Chapter 10

1K 22 1
                                    

CHAPTER TEN

WHEN Jemelyn heard a gun shot, she anticipated the pain, but all she felt was something rushing to her side, then the sound of glass breaking. Kasunod niyon ay ang malakas na kalabog ng kung anong bumagsak sa sahig. Dumilat siya at kumalat ang relief sa buong katawan niya nang makita niyang nakadapa sa sahig si Randy. Nakadagan dito si Dillion habang hawak nito ang dalawang kamay ni Randy sa likod ng huli. Ang baril na hawak nito kanina ay ilang dipa ang layo sa mga ito. Dillion must have entered her office without the two of them realizing it. At malamang kung hindi ito dumating agad ay hindi magmimintis si Randy. Malamang na sa kanya tumama ang bala. She might be dead at that moment already. "Don't even think I'll ever forgive you, bastard," bulalas ni Dillion sa nanginginig na tinig. Mababakas ang galit at iba pang emosyon sa tinig nito. Kasunod niyon ay gumalaw ang mga kamay nito at humiyaw sa sakit si Randy. "The police will be here any minute. Pero kung sa tingin mo na basta kita pakakawalan nang hindi ko nababasag ang mukha mo, nagkakamali ka," nanggigigil pang sabi nito. Walang kahirap-hirap na iniikot ito ni Dillion at ubod ng lakas na pinagsusuntok ang mukha ni Randy. Kahit na humihiyaw si Randy ay hindi ito tumitigil. Siya naman ay tila ipinako sa kinatatayuan niya at ni hindi ito magawang sawayin. Her mind was a blank. "Dillion, stop it! Tama na iyan," marahas na saway ni Wendy na hindi niya namalayang nakapasok na rin pala roon. Kasunod nito ang sekretarya nito at magkatulong na hinila si Dillion palayo kay Randy. Nagpatianod naman si Dillion ngunit matalim pa rin ang tingin kay Randy. "Hindi pa ako tapos. He dared to harm her. I will never forgive that son of a bitch," sigaw pa rin nito. "Imbes na gawin mo iyan ay asikasuhin mo si Jem. Parating na rin ang mga pulis. Sila na ang bahala sa kanya. If you kill him, ikaw pa ang bibitbitin ng mga pulis. Ano ka ba, Dillion," saway pa rin ni Wendy rito. Noon ito tila natauhan at biglang humarap sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila ay nakita niya ang galit at takot sa mga mata nito pero napalitan iyon ng pag-aalala. "J-Jem," tawag nito sa kanya. Nang marinig niya ang pangalan niya mula sa mga labi nito ay bigla siyang tinakasan ng lakas. Nanghina ang mga tuhod niya at napaluhod siya sa sahig. Nataranta ito at mabilis na lumapit sa kanya. Lumuhod ito sa harap niya. Ikinulong nito sa mga kamay ang mukha niya at pinakatitigan siya. "May masakit ba sa iyo?" Nang umiling siya ay humugot ito ng malalim na hininga. Pagkatapos ay siniil siya ng halik na tila ba sa paraang iyon ay masisiguro nitong ayos lang siya. "Thank God," usal nito nang pakawalan nito ang mga labi niya. Kinabig siya nito at mahigpit na niyakap. Katulad noong natagpuan siya nito sa sasakyan niya, nang yakapin siya nito ay biglang nag-init ang mga mata niya at parang dam na binuksan ang lahat ng emosyon sa dibdib niya. Napahikbi siya at kumapit sa mga balikat nito. "Dillion, I'm glad you came," aniya sa pagitan ng pag-iyak. Humigpit ang pagkakayakap nito at naramdaman niya ang paulit-ulit na paghalik nito sa tuktok ng ulo niya. "Yes. I'm sorry I'm late. I'm sorry I messed up and got the wrong person. Kung hindi ako nagkamali, dapat nalaman ko agad na ang gagong iyan ang may kagagawan ng lahat. You should have been spared this trauma. God, I'm sorry, Jem," paulit-ulit na sabi nito kasabay ng paghaplos nito sa likod niya. Nararamdaman niya ang panginginig ng katawan nito. Was he also as scared as she was? Humigpit ang pagkakayakap niya rito at isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Hindi niya alam kung gaano katagal sila sa ganoong posisyon nang makarinig sila ng tikhim. Bahagyang kumalas si Dillion at sabay silang napalingon. May dalawang pulis ng naroon at bitbit na ng mga ito si Randy. "Sir, Ma'am, pasensiya na ho pero kailangan n'yo ring sumama sa amin. May mga kailangan kayong saguting mga tanong at kailangan n'yo ring magsampa ng opisyal na kaso laban sa kanya," sabi ng isa. "Sasamahan ko kayo para pagkatapos n'yong sagutin ang mga kailangan n'yong sagutin ay ako na ang bahala sa iba. Then, Dillion, you can take Jem home para makapagpahinga na siya," sabi ni Wendy. Tumango si Dillion at inalalayan siyang makatayo. Inakbayan siya nito at muling hinalikan ang mga labi niya. "We'll make it quick. Everything will be okay now. You'll be safe now. I swear," usal nito. Tumango siya. Nais niyang sabihin dito na naniniwala siya rito. Na labis ang pasasalamat niya dahil naroon ito. Na mahal niya ito. Sa halip ay yumakap na lamang siya sa baywang nito at nahiling na kahit man lang sa ganoong paraan ay maiparamdam niya rito ang lahat ng mga bagay na nais niyang sabihin dito. Nang tumingala siya at nakita niya ang bahagyang ngiti sa mga labi nito ay tila may mainit na kamay na humaplos sa dibdib niya. At that moment, she was sure her feelings reached him. MAHIGIT isang oras din ang lumipas bago nakaalis sa istasyon ng pulis sina Jemelyn at Dillion. Habang naroon kasi sila at sumasagot ng mga katanungan ay nag-hysteria na naman si Randy. Ayon sa mga tao roon ay mukhang may psychological disorder daw ito kaya nagawa siya nitong pagtangkaang patayin. Ang ginawa raw nito ay dulot ng labis na desperasyon. Nalaman niya na isa pala ito sa pinagpipilian para maging head ng marketing and finance. Kaya marahil nagtanim ito ng labis na galit sa kanya dahil sa kanya napunta ang posisyong ilang taon na nitong nais makuha. Ang labis na obsesyon daw nito sa posisyong iyon ang nagdulot dito ng mental problems. Kailangan daw itong matingnan ng espesyalista upang masiguro iyon. Ngunit kahit ganoon ay nanindigan sila at maging si Wendy na itutuloy nila ang kasong attempted murder laban dito. Nalaman din niya mula sa testimonya ni Dillion na nang sagutin nito ang cell phone nito ay agad nitong narinig ang mga pag-uusap nila ni Randy bago iyon naputol nang ibagsak niya iyon sa sahig ayon na rin sa utos ni Randy. Nang marinig daw nito iyon ay nasa ibaba na raw ito ng building ng Smith Pharmaceuticals kaya tinakbo nito ang elevator upang makaakyat agad. Mabilis din daw nitong tinawagan si Wendy na siya namang tumawag ng pulis. Tahimik daw itong pumasok sa opisina niya at nakita nitong nakatutok ang baril sa kanya. Hindi na raw ito nagpatumpik-tumpik pa at agad na sinugod si Randy. Nahawakan daw nito ang braso ng huli bago naiputok ang baril dahilan kaya nagmintis ito. Muli tuloy siyang nagpasalamat sa pagdating nito. Pagkatapos ng mga testimonya nila ay umalis na rin sila sa istasyon ng pulisya at hinayaan na roon si Wendy at ilang abogadong tinawagan nito. Noong una ay nagtaka siya na sumama pa sa pulisya si Wendy. Ang alam kasi niya ay ayaw nito ng bad publicity. Ngunit ang sabi nito, kung may kinalaman na sa buhay ng isang tao ay ibang usapan na iyon. "Wendy told me to take you home. But honestly, I don't want to take you home yet," wika ni Dillion nang nasa loob na sila ng kotse nito. Sinulyapan niya ito at nakita niya ang determinasyon at kaseryosuhan sa mukha nito. Kumabog ang dibdib niya nang tumingin ito sa kanya at magtama ang mga mata nila. "I don't want to be apart with you, Jem. Not now. And I am afraid, not ever." Nahigit niya ang hininga at muling nag-init ang mga mata niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kakaibang antisipasyon. Lumunok siya at bahagyang yumuko. "A-ayoko pa ring umuwi. Ayokong makita nila akong ganito. I don't want them to get worried about me. Matatanda na ang mga magulang ko at baka makasama pa sa kanila kapag nalaman nila ang nangyari sa akin," mahinang sagot niya. Ilang segundong namagitan ang katahimikan sa kanila bago nito binuhay ang makina ng sasakyan nito. "Then, let's go." Napatingin siya rito. "Saan?" Sumulyap ito sa kanya at bahagyang umangat ang gilid ng mga labi. "My place." NAKAGAT ni Jemelyn ang ibabang labi niya habang iginagala ang paningin sa loob ng apartment unit ni Dillion. Malaki iyon ngunit halos walang kalaman-laman. Hindi niya alam kung dahil kalilipat lamang nito roon at hindi pa nakakapag-ayos ng gamit o talagang mas gusto nito ng kaunting gamit sa tinitirhan nito. Hindi niya alam kung dala pa rin ba ng mga nangyari sa araw na iyon kaya hindi gumagana nang matino ang isip niya, subalit natagpuan na lamang niya ang sariling pumayag na magtungo roon kaysa umuwi. Mas malaking bahagi kasi niya ang ayaw pa ring malayo rito. Pakiramdam niya ay hindi rin siya makakatulog kung mawawala ito sa tabi niya sa gabing iyon, o kahit sa mga susunod pang mga gabi. Subalit mananatili pa rin kaya ito sa tabi niya ngayong nahuli na nila kung sino ang nagtatangka sa buhay niya? Hindi na siya nito kailangan pang protektahan. Pero sabi niya, hindi rin niya kayang malayo sa akin. Puwede ko bang i-assume na pareho kami ng nararamdaman? Na baka sakaling mahal din niya ako? Napahinga siya nang malalim sa mga tanong sa isip niya na alam niyang hindi siya ang makakasagot. Napakurap siya nang lumabas mula sa kusina si Dillion. May bitbit itong dalawang tasa. Habang pinagmamasdan niya itong lumapit sa kanya ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya. Suddenly, the atmosphere around them grew thick. Huminto ito sa mismong harap niya at iniabot sa kanya ang isang tasa. Walang salitang tinanggap niya iyon. Natigilan siya nang makita niyang gatas iyon. Muli siyang napatingala rito. "Your bedtime habit, right?" tanong nito sa tinig na nagpapatindig ng balahibo niya. His voice sounded intimate. Umupo ito sa tabi niya. When she felt their skin touch, she felt a sensation of combined comfort and tingling heat. Bahagya tuloy siyang napaigtad at napatingala rito. Nakayuko ito at tila may malalim na iniisip. Hinayaan lamang niya ito dahil sa totoo lang ay hindi rin niya alam kung ano ang una niyang sasabihin sa dami ng nais niyang sabihin dito. Napakurap siya nang ilapag nito sa center table ang tasa nito. Wala sa loob na ginaya niya ang ginawa nito. Wala pa rin naman siyang ganang inumin iyon dahil ang buong atensiyon niya at ang lahat ng pandama niya ay nakatuon lamang kay Dillion. Napatingin siya rito nang marahas itong nagbuga ng hangin. "You know, nang marinig ko ang nangyayari sa iyo sa cell phone ko kanina, pakiramdam ko, talo ko pa ang sinabugan ng bomba sa giyera. My heart was pounding so hard, I thought I was going to die of a heart attack before I could even reach you. I've never felt that way before, do you know that?" umpisa nito. Hindi siya nagsalita. Tumagilid ito upang lalo silang magkaharap at nagtama ang mga mata nila. Tila nagliparan ang mga paruparo sa sikmura niya nang makita niya ang halo-halong emosyon sa mga mata nito. Pakiramdam tuloy niya ay nababasa niya sa mga mata nito ang eksaktong mga emosyong nararamdaman niya. Ikinulong nito sa mga palad nito ang mukha niya. "Seriously, when I first met you, I only intended to use you to ease my boredom. You were too straight-laced that I wanted to ruin you. Idagdag pa na sinabihan ako ni Wendy na huwag na huwag kitang sasalingin dahil iba ka raw sa lahat ng babaeng nakilala ko. Na hindi ka rin naman daw mahuhulog sa akin dahil hindi mo gusto ang mga tipo ko. I thought I was just challenged by her words. That's why I tried to get close to you. "Pero nang makilala na kita at nagkaroon ako ng pagkakataong mapalapit sa iyo kahit pa ang dahilan niyon ay ang sira-ulong lalaking iyon na gusto kong saktan, nakalimutan ko na ang unang dahilan ng paglapit ko sa iyo. My attraction to you grew stronger and stronger until I thought I couldn't control it anymore. Pero tama si Wendy, na iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko noon. You are special, Jem. Kaya kahit hirap na hirap ako, kinontrol ko ang sarili ko. I don't want you to get scared of me. I want to protect you, I want to take care of you, I want to treat you the way you deserve to be treated. I want your waiting to be worthwhile. Noong gabing nagpunta ako sa bahay ninyo, buong gabi akong hindi nakatulog. May na-realize ako na ngayon ko lang naramdaman. Ang plano ko ay sasabihin ko iyon sa iyo kapag natapos na ang gusot na ito. Kaya pinuntahan ko ang akala kong may kagagawan nito. But I messed up and I ended up leaving you unprotected." Hinawakan niya ang mga kamay nito. "Niligtas mo ako. Iyon ang mahalaga," aniya rito. Umiling ito at muling sumagap ng hangin. "Pero kung hindi ako dumating agad... God I don't even want to think about it. I really would have killed that bastard if something happened to you. Kanina, naisip ko na kung nagawa niya ang gusto niya sa iyo, ni hindi na ako magkakaroon ng pagkakataong sabihin sa iyo ang gusto kong sabihin. When I thought I would never get the opportunity to be with you again, I thought I was going to go crazy. Kaya sasabihin ko na sa iyo ngayon..." Inilapit nito ang mukha sa kanya. "I love you, Jem," pabulong na sabi nito. Humaplos ang hininga nito sa mukha niya at pakiramdam niya tumagos iyon sa puso niya. Nag-init ang sulok ng mga mata niya at pakiramdam niya ay mapupugto ang paghinga niya sa kakaibang ligayang dulot ng mga salitang iyon. Nakagat niya ang ibabang labi niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay nito. "Dillion, mahal din kita. Aminado ako na noong una ay hindi kita gusto. But I realized that my first impression of you was wrong. You are strong, kind, and caring. Being with you makes me feel safe and utterly happy. You made me believe that waiting for the right man is worth the wait. Dahil nakilala kita," aniya ritong pigil ang pagluha. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Good." Siniil siya nito ng halik sa mga labi. Napapikit siya at buong pusong nagpaubaya rito. His kiss was so passionate and hot that she felt so alive seconds later. Napasinghap siya nang lumalim ang halik nito at ang mga kamay nitong nasa mukha niya ay bumaba sa leeg niya, patungo sa balikat niya, sa mga braso niya, at mapaghanap na humaplos doon. Kumalat ang nakakakiliting sensasyon sa buong katawan niya. Nang pakawalan nito ang mga labi niya ay napaungol siya sa akmang pagpoprotesta na agad ring nahinto nang dumausdos ang mga labi nito sa leeg niya. He licked her bare skin. Napakapit siya sa balikat nito. "Dillion," usal niya sa pangalan nito. Huminto ito at tila napasong kumalas sa kanya. Napadilat siya at nakita niya ang paghihirap sa mukha nito. "No, we shouldn't do this. Nangako akong wala akong gagawin sa iyo maliban ang halikan ka, hangga't hindi pa kita pinakakasalan," paos na sabi nito. Napatitig siya rito at hinanap sa mukha nito ang implikasyon ng sinabi nito. Tumingin ito sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila ay huminga ito nang malalim at hinaplos ang pisngi niya. "So, Jemelyn Ambrosio, marry me." Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Ngumiti siya at tumango. Ngumiti rin ito. "Say it," udyok nito. Niyakap niya ito nang mahigpit. Naramdaman niya ang tensiyon sa katawan nito ngunit lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. "Yes. I will marry you," sagot niya. Lalo niyang idinikit ang katawan dito. Hinawakan siya nito sa baywang at bahagya siyang inilayo. "Good. But, honey, stop doing that. I'm trying to control myself here," reklamo nito sa paos na tinig. Nakuha niya ang nais nitong sabihin at sa kabila ng pag-iinit ng mukha niya ay natawa siya. Umungol ito at umiling. "You're torturing me." Lalong lumakas ang tawa niya at pinakawalan na ito. Tinitigan niya ito at matamis na nginitian. "You know, you don't have to control yourself anymore," aniya rito. Kumislap ang mga mata nito at napaigtad siya nang pisilin nito ang baywang niya. "Really?" mahinang tanong nito. Nanlaki ang mga mata niya at akmang aatras na nang bigla itong tumawa. He gave her a lingering kiss bago ito muling nagsalita. "Just kidding. I will wait for our wedding night. That's a promise," sabi nito. Napangiti siya at napahinga nang malalim sa labis na saya. Ah, mahal na mahal talaga niya ang lalaking ito, her soon-to-be husband. Bigla niyang naalala ang mga kaibigan niya at lalong lumawak ang ngiti niya. Hindi na siya makapaghintay na sabihin sa mga ito ang magandang balita.

                              Wakas

When The Love Falls - Maricar DizonWhere stories live. Discover now