Chapter 5

303 10 1
                                    


Bea POV


New day, new chance to make papansin to her. Kakaluto ko lang ng specialty of the house ko and I'm on my way to my neighbor. Based sa routine niya nasa bahay na yun ngayon hopefully wala siyang lakad today.


Nagdoorbell na ko at mukhang nagising ko ata lagot.


"Hi neighbor I brought food masarap kumain pag pagod."


Tagal ako tinitigan at nag isip bago ko pinapasok.


"Kumain ka na ba?"


"Malamang hindi pa edi hindi ka sana nakapasok dito."


"Aw ang harsh so pag walang suhol walang bonding?"


"Ewan ko sayo Bea tara na dito lapag mo sa mesa. Upo ka muna diyan magsaing muna ko."


"No ako na rest ka na lang diyan." Tinaasan na naman ako ng kilay ng tigre pero nagpaubaya din naman.


Habang inaalis ko na ang tubig ng sinaing after washing narinig kong nagside comment ito.


"Bea malalalaglag na yung bigas."


"Chill. Kapag may nahulog saluhin mo." Inirapan naman ako nito kahit matawa tawa ako sa banat ko. Ang hirap patawanin ni madam.


Di ko na ito pinakilos pa at pinagsandok ko na rin ito ng kanin at nilagyan ng ulam. San pa siya makakahanap ng neighbor na future maasikasong lover pa.


"Bei adobo lang ba alam mo lutuin not that nagrereklamo ako i mean masarap naman talaga adobo mo. Curious lang."


"Hindi naman pag may request kang ulam sabihan mo ko. Adobo lang niluto ko kasi para sa lahat daw yan. At mas madali mo kong matandaan-adobo ni Bea. Lutong hahanap hanapin mo."


Di naman niya mapigilan tumawa at lalo siyang gumanda bakit nga ba tipid na tipid magsmile to super bagay naman sa kanya. O trip na trip lang niyang sungitan ako. Bale sungit now, kilig later. Imanifest natin yan.


=========================================


AN: Chill naman duty ko so decided to post an update copy paste lang naman hahaha nakasulat na kasi sa notepad till chapter 8. Anyway, sa pagkamap out ko this story will run up to 22 or 23 chapters.

Friendly NeighborhoodWhere stories live. Discover now