Chapter 6

518 9 0
                                    

CHAPTER SIX

NAGTAGIS ang mga bagang at malalaki ang hakbang ni Dillion papunta sa elevator. Kailangan niyang makausap ang kapatid niya. Kararating pa lamang ng hinihintay niyang report tungkol sa sira ng sasakyan ni Jemelyn galing sa isa niyang kaibigan. Gaya ng hinala niya ay hindi aksidente ang lahat. May sumira sa preno ng sasakyan nito. Nakumpirma iyon ng kuha sa CCTV ng parking lot na nakalkal niya nang nagdaang gabi. May isang lalaking nakaitim na hooded jacket ang lumapit sa sasakyan nito. Subalit dahil madilim doon ay hindi niya nakita ang mukha ng salarin. Ang sigurado niya, kung sinuman ang gumawa niyon ay isa lang ang intensiyon. He or she wanted Jemelyn to get hurt. Or worse, dead. The thought made him shake with rage. Hindi niya palalampasin ang kung sinuman ang gumawa niyon. Lalo pa at sa tuwina ay naaalala niya ang namumutla at takot na takot na mukha ni Jemelyn habang umiiyak ito. Napagtanto niya sa mismong oras na iyon na nakakasikip ng dibdib na makita itong ganoon. Kaya nangako siyang sisiguruhin niyang hindi na iyon mangyayari dito at pagbabayarin niya ang kung sinumang maygawa niyon. Nakasakay na siya sa elevator ay gumagana pa rin ang isip niya. Dahil wala siyang ideya kung sino ang maaaring gumawa niyon ay kailangan muna niyang magtanong sa posibleng nakakaalam. Ayaw niyang may makaalam niyon na iba upang hindi makatunog ang may kagagawan niyon kung sakaling tagaroon din iyon sa kompanya ay ang kapatid muna niya ang tatanungin niya. Umibis siya sa elevator nang huminto iyon sa palapag kung nasaan ang opisina ng mga may posisyon. Agad na nahagip ng mga mata niya ang pinto ng opisina ni Jemelyn. Muntik na siyang huminto roon at tingnan ito ngunit napigilan niya ang sarili. Hindi iyon ang tamang oras para doon. Huminga siya nang malalim at tiningnan ang nameplate nito sa gilid ng pinto sa huling pagkakataon bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa opisina ng kapatid niya. "THIS is bad." "Seriously, it is," pagsang-ayon ni Dillion kay Wendy. Magkaharap sila sa mesa nito at katatapos lamang niyang ikuwento rito ang lahat ng nangyari. "Kaya kung may alam kang kailangan kong malaman para mahanap ko kung sino ang maygawa nito ay sabihin mo sa akin." Mataman siyang tiningnan nito. "There is something you can do. Pero bago ko sabihin sa iyo, baka gusto mo munang ipaliwanag sa akin kung bakit masyado kang involved dito? Puwede naman nating tawagan na lang ang mga pulis at sila na ang mag-imbestiga. Siguradong mayroon din silang ilalaang tao para protektahan si Jem. Hindi mo kailangang akuin ang responsibilidad na hulihin ang maygawa nito, Dillion." Nagtagis uli ang mga bagang niya sa nahuhulaan na niyang dahilan sa likod ng mga tanong nito. Ilang segundo silang nagkatitigan lamang bago niya nagawang sumagot. "I want to do it." "Why?" "You are so nosy, sister." Tumaas ang isang kilay nito. "And you're not answering my questions, brother." Marahas siyang napabuga ng hangin. "I want to protect her," mahina ngunit mariing sagot niya. "Why?" tanong na naman ng kapatid niya na mataman pa ring nakatingin sa kanya. Marahas niyang naisuklay ang mga daliri sa buhok niya sa labis na iritasyon. "Dammit! I don't even know how to answer you," naiinis na bulalas niya. Sa pagkamangha niya ay bigla itong tumawa nang malakas. Ni hindi niya alam kung ano ang nakakatawa sa sitwasyon. "I don't think this is the time to laugh, Wendy. Seryoso ako. Kung may alam kang maaaring maging dahilan para may magtangka sa buhay niya, sabihin mo sa akin," nakakunot-noong sabi niya rito. Huminto ito sa pagtawa nang tila maalala ang pinag-uusapan nila. Umayos ito ng upo hanggang sa sumeryoso na ang mukha. "Nasabi ko na sa iyo ang tungkol sa isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao na dumidispalko ng pera, hindi ba?" Tumango siya. "It was our head accountant. Hindi na namin siya kinasuhan dahil ayaw naming makaapekto iyon sa image ng kompanya. Pero nagkaroon naman kami ng legal agreement bilang parusa sa kanya. Hindi na rin siya maaari pang magtrabaho sa kahit na saang sister company at partner corporation natin. Basically, that's as good as her not having another decent job ever again. At ang nakadiskubre n'on at nakakuha ng sapat na ebidensiya ay si Jem. Her promotion as the head of the marketing and finance department was her reward for that." Nagkatinginan silang magkapatid. "So, mayroon talagang may motibong gawan siya ng masama. Give me that accountant's information." Tumango ito. "Nasa HR ang lahat ng files ng mga empleyado at dating empleyado natin. Though sigurado akong iba na ang numero at address niya by now. Lalo na kung siya talaga ang nasa likod ng nangyari kay Jem. Besides, kahit pa makita mo siya, wala ka pa ring sapat na ebidensiya na siya nga ang nagtangka sa buhay ni Jem." "Wala pa. Pero may makukuha ako," sagot niya at tumayo na. "For now, I will do my own investigation and stay by her side as much as I can. Gusto ko rin na hindi muna ito malaman ng iba, Wendy, just in case there is still a mole in the company." Tumango ito. Muling ngumiti ang kapatid niya habang nakatingin sa kanya. "It's good that you've found someone you want to protect. I just wish you realize why you can't leave her alone soon." Napakunot-noo lang siya sa sinabi nito. Kapagkuwan ay napailing siya. "I'm going," paalam niya rito. HUMUGOT ng malalim na hininga si Jemelyn upang kalmahin ang sarili. Kalalabas pa lamang niya sa accounting department dahil katatapos lamang niyang i-meeting ang mga accountant nila para sa distribution ng budget ng iba't ibang department para sa buwang iyon. Naipagpasalamat niya na maayos niyang naisakatuparan ang meeting na iyon kahit sa totoo lang ay hindi pa rin siya nakaka-recover sa aksidente niya. Kahit na pilit niyang pinakakalma ang sarili ay madalas pa ring bumabalik sa kanya ang nangyari. Maging ang posibilidad na mayroong tao roon na nagtatangkang gawan siya ng masama ay nagpapanginig sa katawan niya. Subalit kailangan niyang umakto na tila walang nangyari sa kanya. Wala rin siyang sinabihan tungkol sa nangyari kahit na sinong kasama niya sa trabaho dahil iyon ang mahigpit na bilin ni Dillion sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad kasabay ng pag-iinit ng mga pisngi niya nang maalala niya ang binata. Memories of how he came to her rescue, how he held her, and how he kissed her rushed like heat through her veins. Mula pa noong gabing iyon hanggang sa mga oras na iyon ay may bahagi niya ang hindi pa rin makapaniwalang may kakayahan itong maging malumanay at maingat pagdating sa kanya. Her first impression of him was that he was rude. Ngunit nang gabing iyon ay wala siyang nabakas na ganoon dito. At sa totoo lang, ito at hindi ang pagkaaksidente niya ang mas nagpapabilis sa tibok ng puso niya tuwing naaalala niya ang gabing iyon. "Hi, Jem." Napakurap siya nang marinig ang tinig na iyon. Nakita niya si Randy na naglalakad palapit sa kanya. May-palakaibigang ngiti sa mga labi nito. Pinigilan niya ang napasimangot. Kanina kasi sa buong meeting ay wala itong inatupag kundi ang titigan siya. Ilang beses tuloy niyang muntik na itong sikmatan dahil sa pagkainis. "You were great kanina. Bagay na bagay sa iyo ang pagiging boss," sabi pa nito nang makalapit sa kanya. "Ah, thanks," sagot na lang niya at iginala ang tingin upang hanapin si Tina. Nakita niya itong kinokolekta pa rin ang folders ng mga papeles na bibitbitin nila pabalik sa opisina. Hindi kasi talaga niya maipaliwanag kung bakit naiilang siya kapag kinakausap siya ni Randy. "Hindi natuloy ang merienda natin dahil may umistorbo sa atin, but how about today? I would really love to spend more time with you, Jem," sabi nito. Bumalik ang tingin niya rito. Nakangiti pa rin ito na para bang inuudyukan siyang pumayag. Alanganin siyang ngumiti dahil ayaw talaga niyang tanggapin ang alok nito. Ibubuka pa lamang niya ang bibig upang magpalusot nang mapaigtad siya sa brasong umakbay sa balikat niya. Nagrigodon ang puso niya nang maging aware siya sa pamilyar na presensiya ng malaking katawan sa tabi niya. "Sorry, she already has a previous appointment with me." Tiningala niya si Dillion. Ni hindi niya napansin na nakalapit na pala ito sa kanila. Para sa isang malaking tao ay wala itong ingay kumilos. Napa-relax agad siya pagkakita niya sa mukha nito. "Dillion, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya. Yumuko ito sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila ay naalala na naman niya ang paghalik nito sa kanya at uminit ang mukha niya. Ngumiti ito at pinisil nang bahagya ang balikat niya, patunay na nabasa nito kung ano ang nasa isip niya. "Galing ako ng HR at nakita kita kaya lumapit na ako," sagot nito. Nasa dulong bahagi lang kasi ng floor na iyon ang HR office. "Tama ba ang dinig ko na tapos na ang meeting mo?" tanong pa nito. Tumango siya. "Great. Nasaan ang secretary mo?" "I'm here, Sir," sagot ni Tina na nakalapit na rin sa kanila. May bakas ng pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa kanila ni Dillion at lalo lamang uminit ang mga pisngi niya. Dahil maputi siya ay nahuhulaan na niya na kulay-kamatis na siya. "Tina, right? Ikaw na ang bahala sa mga papeles niya. Hihiramin ko muna siya sandali. Come on, Jem," yaya ni Dillion sa kanya at inakay na siya nang magsalita si Randy. "Teka nga, sino ka ba at palagi mo na lang kaming iniistorbo?" naiinis na tanong nito. Huminto si Dillion. Naramdaman niya ang pagiging tensiyonado ng muscles nito. Mukhang hindi nito gusto ang tono ng pananalita ni Randy. Siya man ay nainis. Nang tumingala siya kay Dillion ay nakita niyang nagtagis ang mga bagang nito na para bang handa itong sugurin si Randy. Nataranta siya na baka iyon nga ang gawin nito. "Dillion," mahinang untag niya rito. Naramdaman niya ang paghinga nito nang malalim na para bang kinakalma ang sarili bago lumingon kay Randy. "Just a lowly employee," matipid na sagot nito bago siya tuluyang inakay palayo. What an understatement for someone who owns half of this company. "So, ano'ng pag-uusapan natin at kinuha mo ako sa kanila?" tanong niya pagsakay nila sa elevator. Tumingin ito sa kanya. "Gusto mo bang kulitin ka pa rin niya hanggang mapapayag ka niyang sumama sa kanya?" tanong din nito sa kanya. "Of course not. At hindi niya ako mapapapayag dahil ayoko talaga," tanggi niya. "Ayoko rin." Inalis nito ang tingin sa kanya at namulsa. "When I saw him talking to you as if the two of you were close, it pissed me off. Kaya lumapit agad ako. I don't want some guy to get close to you like that." Napaawang na ang bibig niya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso niya sa sinabi nito. Ni hindi niya alam kung ano ang isasagot doon. Mahabang katahimikan ang lumipas bago ito lumingon sa kanya. "Do you have your phone with you?" tanong nito. Napakurap siya at nag-iwas ng tingin. "Oo." "Akin na." Nalilito man ay tumalima siya. Iniabot niya rito ang cell phone niya. Tumipa ito roon pagkatapos ay ibinalik sa kanya. "That's my number. Wala kang sasakyan ngayon dahil sa nangyari, hindi ba? Kapag tapos na ang trabaho mo, tawagan mo ako at pupuntahan kita. Ihahatid kita pauwi." "Hindi mo na kailangang gawin iyon. Puwede naman akong mag-taxi," tanggi niya. Masyado na siyang umaasa rito at hindi niya iyon gusto. Sanay siyang kumikilos at nagdedesisyon nang mag-isa. "No. Delikado," maawtoridad na sagot nito. Bahagya siyang nakaramdam ng inis sa pagiging bossy nito. Mukhang nabasa nito iyon sa mukha niya dahil inilagay nito ang kamao sa pisngi niya at bahagyang lumambot ang ekspresyon sa mukha. "I just want to ensure your safety, Jem. You said you trust me, right?" anitong nakatingin sa kanyang mga mata. Napabuntong-hininga siya. Paano ba niya tatanggihan ito kapag ganoon na ito tumingin? Isa pa ay alam niyang para din sa kanya ang desisyon nito. "Fine," pagsuko niya. Ngumiti ito at sa gulat niya ay bigla itong yumuko at mabilis siyang hinalikan sa mga labi. "Good girl." Natulala siya. Alam niya na dapat niya itong sawayin sa paghalik-halik nito sa kanya, ngunit walang tinig na lumabas mula sa bibig niya.

When The Love Falls - Maricar DizonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang