.


"San ka pupunta? Matagal na kaming wala ni Seth biglaan lang punta niya. Nagulat din ako sa ginawa niya tas sumakto pa sa punta mo. Promise nothing is going on between us. Ipapaban ko na siya asap sa condo for both our peace of mind. Ayokong nagdadoubt ka sa intentions ko."


"Di mo naman kailangang magpaliwanag at wala namang namamagitan satin."


"Correction wala pang official. Pero as early as now I'm telling you na if you are having any doubts or worries you can always tell me."


"Confident na confident ka diyan porke naka isa este dalawa ka."


Hinawi ko yung piece of hair na tumatakip sa maganda niyang mukha sabay hawak sa malambot niyang pisngi.


"Well not so much but I'm so glad you feel the same."


"E pano kung hindi pala?"


"Then I will keep trying until you develop feelings for me. Kung kailangan maging chef mo ko habambuhay. Buhatin ka umaga, tanghali, gabi, name it. Whatever it takes till you say mahal mo na rin ako."


"Mahal na din kita."


=========================================


AN: Day after tomorrow na yung next di ko pa nasusulat 😆. Pero naiimagine ko naman how magplay out yung next chapter so hopefully mabilis ko lang maisulat. Ganyan yung style ko sa mga chapters ineenvision ko muna if maganda yung scene sa story. Sana napipicture out niyo din sa pagkakasulat ko para mashare ko hahaha.

Friendly NeighborhoodWhere stories live. Discover now