26-Narration

15 3 4
                                    

-Erika

Papunta na ako sa meeting place namin ni Zander. Medyo na-late ako sa usapan namin dahil sa problema sa bahay. Mabuti na lang at nalutasan agad, wala rin kasi sa bahay si Kuya Lincoln. Dito kami pupunta sa coffee shop na ni-recommend sa akin ni insan kung saan doon sila gumagawa ni Cypher ng activities sa oral com.

Pagbukas ko sa pinto ay nakita ko si Zander na nasa dulo at panay salamin sa kaniyang cellphone. Napailing na lang ako at naglakad palapit sa kaniya. Hindi niya ako napansin at patuloy siya sa kaniyang ginagawa then ang lakas pa ng buntong hininga niya.

"Hoy okay ka lang?" tanong ko bigla sa kaniya kaya naman nabigla rin siya.

Halos mabitawan niya ang kaniyang cellphone. Nilagay niya sa table ang cellphone niya at humarap sa akin. "Dumating ka na pala," sabi niya at tumango naman ako.

Umupo ako sa upuan na kaharap ng kaniyang upuan. "Bakit mo pala naisipan na rito pumunta?" tanong niya habang titig na titig sa akin.

Nakangiti siya sa akin kaya hindi ko maiwasan na taasan siya ng kilay. "Recommend lang sa akin ito ni Rhianne. Dito raw sila gumagawa ni Cypher sa activities sa oral com," sagot ko sa kaniya habang busy ako sa paglalagay ng maayos sa aking bag.

I just wear black sweater at black trouser with white shoes na celine pa ang brand. Black mini bag pack lang ang dala kong bag. Pagkatapos ko ayusin ang gamit ko ay humarap ako kay Zander na nakatingin pa sa akin.

Hawak ko pa ang cellphone ko pero nilapag ko sa table. "Naka-order ka na?" tanong ko sa kaniya at tumingin sa counter.

"Oo naman, kanina pa," simple niyang sambit at tumango naman ako.

Tiningnan ko siya ng mariin. "May dumi ba ako sa mukha? Kanina ka pa nakatitig at nakangiti?" nakataas kilay kong sagot.

"Napagtanto ko lang na tao ka pala, akala ko kasi hayop ka noon," sambit niya at umirap ako sa kaniya.

Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Ikaw naman hayop talaga," sambit ko sa kaniya.

Natawa na lang siya at napatingin kaming dalawa sa side namin dahil nandoon pala 'yong waitress dala ang order ni Zander. "Excuse me Ma'am and Sir. Magjowa po ba kayo? Kung oo, bagay po kasi kayo," sabi niya kaya napatulala ako sa sinabi niya.

I don't know how to act or talk kaya mas pinili ko na manahimik. "Magkaklase kami pero malay natin sa future maging kami," sagot ni Zander kaya mas lalo ako'ng napatulala.

Hindi ko nga namalayan na nailapag na ng waitress ang pagkain. "Kain muna tayo bago magsimula," sabi ni Zander kaya roon na lang ako napagalaw.

"Don't mind sa sinabi ko sa waitress na 'yon, sinabi ko na lang 'yon para hindi na siya magtanong pa," sambit ni Zander kaya tumango na lang ako at kinuha ang strawberry flavor na frappe.

Si Zander naman ay cookies and cream na frappe saka beef burger habang chicken burger sa akin. May shawarma rin siya habang potato fries sa akin. "Magkano ang sa akin para mabayaran ko," sambit ko at kukunin sana ang pitaka ko kaso nagsalita si Zander.

"Libre ko na 'yan sa'yo," sambit niya kaya tiningnan ko siya.

"Babayaran ko na lang, hindi ako sanay na hindi nagbabayad,"

Umiling siya at tiningnan din ako. First time ko hindi kayang makipagtitigan sa kaniya kaya mas nag-focus na lang ako sa pagkain. Gutom na rin kasi ako, hindi kasi ako nakakain kanina dahil sa problema.

"Kapag sinabi ko na libre ay libre. Saka magsimula na tayo kumain," dinig kong sabi niya kaya napangiti ako ng kaunti.

Kumain na rin ako habang hindi siya tinapunan ng tingin. Saka karamihan sa mga nandito sa coffee shop ay mga couples at tanging kami lang yata ang hindi sweet. Kaya pala laging pumupunta rito sila Rhianne kasi sa ambiance.

Napatingin ako sa right side namin at napansin ko na nakatitig sa akin ang lalaki habang ang ka-date niyang babae ay busy sa pagkain. Noong magtama ang tingin namin no'ng lalaki ay bigla itong kumindat at ngumisi. Umismid ako rito at umiwas ng tingin. Kawawa 'yong ka-date niya.

Saka ang sagwa pa kumindat no'ng lalaki. Humarap ako kay Zander at nakatitig siya roon sa lalaki ng masama. First time ko siyang makitang masama ang tingin kasi laging nakangiti ang expression niya. Pagkatapos niya tumingin doon sa lalaki ay humarap siya sa akin.

"Kawawa 'yong babae, nag-date siya sa lalaking cheater na panget," mapanglait na sambit ni Zander habang umiiling.

"Kawawa nga, ayaw ko sa ganiyang mga lalaki. Hindi ko alam kung bakit hindi sila makuntento sa isa at kailangan pa talaga humanap ng iba," sambit ko at napayuko.

Gano'n din kasi ang ginawa sa kapatid ko kaya halos hindi ko na siya makausap. I miss her very much. Hindi kasi siya kumikibo at laging wala sa bahay. Hindi ko kilala 'yong ex-boyfriend niya na masiyadong niyang minahal kaya siya nagkakaganiyan. Kung kilala ko lang ay matagal ko na kinausap.

"Bilisan natin para magawa natin ang activities natin," sambit ko at binilisan ang pagkain.

***

Tapos na namin ang ginagawa namin kaya nandito kami sa may park at walang masiyadong katao-tao puwera na lang sa mga couples na nagpi-picnic.

"Erika, may tanong ako," sambit bigla ni Zander habang nakaupo kami rito sa bench.

"Ano 'yon?" wala sa sarili kong tanong.

"May nagugustuhan kasi ako'ng tao pero pakiramdam ko ay manhid siya. Hindi niya man lang naramdaman na matagal ko na siyang gusto. Ano ba ang dapat kong gawin para mapansin niyang may gusto ako sa kaniya?" tanong niya sa akin.

So, ito na talaga. Seryoso na siya sa nagugustuhan niya. "Then show her that you really love her so much by putting an effort on how to make her special," sambit ko habang nakatingin sa lupa.

Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng lupa. "Erika, may tanong ako ulit," sambit niya kaya lumingon ako sa kaniya.

Ang dami naman niyang tanong. Saka bakit ba ako tinatanong niya sa lovelife kung alam niyang wala ako no'n at Impossible mangyari sa akin. "Ano na naman?" I asked him with a annoying face.

"May first kiss ka na ba?" tanong niya bigla na kinalaki ng mata ko sa inis.

Gago talaga ang isang 'to. "Sa tingin mo ba basta-basta na lang ako magpapahalik sa mga lalaki, hindi ako katulad mo na hindi virgin ang lips," I scoffed at him.

"Then it's a good one," sambit niya kaya nagtaka ako sa sinabi niya.

Nagulat na lang ako na hinalikan niya ako ng mabilis sa pisnge. Nakatulala lang ako sa kaniya habang nanlalaki ang mata. Umulit siya ng umulit ng halik sa pisnge ko hanggang sa mabilis niyang inilipat ang halik sa labi ko. Hinawakan niya ang isang pisnge ko habang patuloy ako'ng hinahalikan sa labi.

Nakapikit siya habang hinahalikan ako habang nakadilat naman ang dalawa kong mata sa gulat. Walang nakakapansin sa amin dahil sa kaunti lang ang tao rito at busy sila sa ginagawa nila. I wasn't responding to his kisses, so he pulled me closer.

He even wrapped her arms around my neck to deepen the kiss. I groaned when he sucked my lower lip. Dahil sa ginawa niya ay naitulak ko siya at mabuti na lang hindi siya nahulog sa pagkakaupo.

"Remember, this is my first kiss too. So we our quits," nakangising sambit ni Zander at ako naman ay natulala.

Bakit niya ako hinalikan at bakit ko siya hinayaan? Bakit nakalimutan ko itanong sa kaniya 'yong condition ko bago ako pumayag na gumawa kami ng activities?

WRONG SENDWhere stories live. Discover now