21

15 3 2
                                    

❤️Charms❤️
Active Now
6:13 pm

Angela:
Ikaw ba ang pinapatamaan ni Kuya sa post niya, Erika?

Brianna:
May bagong chismis

Fiona:
Tagal na rin hindi ako nakabasa ng chismis

Eya:
Chismis alert na

Rhianne:
Pagdating talaga sa chismis ay hindi lutang si Eya

Hyper:
Nagpapaka-sadboy 'yong kapatid ni Angela sa facebook, akala mo naman broken

Maika:
Oh, ano'ng meron kay Erika?

Gelie:
May ginawa ka ba sa kapatid ni Angela, Erika?

Milka:
Binasted mo ba ang kapatid ni Angela kaya naghuhugot?

Angela:
Malabo ang busted na 'yan, hindi mga tipo ni Erika ang tipo ng kapatid ko

Erika:
He deserved those harsh words na sinabi ko sa kaniya, masiyadong pakialamero

Erza:
Ang taray mo naman, ano bang sinabi sa'yo?

Erika:
Nakikialam sa buhay ko, alam n'yo naman na ayaw ko

Tapos kakaibiganin pa ako kahit na ayaw na ayaw ko sa kaniya

Angela:
Nagtataka talaga ako kung bakit ayaw na ayaw mo kay Kuya

Eya:
Palagi niya kasing inaasar si Erika

Fiona:
Knowing Erika na pikunin

Hyper:
Kahit ako rin asarin ay maiinis ako

Brianna:
Dahil parehas lang kayo ni Erika na pikunin, Hyper

Maika:
Ano'ng sinagot mo sa kaniya noong sinabi niya kakaibiganin ka niya

Erika:
Sinabi ko na ayaw ko makipagkaibigan sa taong tulad niya

Sinabihan niya pa ako'ng kaya walang nagkakagusto sa akin at kumakaibigan maliban sa inyo dahil masama ang ugali ko

Tao rin lang ako, nasasaktan kahit sa simpleng salita kahit hindi halata

Rhianne:
Kakalma ako at baka makalbo ko ang kapatid ni Angela

Gelie:
Ang lakas ng loob na sabihan ng ganiyan si Erika gayong hindi niya masiyado kilala

Milka:
Pag ako nainis, aabangan ko 'yan sa gate

Brianna:
Feeling siga rin itong si Milka pero takot sa ipis

Milka:
Ikaw nga takot sa bubuyog

Eya:
Ang sakit naman magsalita ng lalaking 'yan

Fiona:
Yay redflag

Hyper:
Pagsabihan mo 'yang kapatid mo Angela kung ayaw niyang matapos ang maliligayang araw niya

Erza:
How dare him to say that to Erika?

Maika:
Mataas ang pasensiya ko pero hindi ko kakayanin kung ganito ang sinasabi sa kaibigan ko

Angela, umayos 'yang kapatid mo kung hindi humanda siya.

Rhianne:
Kung hindi mo lang siya kapatid ay kanina pa kami napasugod sa kaniya

Angela:
Kalma lang, girls. Nainis din ako sa kaniya kaya kakausapin ko siya mamaya

Wala pa kasi siya sa bahay and I'm sorry, Erika for behalf of my brother

Erika:
Hindi mo na kailangan mag-sorry, Erika. Wala ka namang kasalanan

Humanda lang talaga sa akin ang lalaki na 'yan

Eya:
Guys, may group activities ba sa Personal Development?
Seen by everyone

Eya:
Hoy sagutin n'yo ako! Ang sasama n'yo!

WRONG SENDWhere stories live. Discover now