14-Narration

13 3 0
                                    

-Erika

Pagdating namin ni insan sa retro ay naiingayan ako sa malakas na tugtugan. Mabuti nga at hindi kami tinanong no'ng guards. I wore black halter strap at black mini skirt with black 3 inches heels open toe.

Si insan naman ay red squared blouse at black wide leg pants with black wedge. Nakalugay lang parehas ang buhok namin with light make-up pero 'yong lipstick namin ay masiyadong mapula para hindi halatang mga shs student kami.

Hinahanap namin ngayon ang mga kaibigan namin at hindi namin sila naririnig sa malakas na tugtugan. Kanina pa namin sila tinatawagan.
"Nasaan na ba sila?" tanong ni Rhianne na nakakapit sa braso ko.

Nilibot ko ang aking paningin at hinahanap sila hanggang sa nakita ko sila sa may table sa gilid, sa tago na parte. "Ayon sila," sabi ko kay Rhianne sabay turo sa puwesto nina Hyper.

Mukhang kumpleto na sila roon at kami na lang ang kulang. Lumapit na kami roon sa puwesto nila at si Angela ang unang nakapansin sa amin.

"Naks ang sexy naman, lilitaw na ang mga mata ng afam niyan," biro niya sa amin pero umirap na lang ako sa kaniya.

Umupo naman agad kami pero napansin ko na ang agat yata ni Brianna. Siya kasi ang laging nahuhuli pag may pupuntahan kaming magbabarkada.

"Ang aga mo yata, Brianna," komento ko sa kaniya.

Tapos ang bongga pa ng sout niya. Hindi ganito ang typical na Brianna kasi laging late ito at bad mood. "Siyempre naman, boy hunting time na," sabi niya habang nakangisi.

Napailing na lang ako at umupo kami ni insan sa bakanteng upuan. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakapunta na nga kami rito sa retro. "Guys, hanap lang ako ng mga hotties," sabi ni Brianna at saka tumayo.

"Samahan na kita," sabi ni Angela at tumayo na rin.

"Hoy! Umayos kayo sa gagawin n'yo. Baka mabastos pa kayo sa ginagawa n'yo," sambit ni Maika pero natawa pa 'yong dalawa.

Si Maika talaga ang tumatayong ate sa grupo since siya rin ang pinakamatanda sa amin na magbabarkada. Parehas sila sa kapatid niya na seryoso.

"Hindi kami mababastos," sambit pa ni Brianna at mukhang sigurado pa.

Hinila na siya ni Angela bago pa marinig ang komento ng iba. Si Hyper naman ay tahimik lang na nakamasid, ano bang problema nito? Hindi naman ito pupunta sa retro kung walang problema.

"Samahan mo ako sa dance floor, Erika," sabi ni Fiona at hinila ako patayo.

"Gagi, hindi ako marunong sumayaw kaya ikaw lang," sagot ko sa kaniya pero hinila niya pa rin ako.

Nagtawanan pa nga sila insan. "Samahan mo lang ako," malungkot niyang sabi kaya sinamahan ko na.

Nagsimula siya sumayaw sa dance floor na parang nababaliw na. Broken hearted ba ang babaeng 'to? At dito pa naglalabas ng sama ng loob. Pumunta ako sa counter at umorder ng iinumin. Umupo ako sa upuan at ininom agad ang wine pagkabigay sa akin ng bartender.

Medyo na-shock pa siya dahil mukhang hindi niya akalain na hindi ako minor. Nakatunganga lang ako dahil wala naman ako'ng gagawin dito, at saka hindi naman matapang ang inorder ko. Pero hindi ko alam kung bakit nakararamdam ako ng hilo, hindi naman matapang nainom ko.

"Hi miss, mag-isa ka lang ba?"

Hindi ko sinagot ang lalaki at tumayo na lang. Pupunta na lang ako sa restroom. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naramdaman ko na ang matinding hilo. Pilit pa rin ako kinakausap ng lalaki kaso hindi ko na masiyado naririnig ang mga sinasabi niya.

Nagsimula ako maglakad papunta sa restroom pero saka ko lang naalala na hindi ko alam kung saan. Nagtiwala na lang ako sa instinct ko at patuloy sa paglalakad. Nagpapasalamat ako na hindi na ako sinundan ng lalaking iyon. Dire-diretso ako sa paglalakad hanggang sa napatigil ako sa dalawang pinto.

Medyo malinaw pa naman ang paningin ko kaya roon ako pumasok sa may female sign na restroom. Pagpasok ko ay nagsuka ako sa may lababo. Mabuti na lang at walang pumapasok sa restroom tapos naririndi pa ako sa malakas na tugtog tapos may kumakanta pa na parang lasing.

Pamilyar sa akin ang boses niya pero hindi ko maalala kung sino. Tinapos ko na ang pagsusuka saka naghilamos at nilinis ang aking labi. Pagkatapos ko itong gawin ay lumabas na ako sa restroom kaso paglabas ko ay may nakasalubong ako na lalaki kaso biglang naging blurry ang paningin ko.

Masiyado yatang matapang ang nainom ko. May mga sinasabi siya pero hindi ko na maintindihan tanging pangalan ko lang ang naririnig ko. Hindi ko alam na ganito ang epekto sa akin ng alak.

Hindi ko na pinansin ang lalaking iyon at pumunta sa dance floor. Nakipagsayawan ako roon at mas lalong nag-enjoy dahil sa malakas na tugtog. May naramdaman ako'ng kamay sa aking bewang pero hindi ko na lang pinansin.

Hanggang sa nagulat na lang ako dahil may lumagutok na buto o kamay pero hindi ko na lang pinansin at parang wala ring pumasin. May nakita ako na lalaki at hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin para yakapin siya ng mahigpit.

Ramdam ko na kumakawala ito sa yakap ko pero mas lalo kong hinigpitan may mga sinasabi rin siya na salita kaso hindi na pinansin. Pagkatapos ko siya yakapin ay kinawit ko ang aking mga kamay sa leeg niya at ngumiti sa kaniya. Hindi ko akalain na magagawa ko ito.

This is the first time that I feel this way.

I don't want to end this feeling. Napapangiti ako habang sumasayaw pero hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng lalaki o ano ang ginagawa niya since blurry ang paningin ko.

"I never felt this feeling before. I love this feeling, I feel like I am free from everything. No problem, no stress just you are happy," I mumbled to myself and started to feel this feeling that I can't even explain.

I hope that my brother will not know about this thing or else he will be mad at me. I'm just want to be happy because I feel like I trapped to a cage called sadness.

WRONG SENDWhere stories live. Discover now