Chapter 9

350 10 8
                                    


Bea POV


Balak ko isurprise si Cait ngayon di ako nagsabi na manonood ako ng game nila. Kausap ko naman si Kate regarding sa schedule nila.


Naaliw ako sa mga bubblehead nung fans niya nagbakasakali ako na pahiramin nila ko kahit ngayon lang.


"Hi miss baka pwede ako makahiram niyang bubblehead niyo balik ko mamaya promise." Nung mapalingon yung fan sakin parang hiyang hiya siya nagbablush ang ate mo.


"Ah ok po. Sure po."


"May magagawa ba ko in return sa panghihiram ko like may gusto kayo ipapirma sa kanya ako na bahala."


Tumango ito at may inabot na merchandise sa akin kasama ng bubblehead. "Pwede din po pala magpapic sa inyo?"


Nagtaka ko sakin talaga. "Talaga ba? Di naman ako celebrity."


"Ang cute niyo po kasi. Baka naglalaro kayo ng ibang sports?" Kilig na kilig si ate fan.


"Frustration ko nga din yan wala kong sports e." Nagpaunlak naman ako sa papicture niya at ako na kumuha sa amin dahil mahaba naman ang galamay ko. "Baka gawin mo pang wallpaper yan miss a." Tumawa ko pero lalo siyang nahiya. Nagpaalam na din ako sa kanila after.


Napansin ako nila Kate at Trisha sa likod ng bench nila at kinawayan ko sila nang biglang humarap si Cait nagtago agad ako sa likod ng bubblehead para di niya mahalata.


Todo cheer naman ako sa kanila lalo na pag nakakascore si neighbor. Nagulat ako bigla akong nafocus sa screen kaya humilig ako with dreamy face sa bubblehead niya na kunyari patay na patay sa kanya. Tawanan naman yung crowd. Sabay kumaway na din ako sa screen with my most charismatic smile. Char.


Dumungaw ako sa bench nila at sama ng tingin ni Caitlin sakin. Tas tawang tawa yung tatlo sa kalokohan ko. Nakita ko naman na wala sa mood yung itsura ng karibal ko.


Buti na lang nanalo sila baka ako pa pagbuntungan ng badtrip neto. Pinuntahan naman ako nina Rizza, Kate at Trisha. Pinakilala din ako sa ibang teammates nila sila Louie, Ckyle at ate Anj. Yung isa balak pa dumiretso sa dugout ang sungit talaga.


"Ate Bei laughtrip ka lakas ng amats mo. Hiyang hiya si Ate Cait sayo." Tawang tawang hirit sakin ni Kate at nagtatawanan din sina Trisha at Rizza.


"Onga lagot ka te Bei matinding suyuan gagawin mo dun." Banat pa ni Trisha.


"San mo pala nakuha yan ate Bea pinagawa mo?" Tanong naman ni Rizza.


"Nako hindi hiniram ko lang sa fans niya. Teka may pipirmahan pa pala siya at isosoli ko pa tong props ko."


"Cait. Teka pirmahan mo muna to."


"Hmmp...ayoko manigas ka diyan."


"Loko sa fans mo to."


Wala naman tong nagawa at lumapit na. Inabot ko na yung pipirmahan niya. "Congrats."


"Thank you pero may atraso ka pa sakin." Nako di yata siya makamove on sa ginawa ko.


"By the way, baka gusto niyo magdinner?" Tanong ko sa kanila.


"May team dinner kami." Maikling reply ni neighbor.


"Sama ka na lang kaya te Bei." Pag-aya ni Kate.


"Hinde pwede yung ganun." Pagtutol ni Caitlin.


"No worries may next time pa naman. Una na ko Kate, Trisha, Rizza, neighbor kong masungit."


Dinaanan ko lang yung fans niya para isoli yung bubblehead at ibigay yung pinapirma sakin then umuwi na rin ako.



Pagkauwi ko ng bahay nag-open muna ko ng messages.



Una kong nabasa yung message ni Kate.


"Te Bei open mo X aliw yung mga nakatag sayo."


Pagcheck ko nga nagkalat yung screenshot ng pagpakita sakin sa big screen. Yung kausap ko mga taga farm fresh. At pinost din nung fan yung kuha naming dalawa.


-Sinetch itey @_beadel sa buhay ng isang Caitlin Viray?-


-Ang swerte naman ng @KEYTLEEN may @_beadel na fan-


-Sang lupalop tinago ni Caitlin Viray ang isang to @_beadel, ang papi!-


-Yung si @KEYTLEEN ang pinunta pero ang swerte ko nakapagpapic sa inyo @_beadel UwU-


Aliw na aliw ako sa mga pakulo nila pero patay ako nito kay neighbor pag nabasa niya mga to.


"Grabe parang mga fbi pala mga fans nalaman talaga nila X handle ko. Kate balitaan mo ko sa mood ni neighbor at kung galit pa rin ba siya o lalong nagalit." Huling message ko kay Kate bago ko dinalaw ng antok.


===========================================


AN: Hey there guys update lang at matutulog ako ng maaga maya pag uwi from work at may driving class pa in the afternoon. It's a good thing na rin na nabubusy tayo para mabawasan yung pag ooverthink or whatever you wanna call it. Life is just full of uncertainties. Anyway, I was able to write one new last piece that I would release soon pag sigurado na ko. Sabi ko tama na tong Friendly Neighborhood last na. I think I'm more bummed at the fact na kababalik ko lang sa pagsusulat this year Caitbea inspired me a lot on my writing coz I had been in a writing slump for quite sometime but with CB the creative juices just flow naturally. Quite saddening but it is what it is. Ilalabas ko bukas evening yung di ko pa naupload na oneshot natabunan na ng mga multi chapter stories ko imagine 3 multi chapter fics coz of them what a feat that I never expected from someone like me na hirap tumapos ng multi chaps. The power that CB holds. Ayun na nga nagsisimula na kong di manood ng mga tiktok nila. The earlier to wean off the better lol.

Friendly NeighborhoodWhere stories live. Discover now