Chapter 2

645 14 0
                                    

CHAPTER TWO

HINDI agad nakahuma si Dillion. Sinundan na lamang niya ng tingin ang likod ng babaeng mabilis nang naglakad palayo sa kanya. Gusto niyang matawa sa pagkamangha. He was actually turned on by the little girl's talk. Siya, na sa tagal ng panahon ay nagkaroon na ng matinding kontrol sa kahit na anong reaksiyon ng katawan niya. At sa isang jailbait pa? Oh yeah, she said she wasn't a little girl. Ngunit paano siya maniniwala rito kung hanggang balikat lang niya ito at kahit anong titig niya rito ay hindi natakpan ng makeup at pananamit nito ang katotohanang mukha itong teenager? He could still picture her in his mind and feel her presence as if she was still beside him. Napailing siya sa itinatakbo ng imahinasyon niya. Natauhan lang siya nang sasara na uli ang pinto ng elevator. Agad na pinigilan niya iyon at umibis na rin. Sa muling pagtingin niya sa hallway ay wala na ito. Ni hindi niya napansin kung saang pinto ito pumasok. Shit. Isa pa sa bagay na noon lang nangyari sa kanya ay ang pagkawala ng presence of mind niya. He was trained to be alert at all times. Ngunit sandali lamang niyang nakasama ang babae ay nagkakaganoon na siya. Muli siyang napailing bago dumeretso sa pinakadulong pinto na siyang pakay niya roon. Kung siya ang tatanungin ay wala siyang balak magtungo roon. Ngunit kung hindi niya iyon gagawin sa kabila ng tawag na natanggap niya mula sa nag-iisang taong kinatatakutan niya ay alam niyang malilintikan siya. Kumatok siya nang tatlong beses bago binuksan ang pinto. Mabilis siyang lumapit sa babaeng nakaupo sa likod ng isang mesa na malapit sa isa pang pinto. Tiningala siya nito at umawang ang mga labi habang nakatingin sa kanya. "I'm here for Wendy Maxwell," deretsong imporma niya rito. Kumurap ito at tumikhim. "Do you have any appointment with the president, Mister?" "I do. Is she in?" "Ah yes. But I have to inform her first–" Hindi na niya ito pinatapos pang magsalita. Tinungo niya ang pintong nakita niya roon at binuksan iyon sa kabila ng pagpipigil sa kanya ng babae. Napatingala sa kanya si Wendy mula sa mga papeles na binabasa nito. "Ma'am, I'm sorry," hinging-paumanhin dito ng babaeng nasa tabi na niya. "It's okay, Amely. Bumalik ka na sa table mo," baling dito ni Wendy bago muling tumingin sa kanya. Nagtama ang mga mata nila at ilang segundong nagtinginan lamang bago ito ngumisi. "Welcome home, brother." Umismid siya bago napangiti na rin. "I knew you'd look better behind that table than me," aniya rito at tuluyan nang lumapit sa mesa nito. Napalis ang ngisi nito at umasim ang mukha. "So, hindi ka pa rin nagsisisi hanggang ngayon na ibinato mo sa akin ang responsibilidad ng kompanya at lumayas papunta sa Amerika at sa kung saang panig pa ng mundo kung saan puwede kang mamatay anumang oras?" nanenermong sagot nito. Pabagsak na umupo siya sa isa sa mga silya sa harap nito at iniunat ang mga binti. Sumandal siya at nang kumportable na ay nakangising bumaling siya rito. "Not at all. I enjoyed every minute I spent at the war zone. Isa pa, talaga namang mas may business sense ka kaysa sa akin at mas matanda ka sa akin nang tatlong taon. Ang mga panganay ang dapat nagmamana ng family business, hindi ba?" sagot niya. Lalong umasim ang mukha nito sa sagot niya at hindi niya napigilan ang matawa. Dalawa lang silang magkapatid ni Wendy. Noong mga bata pa sila ay siya talaga ang tine-train ng yumaong ama nila para manahin ang Smith Pharmaceuticals kahit pa aware silang lahat na mas interesado si Wendy sa kompanya kaysa sa kanya. Nang mag-aral siya ng Medicine sa Amerika ay inakala ng kanilang mga magulang at mga kamag-anak na sa wakas ay interesado na siyang hawakan ang negosyo nila dahil lang related doon ang kurso niya. So, he was amused by their shocked reaction nang ianunsiyo niya na sa halip na magdoktor sa kung saang ospital ay nagpa-enlist siya sa US Army bilang medical soldier pagkatapos niyang makapasa sa board exam. Hindi siya nakinig sa matinding pagtutol ng mga magulang niya at ni Wendy. He spent the last few years of his life at the Middle East where their troop was needed. Tuloy, nang mamatay ang mga magulang niya sa isang plane crash six years ago ay nasa disyerto siya. Ni hindi niya naabutang nakaburol ang mga ito. Pinagsisihan niya noon na wala siya sa tabi ni Wendy sa mga panahong iyon at hindi niya naihatid sa huling hantungan ang mga magulang nila. Bahagya lamang nawala ang pakiramdam na iyon nang sa pagbalik niya sa Amerika ay makita niya ang e-mail ng kapatid niya na sinasabing ikakasal na ito at ito na ang presidente ng kompanya nila. "Kung talagang na-enjoy mo ang pakikipag-sagupaan mo kay Kamatayan, then why did you come back here?" tanong nito. Nagkibit-balikat siya. "It was getting boring in there, you see. Hindi na ako kailangan doon. At ang huling beses na nagpunta ako rito sa Pilipinas ay noong ikinasal ka five years ago. Marami nang nabago sa bansang ito kaya mananatili muna ako rito hangga't hindi pa ako nabo-bore," paliwanag niya. "So, you're still planning to wander off somewhere again kapag nainip ka na rito sa Pilipinas? Wala ka man lang bang balak lumagay sa tahimik? Dillion, you are already thirty-two. You're supposed to have a family of your own already. Alam ko na iyon ang gugustuhin nina Mama at Papa para sa iyo," seryosong sabi nito. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita at tumingala sa mataas na kisame ng opisina nito. "Lumagay sa tahimik, huh? I don't think I'm cut out to have my own family, sis. You know how much I love being free. Mabilis din akong mainip kaya hindi ako mapipirmi sa isang lugar. If I do get married, maiiwan ko lang ang mapapangasawa ko. Besides, I could get what I want in a woman for free without tying myself down to one woman." "Sinasabi mo lang iyan ngayon dahil hindi mo pa nakikita ang isang babaeng hindi ka maiinip na makasama habang-buhay. Kapag nakita mo na ang magiging life-long partner mo, baka kahit pilitin ka ng kahit na sinong umalis ay hindi mo gagawin dahil ayaw mong mawalay sa kanya. At least, ganoon kami ni Herbert. Pero hindi ka rin naman maniniwala sa akin kung sasabihin ko lang ng ganyan. Mararanasan mo rin iyon sa tamang panahon. Anyway, since nandito ka na sa Pilipinas, why don't you work for the company? Para may gawin ka naman dito," suhestiyon nito. Napabalik ang tingin niya rito. "You know I'm not interested in that." "Sa business side, alam kong wala. Kaya nga hindi iyon ang iaalok ko sa iyo. Ang iaalok ko sa iyong responsibilidad na alam kong kayang-kaya mong gawin at magkakainteres ka." Tumaas ang mga kilay niya. "Ano?" "Kailangan ko ng mapagkakatiwalaan ko na maghe-head sa security department ng buong building na ito. You see, kailan lang ay may isa akong pinagkakatiwalaang accountant ang nahuli naming nagdidispalko ng pera. It was a wake-up call for us na talagang mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon. Idagdag pa ang halos araw-araw na malalaking nakawan na nangyayari sa buong business district ng Kamaynilaan. We need tight security. After all, we are a multimillion corporation. Nang matanggap ko ang mensahe mo na darating ka na ay naisip ko agad na ibigay sa iyo ang responsibilidad upang ayusin ang security ng kompanya. What do you think?" alok nito. Saglit na pinag-isipan niya ang mga sinabi nito. What she was offering was his comfort zone. Hindi niya kailangang humarap sa maraming tao at kahit paano ay may mapagkakaabalahan siya roon. But still– Natigil siya sa pag-iisip nang may nahagip na pamilyar na tinig mula sa labas ng opisina ang pandinig niya. Hindi niya masyadong naisara ang pinto ng opisina ni Wendy at may nakita siyang pamilyar na damit sa siwang na iyon bago muling nawala. Alam niya na hindi iyon mapapansin ng normal na tao ngunit sigurado siya na nasa labas ng opisina ng kapatid niya ang babaeng nakasabay niya sa elevator kanina. Bigla ay parang nais niyang tumayo at lumabas ng opisina upang makita ito. In fact, he was just about to rise from his seat when he heard his sister's voice again. "Dillion? Masyado bang mahirap pumayag sa alok ko?" tanong nito sa kanya. Napabaling uli siya rito. "You hire interns here at the top floor?" Ang top floor ng building na iyon ay nakalaan para sa mga opisina ng mga may pinakamatataas na posisyon sa kompanya at sa pagkakaalam niya, at least bago siya mag-aral ng Medicine sa Amerika ay hindi tumatanggap ng ibang tao sa floor na iyon maliban na lang sa mga private secretary ng mga may posisyon. At kung talagang naroon ang babaeng nakasabay niya sa elevator at base sa suot nito kanina ay wala siyang ibang maisip na dahilan ng presensiya nito roon kundi dahil nagte-training ito roon. She's too young an employee to be allowed to be at the top floor. Kumunot ang noo ng kapatid niya. "Alam mong hindi nagpapaakyat ng trainee sa floor na ito, Dillion. Wait, is this your way of sidetracking me? Ayaw mong pamunuan at ayusin ang security department natin? Is it too lowly for you? Ito ang ino-offer ko sa iyo kasi alam kong mas gusto mo ng ganoong trabaho kaysa office work. Or do you want to finally practice Medicine for real this time?" sunod-sunod na tanong nito. "Wait, just stop for a second, sister," pigil niya rito. Tumalima naman ito kahit hindi nagbabago ang tingin nito sa kanya. Huminga siya nang malalim. "Fine, I'll do it. I would like to do it, in fact." Tila nakahinga ito nang maluwag dahil ngumiti na ito. "Great. At dahil nandito ka na rin lang, sumama ka na sa akin mamaya sa meeting namin para makilala ka nila." Umasim ang mukha niya. "They already know me. Hindi ko na kailangang humarap sa kanilang lahat. Puwede ko namang i-lead ang security nang hindi sila kailangang harapin," tanggi niya. Mataman siyang tiningnan nito bago dumeretso ng upo. Kapag ganoon na ang ekspresyon nito, ibig sabihin ay hindi siya maaaring tumanggi sa sasabihin nito. "I insist. Walang masama kung malalaman nila kung sino ka. After all, bukod sa pagiging bagong head ng security ay isa ka rin sa may-ari ng Smith Pharmaceuticals. They must know you're finally here," maawtoridad na sagot nito. Napabuntong-hininga na lang siya at ginulo ang kanyang buhok. "Fine. Kailan ba ako nanalo sa iyo kapag ginagamit mo na ang tono na iyan? Talo mo pa ang general namin," sumusukong wika niya. Ngumisi ito. "At least alam mo iyan." Napailing na lang siya saka nginisihan din ito. NAG-ANGAT ng tingin si Jemelyn mula sa pagtipa sa laptop niya nang marinig ang katok sa pinto ng opisina niya. Sumungaw mula roon si Tina, ang bagong private secretary niya. "Ma'am, your meeting is in five minutes," paalala nito sa kanya. Napaderetso siya ng upo at awtomatikong napatingin sa wristwatch niya. Napaungol siya bago tumayo. "Naku, I almost forgot about it," bulalas niya. "It's okay, Ma'am. Kung tutuusin ay mas matatawag na courtesy call lang naman ang meeting na ito. Para lang makilala ninyong lahat ang isa't isa. Lalo na ho kayo dahil bago kayo sa posisyon ninyo. That's according to Mrs. President," pagongonsola nito. Huminga siya nang malalim. Alam niya iyon. Madalas din niyang nakakausap ang presidente nila. In fact ay magkaibigan sila. Masasabi niyang in good terms din siya sa ilan sa board of directors nila. Nataranta lang siya sandali na muntik na niya iyong makalimutan. At ayaw na ayaw niya ang ganoong pakiramdam kaya siya nag-panic. She considered herself as an organized and time-oriented person. Ngunit kapag ganoon karami ang kailangan niyang pag-aralan para sa bago niyang posisyon sa kompanya ay hindi na niya nagagawa pang tumingin sa oras at sa organizer niya. Mabuti na lang at naroon si Tina. Ilang segundo pa niyang kinalma ang sarili bago lumingon kay Tina. "I'm ready."

When The Love Falls - Maricar DizonWhere stories live. Discover now