22

15 3 7
                                    

Zander Brix Choi
Active Now
7:18 pm

Angela:
Kuya! Bakit mo 'yon sinabi kay Erika?

Ang sama mo talaga, galit na sa'yo ang boung squad

Zander:
Kasalanan naman niya, ang sakit magsalita

Angela:
Ano bang pinag-usapan n'yo?

Zander:
Sinabi ko na gusto ko siyang maging kaibigan pero tumanggi siya tapos 'yon nga sinabi ko sa kaniya 'yong masakit na salita

Angela:
Ang sama mo talaga, wala kang karapatan na pagsabihan siya ng gano'n kung ayaw niya naman makipagkaibigan sa'yo

Zander:
Ang sungit niya kasi

Saka gusto ko lang makipagkaibigan

Angela:
Hoy mabait 'yon kahit gano'n siya

Talaga bang kaibigan lang ang gusto mo sa kaniya

Zander:
Oo naman, kaibigan lang

Angela:
Napakalaking scam

Kaibigan daw pero ang lakas magalit at magpapansin kay Erika kung kaibigan lang talaga ang habol

Umamin ka na kasi

Zander:
Oo na, crush ko si Erika

Angela:
Tama nga ang hula ko, pang-ilan na siya sa naging crush mo. Malandi ka kasi at marami kang crush

Zander:
Kapatid ba talaga kita? Ang sakit mo naman magsalita

Hoy wala ka rin bang crush?

Angela:
Wala pa, busy pa ako sa omegle

Zander:
Tigil-tigilan mo 'yan, ayaw ko magkaroon ng brother-in-law na afam

Angela:
Ang advance mo naman mag-isip, Kuya

Saka hindi pa ako ready sa lovelife na 'yan.

Paunahin ko muna mga kaibigan kong mga impakta

Zander:
Ano bang tipo ni Erika sa babae?

Angela:
Tipo niya sa lalaki?

Zander:
Oo

Angela:
Simple lang

Zander:
Ano nga?

Angela:
Hindi katulad mo

Zander:
Bakit naman hindi katulad ko? Guwapo naman ako at talented

Angela:
Basta ang hirap ipaliwanag, feeling ko siya ang malabong ma-inlove sa amin dahil wala naman siyang pakialam sa mga lalaki

Zander:
Sus mai-inlove rin 'yan sa akin

Angela:
Libre lang talaga mangarap kuya

Ang ganda ni Erika tapos ikaw mukhang tambay sa kanto

Zander:
Kaunti na lang at ihahampas ko na sa'yo mga tsinelas ko

Wala ka bang tiwala sa charms ko?

Angela:
Wala dahil hindi tatalab 'yan kay Erika

Mabuti sana kung ikaw si Silver or Cypher. Tatalab pa kay Erika

Zander:
Hindi nga naliligo palagi si Silver tapos ang sungit-sungit ni Cypher

Ang babaw naman ng standards niya

Saka may jowa na 'yang si Cypher, pinsan pa ni Erika

Angela:

Makababaw ka sa standard ni Erika akala mo naman standards ka

Ipagdasal ko na lang na mapansin ka ni Erika

Ayaw na ayaw niya sa lahat ay 'yong makulit

Zander:
Ang sakit mo talaga magsalita, sis

Makulit naman ako na guwapo

Angela:
Support na lang kita riyan, kung hindi lang kita kapatid

Zander:
Langya ka talagang babae ka

WRONG SENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon