Chapter 6

353 10 6
                                    


Bea POV


May bitbit akong ps5 para laruin namin ng kapitcondo ko. May baon din akong baked mac para imerienda namin. Pagdoorbell ko pinagbuksan naman ako nito.


"Manggugulo ka na naman?" Nginitian ko lang ito pero pinapasok naman ako.


Nilapag ko ang ps5 sa living room niya at pumunta ng kitchen at binaba ang baked mac. Nakita kong sumunod naman siya para icheck yung niluto ko. Food is life din talaga tong isang to. Inunwrap ko na ito at kumutsara sabay nilapit sa kanya.


"Open mouth." Utos ko dito at sinamaan pa ko ng tingin. Pero ginawa din naman niya saka ko dahan dahang sinubo sa kanya yung baked mac. Nginuya niya naman ito ang cute niya lumagpas pa sa lips niya yung sauce na winipe ko naman ng thumb ko. Nahiya ata siya umiwas ng tingin.


"Kainis ka may kamay naman ako."


"Bakit masarap naman yung baked mac diba?"


"Oo masarap may sinabi ba kong hindi? Dami mong pakulo."


Tinawanan ko lang to at hinila siya sa living room bitbit ang baked mac na pagsasaluhan namin.


Tawang tawa ko napipikon na siya di niya ko matalo sa mga nilalaro namin. Sa tekken bugbog sarado siya kaya nagracing cars naman kami pero kulelat pa din ang dyosa ng buhay ko.


"Ayoko na nito umuwi ka na nga sa room mo."


"Pikon naman nito marami pa kong bala o pili ka lang diyan."


"Sawa na ko maglaro magpapahinga na ko."


Nagmukmok na to sa dulo ng sofa at lumayo.


"Hala siya nantataboy na. Papanalunin na kita tara na dito."


"Alin dun ba di mo nagets ayaw na nga sabi."


"Sige na nga. Nga pala lagay mo naman number ko pwede naman akong emergency contact."


"Bakit? Nanay kita?"


"Syempre hinde pero ako pinakamalapit kaya sayo technically."


"Fine." Inabot nito ang phone niya na nakaopen sa contact list kaya inadd ko na number ko dito.


"Dictate mo number mo lalagay ko din sakin."


"Bakit kailangan ilagay mo din sayo meron ka na ngang number sakin."


"Mabuburo lang yan diyan for sure sige na sabihin mo na." Dinictate naman nito napagod na ata sa kakulitan ko.


"Umayos ka Bea a baka tadtarin mo ko ng message busy akong tao binabalaan kita a. Kala mo di ko alam binabalak mo." Grabe siya sakin pero binigay din naman.


"Hala feeling siya. Di kaya promise."


Umuwi na din ako sa kwarto ko at pinapalayas na ko.



Pagkahiga ko sa kama ko. Minessage ko muna siya.


CUTE NEIGHBOR BEA: Psst


NEIGHBOR GANDANG SUNGIT: Peste ano tong name na to sa contacts ko Bea. Yan pinalitan ko na.


PANGIT KONG NEIGHBOR: Hala ganda kaya nun very fitting bat pa kasi papalitan. 😩


NEIGHBOR GANDANG SUNGIT: 😝


PANGIT KONG NEIGHBOR: Goodnight na nga.


======================================


AN:  Slow updates in the coming days, will be focusing on my upcoming exam. Goodluck sa creamline game nila tomorrow more playing time for Bea hopefully. Then F3 sa 23 pa next nila against PLDT who got an upset against CMFT.

Friendly NeighborhoodWhere stories live. Discover now