Chapter 8

348 12 1
                                    


Bea POV


While nakatingin ako kay Cait bago ako pagsaraduhan ng pinto the desire to kiss her was too overwhelming I was trying my best na pigilan ang sarili ko. Baka di lang braso ko pulang pula malamang pati mukha ko mamaga kinabukasan. The way she tries to annoy me every chance she gets gusto ko siyang patahimikin pero yun nga lang ba yun?


While doing my morning stretching nahinto ako panandalian dahil parang may nauulinigan akong commotion sa labas. And it seems to come from Cait's side. Umiral pagkamarites ko dinikit ko yung tenga ko sa pintuan.


Caitlin POV


"Anong ginagawa mo dito Ly?"


"Sinundan kita may gusto kasi kong sabihin."


"Hindi ba yan makakapag-intay sa training?"


"Gusto kong sabihin sayo to ng personal."


"Ok since nandito ka na rin lang."


"Gusto kita Cait as more than teammates. More than friends. I'm hoping may nararamdaman ka ring something sa closeness natin."


"Ha anong sinasabi mo? Look nakikisama lang ako wag mo naman bigyan ng malisya yung pakikitungo ko sayo. Parang kapatid na tingin ko sayo. Kalilipat ko lang sa team ayoko ng unnecessary issue."


"Pero hindi ganun ang dating sakin e."


Bago pa ko makapag argue sa isang to may kapreng biglang lumapit sakin at umakbay.


"May problema ba babe? Ginugulo ka ba niya?" Yung mata niya sumesenyas na sakyan ko na lang ang kalokohan niya. Biglang parang binuhusan ng malamig na tubig ang itsura ni Ly.


"Since andito ka na rin lang. I will do the honor of introducing myself so you know your place. I am Bea, Caitlin's girlfriend." Nagulat ako sa pangit na to kaya nakurot ko siya sa tagiliran ng patago. Napalipbite ito sa sakit pero halatang nagpipigil umaray na tumingin sa akin at baka makahalata yung isa.


"Wala kang nabanggit Cait sakin na di ka na single. Alis na ko."


"Di siya single today." Pahabol pa ni kapre pero tila di na narinig ni Ly dahil kumaripas na ito ng lakad habang nagpupunas ng luha.


"Di mo man lang susuyuin?"


"Bakit ko susuyuin umiyak na nga dahil sakin?"


"Wow haba ng hair sana all."


"Asus for sure ikaw din naman maraming pinapaiyak diyan."


"Judgmental na naman tayo today a yung thank you ko muna."


Friendly NeighborhoodWhere stories live. Discover now