Chapter 7

318 11 1
                                    


Caitlin POV


Magkakasama uli kami nila Trisha, Kate at Rizza dito sa Physiolab magweights buti naaya ko uli sila. Baka mamaya may makita na naman akong asungot e.


Speaking of...nahagip nga ng paningin ko si tangkad at kausap ang mga staff ng physiolab. Suki siguro siya kaya kaclose na niya. Nagtama naman ang paningin namin ngumiti ito at kumindat. Sinimangutan ko naman agad ito at inilayo ang tingin sabay nagfocus na lang sa dumbbell na hawak ko.


Maya maya pa napansin ko kausap niya na sila Kate. Napakafeeling close din talaga niya no. May mata ata sa gilid ng ulo to at humarap pa sa direction ko at kumaway. Tawa tawa naman yung tatlo. Wag ko kaya ihatid mga to pauwi.


"Ate Cait pahinga na tayo baka maging si Chyna ka na diyan. Kain daw tayo sa labas sabi ni ate Bea."


"Busog pa ko kayo na lang." Pero traydor naman tong tiyan ko kumalam ng malakas at binuking pa ko kaya wala na ko choice kungdi sumama.


Nagpresenta pa tong si Bea na kotse niya na lang daw gamitin at siya na maghahatid samin. Tuwang tuwa naman yung tatlo. Nakahanap pa ng kakampi tong mokong na to.


"Ate Cait alam mo ba dami naming natutunan kay ate Bea. Dami niyang tips sa pagpapalaki ng katawan. Yun na ginogoal namin ni Tubs." Tumango naman si Trisha na sumasang-ayon dito.


"Ano naman ituturo niya?"


"Uy grabe siya walang bilib sakin. Siguro naman dito meron na." Nagflex naman tong katabi ko ng biceps niya at aaminin ko maganda talaga muscles niya very fit. Mapapaisip ka na lang if biceps lang ba. Bahagyang dumako yung mata ko sa bandang abs niya baka bumabakat kainis may paflex pa kasing nalalaman.


"Grabe busog namin ate Bea sa uulitin." Pasasalamat ni Trisha sa libre nito habang hinihimas ang tiyan. Tinry ko naman pigilan manlibre siya kasi ano ba rason nito para manlibre lakas ng trip.


"Wala yun. Syempre may next time pa. Basta yung usapan natin guys a kayo na bahala." Na nagthumbs up naman pare pareho yung tatlo.


"Anong usapan yun bakit hindi ako kasali?" Pagtataka ko bakit sila sila lang kanina ko pa napapansin na para silang may inside joke. Malakas pa naman mambully tong pangit na to.


"Wala ate Cait biruan lang namin yun nila ate Bea." Hirit ni Kate.


"Nga pala ate Bea manood ka naman sa games namin pag free ka. Para lalong ganahan yung nasa paligid." Hirit ni Rizza dito.


Tawa tawa naman tong pangit na to nung narinig yun. "Sige ba text nio ko ng schedule ng games niyo. Wala ko mapapala dito sa kapitbahay ko malabo ako sabihan niyan."


"Hindi talaga no."


"Ate Bea bakit ang sungit sayo ni ate Cait pansin ko?" Tanong naman ni Trisha.


"Di ko nga din alam ganyan na siya eversince. May crush siguro sakin." Hinampas ko naman agad to sa braso. Tawang tawa yung tatlo sa ginawa ko.


Hinimas himas nito yung braso niya. "Aray masakit a nakakalimutan mong volleyball player ka neighbor."


"Wala pala yang pinagmamalaki mong muscles e."


"Kung buhatin kaya kita mula dito hanggang sa condo " Sinamaan ko naman ng tingin tong kapre na to daming alam sa buhay. Tong tatlong itlog aliw na aliw pa sa kanya sarap pag-uuntugin.


"Magtigil ka jan iuwi mo na nga sila kabadtrip kayo."



Nang mahatid na namin sila at kami na lang natira sa kotse inusisa ko na si Bea tungkol sa usapan nila.


"Ano yung usapan nio na di ko alam?"


"Wag mo ng alamin samin na lang yun."


"Nako Bea sinasabi ko sayo pag yang kalokohan na yan tungkol sakin sasamain ka talaga."


"Hinde yun kalokohan seryoso yun."


After nun tahimik na lang siyang nagdrive at di na kami nag-imikan pa hanggang makarating sa condo. Sumabay siya hanggang sa pintuan ko.


"Anong ginagawa mo?"


"Iniintay kang pumasok."


"Ok nasa loob na ko."


"Goodnight Cait." Nakatingin lang ito sakin ng matagal na parang ewan, siya bahala siya di ko alam anong plano niya sa buhay.


"Goodnight din." Pinagsaraduhan ko na to ng pinto. At nagprepare ng matulog.


=====================================


AN: Update agad tayo kasi may swerteng hatid talaga ang Caitbea kasama ng dasal syempre. One exam down. One more yung driving test na talaga. Pero habang nagrereview ako this week e di ko pa rin napigilan di magsulat ng ibang chapters nito sa notepad. Lolz. I will upload a oneshot as well as a bonus sa readers, dun yun sa CB Spur of the moment. Also goodluck to darling Cait more playing time and a win for them sana. Btw, if you guys don't know Chyna she was a WWE star female fighter back in the days. Patay na pala siya now ko lang din nalaman.

Friendly NeighborhoodWhere stories live. Discover now