Chapter 15

397 11 7
                                    


Bea POV


"I don't want to see you Bei right now. I don't know for how long. But you stay away from me ok? Ayokong kakatok katok ka sa kwarto ko at wag kang mag-alala gawin naman natin makabuluhan ang pagtago mo about physiolab kaya di mo muna ko makikita doon."


"Wag ka naman masyadong magpamiss."


"Di ka nakakatawa."


Bumalik na siya sa room niya at sinimulan na kong dedmahin.


Every morning before I head out to physiolab dinudungaw ko yung door niya hoping makita ko siya. Itinataon ko lagi yung alis ko sa routine niya ng practice pero di ko talaga siya naaabutan mukhang iniba niya routine niya. Grabeng pag-iwas naman yun daig ko pa may nakakahawang sakit.


Naisip ko na lang iwan sa harap ng door nia ung food at iced coffee every morning. Hoping maalala pa rin niya ko. Kulang pa naman ang araw ko pag di ko siya naaasar. Parang hahanap hanapin na ng sistema mo. Yung inspired ka lagi gumising sa umaga at nagmamadali ka makauwi sa hapon kasi alam mong may kukulitin kang kapitbahay tapos biglang wala na yun. Nakakalungkot lang sana pala sinabi ko na lang yung totoo. Hindi pa ko ready Cait na mawala ka sa buhay ko.


Napansin ko naman na kinukuha niya lagi yung iniiwan ko so baka pwede pa namin maayos to. Haay di talaga ko sanay magtyaga manuyo pero sige never give up, never surrender.



Caitlin POV


Nilapitan ako ni Kate. "Ate di na ba tayo pupunta ng Physiolab? At bakit di na namin nakikita si Ate Bei?"


"Uh...ano kasi..." Nahihiya kong nilahad yung pangyayari yung pag-amin ni Bea at pag-iwas ko sa kanya para makapag-isip.


"Well kung ayaw mo naman sa kanya andiyan naman si Berto diba umamin na din sayo yan. Walang paligoy ligoy pa.""


"Hmm...siguro kung medyo mas matangkad siya at maputi pwede na. Plus pa na lagi kong nakakasama."


Tumawa tawa naman si Kate ng di ko mawari kung bakit. "Patay tayo diyan. To be fair mas bagay naman kayo nun looks wise. Unang kita pa nga lang sa inyo noon sa court ng live may shippers na kayo. Saka di ka naman talo kay idol secured future mo. Wag kang matakot umamin sa kanya. Sige ka baka maunahan ka diba sabi mo last time yung nakakairita niyang ex e gusto siyang balikan. Kaya mo bang iba na ang inaasikaso niya?"


Pag-uwi ko napaisip naman ako sa mga sinabi sakin ni Kate.



-Flashback-


A day after kong mainjured. Gigising na dapat ako nun ng nafeel kong lumapit sa harap ko si Bea at naramdaman kong may dumampi na labi sa noo ko at inayos ang kumot sa katawan ko tapos ang kasunod na narinig ko na ay ang pagsara ng pinto ng room ko.


Napamulat ako bigla ano yun?


Nang makaluto na siya lumapit sakin at inayos yung sinasandalan ko. At nilapag yung folding table kasama ng breakfast sa harap ko.


Then aalis siya once nakakain at naattend niya na yung needs ko, may personal na aasikasuhin di ko na tinatanong kung ano then babalik ng hapon. Tas aasikasuhin na naman ako then sa gabi magkukwentuhan muna kami bago matulog.


Di ko naman maipagkakaila na sobrang asikaso niya talaga ko the whole time na injured ako. Naiisip ko naman baka sobrang naaawa lang siya sakin di ko naman akalain na yun na pala yun. Na may pagtingin na pala siya sakin.


Giveaway na siguro yung pahalik halik niya sa noo ko kasi di siya once lang nangyari the next day nagpretend uli ako na tulog nung time na alam kong lalabas uli siya. Very routinely ang taong ito so nagbakasakali akong same time uli. At yun nga every morning bago siya babangon ginagawa niya yun. And hinahayaan ko naman lagi kasi ewan ko ba naeenjoy ko din naman talaga kasama siya at yung pag-aalaga niya sakin.


-End of flashback-



Pag-upo ko ng couch after practice may nakapa akong naupuan. Andito pala yung jacket ni Bea naiwan niya. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Ano kaya meron sa jacket na to favorite niya to e. Madalas niyang dala minsan pag trip namin gumala sa gabi pinapasuot niya pa sakin. Bigla ko tuloy namiss yung panget na yun. Puro throwback ko na lang siya nakikita, di ko na namalayan at nayakap ko ang jacket niya. Naisipan kong labhan at ng maisoli bukas. 

Friendly NeighborhoodWhere stories live. Discover now