Chapter 4

292 7 3
                                    


Caitlin POV


Inaya ko sila Kate, Trisha at Rizza na sumama sakin sa malapit na gym sa condo ko. Buti na lang may ganito dito plan ko din kasi magbuild pa ng upper arms ko para mas lumakas pa yung palo ko.


Nagtry kami ng iba ibang weights. Habang nagbubuhat ako naoff balance ako. Pero naramdaman ko may nasandalan ako habang may nakahelp sa barbel na buhat ko.


"Careful there." Binaba ko na ito at nilingon ang savior ko.


"Anong ginagawa mo dito?"


"Malapit lang to sa condo ko? Wala man lang bang thank you diyan una pa inquiries."


"Well thank you pero di naman ako nag ask ng help."


"Hala siya ako na nga nagmagandang loob na ispot ka when I saw you struggling. Bakit naman ang cold mo pa rin? I thought last time friends na tayo?"


"Look Bea just because I was nice to you before doesn't mean close na tayo. At the end of the day stranger ka pa rin sakin. Stranger who lives next door that is."


"Ok fine I'll leave you on your own...for now." Nakita ko na umalis na si Bea na takang taka sa pangyayari.


Bea POV


Hanep yun meron yatang dalaw. Pasalamat nga siya sa muscles ko di siya nainjured diyan. Grabe ang sungit mahihirapan ata akong paamuhin ang isang yun. Nilapitan ako ng PT ko na nakausap ko last time.


"Boss nakita ko yun a. Barado ka ata kay Ms. Cait."


"Kaya nga e ganun ba talaga yun?"


"Sa practice at game naman boss hinde. Mabait naman yan at magaling makisama sa teammates niya. Gusto mo ba lakad kita?"


"Nako wag na ayos lang ako. Isa pa baka malaman pa nun na dito ka din nagwowork. Saka wag kang madulas na ako may ari nito baka lalong di na yun magpunta. Yaan mo na bawi na lang ako next time. Nga pala may jowa na ba yan? Pero hula ko wala sobrang sungit e."


"Ang alam ko din boss wala e. Pero may teammate yan na umaaligid diyan."


"Talaga ba? Mas may itsura ba sakin?"


Napatawa naman ito. "Boss malayo. Lamang ka dun ng sampung paligo."


"Nako dahil jan paalala mo sakin yung salary increase mo de joke lang.  Balitaan mo ko sa progress nila baka may chance pa ko makaovertake kahit nakaheadstart na yung karibal ko."


"Boss ikaw nga tong kapitcondo e llamado ka dun galingan mo lang diskarte na sayo pusta ko."


Lumakas naman loob ko sa pag eencourage sakin kung kanina tinatamad na ko ituloy pa dahil sobrang sungit nito. Base naman sa kwento niya mukhang worth it naman si Cait. 


=========================================


AN: May pasok na uli later so after 2 days or more na uli update may exam din kasi ko sa driving this week.

Friendly NeighborhoodWhere stories live. Discover now