10-Narration

17 2 2
                                    

-Erika

As usual ako na naman ang nauna sa room namin. Kasunod ko lang si Yurence. Usap-usapan na rin sa bawat shs department na malapit na matapos ang first sem.

"Sana kasali pa rin ako sa with honors," sabi ni Yurence habang nakaharap sa gawi ko.

Nakaupo kasi siya sa upuan niya malapit sa bintana habang ako naman ay nakaupo sa upuan ko katabi si Rhianne. Dati ay kasabay ko pupunta sa school si Rhianne kaso hindi na ngayon dahil sinusundo na siya ni Cypher. Masaya naman ako para sa kanila ni Cypher.

Kahit naman may boyfriend na siya ay hindi niya kami kinakalimutan na barkada kahit ako. "Kasali ka pa rin, tiwala lang," tanging sambit ko kaso narindi ako sa sumigaw na kakapasok lang.

"Good morning, everyone!" malakas na pagbati ni Angela at kasunod niya ang kapatid niyang pinaka-hate ko.

Since freestyle kami ngayong araw ay halata mo talaga ang mga kaklase mo na porma-porma. Simple lang kasi ako manamit at hindi bongga. As usual tatambay na naman dito ang kapatid niyang baliw.

"Ang lakas ng boses mo," sita ko kay Angela at nag-peace sign siya sa akin.

Tiningnan ako ng kapatid pero umirap lamang ako sa kaniya, rinig ko pa ang pagsinghap niya sa ginawa ko pero wala ako'ng pakialam. Ayaw ko talaga sa kaniya.

"Kay gandang bungad 'yan, Erika," bati ni Erza na kakapasok lang.

Mukhang tumataas na naman ang dalawa kong kilay at tumataray ang mukha ko.

"Nakakita lang kasi 'yan ng guwapo kaya ganiyan ang reaksyon niya," sabi no'ng baliw na Zander kaya pinipigilan ko lang ang sarili ko na singhalan siya.

Mainit talaga ang dugo ko sa tulad niya. Mahangin na ang kapal pa ng mukha. Guwapo nga siya at matangkad kaso wala ako'ng pakialam. Sikat pa siya sa school namin at maraming nagkakagusto sa kaniya.

Nakita ko pa siya isang araw na may katawanan na isang babae na podpod ng harina. Ang cheap naman ng mga taste niya sa babae, kahit sino na lang ay papatulan niya.

"Badtrip lang ako. Huwag mo na pansinin ang sinabi ng mahangin na 'yan na dinaig pa ang aircon," mahina kong sambit kay Erza kaya natawa ito ng mahina.

Napatingin ako sa may pintuan dahil dumating na pala 'yong first na nagka-jowa sa squad namin. Mabuti nga hindi pa dumating si Hyper dahil numero uno 'yon sa kabiterran.

"Ayan na ang magjowa, naka-holding hands pa," parinig sa kanila ni Zander pero sinamaan siya ng tingin ni Cypher habang si Rhianne ay walang pakialam.

Chismoso talaga at pakialamero itong si Zander. Makikitambay lang naman sa room namin pero napakaingay.

"Pag inggit, pikit lang," pagparinig ko para hindi mahalata ng Zander na 'yan na siya pinapatamaan ko.

Kumuha pa ako ng aklat na binabasa ko para hindi niya malaman na siya ang pinaringgan ko. Natawa naman si Erza na naririnig ko pa.

Umupo agad si Rhianne sa tabi ko at bumulong. "Kanina pa sa'yo nakatitig ng masama 'yong Zander. Ano'ng atraso mo sa kaniya at malaki yata galit niya sa'yo?" mahinang bulong sa akin ni Rhianne.

Well, hindi naman ako natatakot sa Zander na 'yan.
"Hayaan mo na, kulang kasi 'yan sa pansin kaya nagkakaganiyan," sambit ko at binalewala ang titig sa akin ni Zander.

Baka nasisiraan na naman ng bait kaya ganiyan. Palibhasa kasi wala pa siyang nakukuhang another crush niya. Ayon sa naririnig ko sa barkada nina Kuya ay siya raw 'yong maraming crush na babae.

"Hoy Zander! Pumunta ka na roon sa room n'yo," sabi sa kaniya ni Yurence.

Hindi ako nakatingin sa kanila dahil napatingin ako kay insan na nasa tabi ko. Mayroon siyang ka-text sa kaniyang cellphone and I'm sure na galing 'yan sa boyfriend niyang si Cypher. Mabuti nga na matino ang nakuhang first boyfriend ng pinsan ko.

Parehas pa naman silang matalino at magkasundo. Ako naman ay wala pa ako'ng balak na magkaroon ng boyfriend. Hindi ko kasi nai-imagine ang sarili ko na may boyfriend saka takot ako'ng masaktan. I see how my sister and cousin cried for someone they love. Ayaw na ayaw ko 'yon maranasan.

Pagkatapos nilang masaktan ay hindi ko na sila halos makilala lalo na ang kapatid ko. Noon ay close kami sa isa't-isa pero ngayon ay hindi na. Si Lincoln na lang ang nakakausap ko. Pero hindi naman kami gano'n ka-close kay Lincoln dahil mas pinipili niyang kausapin si Ashton na pinsan ko, barkada rin kasi sila.

Mabuti na lang at nandito si Rhianne sa tabi ko. Masaya ako na may nakakausap pa ako'ng kadugo ko.

"Makikitambay pa ako, mukhang gusto mo na ako'ng paalisin," sabi no'ng Zander kay Yurence.

Gusto-gusto ko talaga na umalis siya sa room namin kaso ayaw ko rin mag-aksaya ng oras sa kaniya. Ginawa niyang tambayan itong room namin tapos oral communication na naman ang first subject namin this morning.

Sa mga nakalipas na project namin sa oral com na partner kami ni Zander ay ako lahat ng gumawa at nilista ko lang ang pangalan para naman kahit papaano ay may grade siya. Kaya ko naman gawin na mag-isa at hindi na kailangan ang tulong niya. Gusto niya pa kasi noon na ako ang kumausap sa kaniya, asa siya na kakausapin ko siya.

"Ang init ng dugo mo kay Zander," bulong ni Erza.

Ewan ko rin kung bakit inis na inis ako kay Zander. Bukod pa sa pang-iinis niya sa akin ay may malalim at hindi ko maitindihan na dahilan kung bakit kumukulo ang dugo ko sa kaniya.

"Hindi ko rin alam kung bakit. Ang kulit niya kasi," sagot ko kay Erza.

"Marami ngang lalaki na makulit na kilala mo pero hindi ka nainis sa kanila pero kay Zander ay nawala ang mataas mong pasensiya,"

Observant talaga si Erza, hindi ko akalain na mapapansin niya.

"Basta I have my personal reason," sambit ko at tiningnan ako ni Erza ng mariin.

"I hope that it's not connected with that thing," sabi ni Erza na ang seryoso pa ng boses niya at tingin.

"Don't worry, it's not related,"

I know to myself that I hate Zander for his attitude and behaviour. I can't stand a person like him.

WRONG SENDWhere stories live. Discover now