13

14 3 1
                                    

Hazel Rhianne Kim
Active Now
9:00 pm

Erika:
Sasama ka talaga roon sa pagpunta natin sa retro?

Rhianne:
Oo naman saka wala naman rito si Kuya

Erika:
Basta mag-iingat lang tayo roon kahit naman na walang gumagawa ng masama roon ay hindi pa rin tayo sure

Rhianne:
Naitindihan ko pero hindi ko akalain na sasama ka rin

Erika:
Babantayan ko lang kayo

Rhianne:
Ang sweet mo naman insan

Erika:
Ayaw mo ba magpaalam doon sa jowa mo?

Rhianne:
Huwag na, baka isumbong pa niya ako kay Kuya feeling ko magkakasama silang magbabarkada

Erika:
Okay, desisyon mo 'yan basta sinabihan na kita

Rhianne:
Kumusta pala kayo ni Zander mo?

Erika:
Yuck, kahit kailan hindi ko pag-aari ang letche na Zander na 'yan

Rhianne:
Si Zander talaga ang nagpapakawala sa malaki mong pasensiya

Erika:
Naiinis kasi ako sa kaniya, ultimo marinig ko ang pangalan niya ay naiirita ako

Rhianne:
Until now ba ay inaasar ka niya?

Erika:
Oo, trip niya raw ako inisin

Rhianne:
Wala ka naman ginawa na masama roon para ikaw mapagtripan niya

Erika:
Wala, hindi ko nga 'yon kinakausap noon. Hayaan mo na kasi kulang 'yon sa pansin

Kung makulit si Angela ay triple naman ang kapatid niya

Rhianne:
Bilisan mo na riyan magbihis, naghihintay ako sa labas ng gate n'yo

Erika:
Ito na patapos na ako, wait mo lang ako riyan

Rhianne:
Okay, bilisan mo lang

Erika:
Tapos na ako, pupunta na ako riyan

***

"Sana na lang hindi kami mahuli ng kapatid namin at pamilya namin,"

WRONG SENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon