Chapter 7

510 12 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"MA'AM, mauna na ho ako." Nag-angat ng tingin si Jemelyn nang sumungaw sa pinto ng private office niya si Tina. "Okay. Happy birthday sa anak mo," nakangiting sagot niya rito. Hindi sila mag-o-overtime sa araw na iyon dahil kaunti na lang ang kailangan niyang gawin kaya pinayagan niya itong mauna na sa kanya. Gumanti ito ng ngiti bago muling nagpaalam at tuluyan nang umalis. Siya naman ay nagpatuloy sa pagbabasa ng mga papeles sa mesa niya. Ilang minuto pa lamang siyang nag-iisa roon nang makarinig siya ang mahinang tunog ng pagbubukas ng pinto. Napaangat ang tingin niya sa bahagyang nakaawang na pinto ng private office niya. Marahil ay si Tina iyon at may nakalimutan lang kaya bumalik. Hinintay niyang muli itong sumungaw sa pinto ng private office niya ngunit mahabang sandali na ang lumipas ay hindi nito iyon ginawa. Hanggang sa muli niyang marinig ang langitngit ng pinto ng outer office niya. Bigla ay nakaramdam siya ng hindi maganda. Tumayo siya upang silipin ang nangyari sa labas ng private office niya. Ngunit nang lakihan niya ang pagkakabukas ng pinto ay walang katao-tao roon. Kinabahan siya habang iginagala ang tingin sa paligid. Huminto ang tingin niya sa mesa ni Tina at agad niyang napansin ang nakatuping papel. Lumapit siya roon at alanganing kinuha ang papel. Binuklat niya iyon at muntik nang mabitawan nang makita ang nakasulat doon. RESIGN FROM YOUR POSITION OR DIE. Nanlamig siya. It was definitely a death threat! Tuluyan na niyang nabitawan ang papel at napahawak sa dibdib niya dahil bigla siyang nahirapang huminga. Pakiramdam niya ay tinakasan ng lakas ang mga tuhod niya. Dillion. Napakurap siya. Naalala niyang inilagay nito ang numero nito sa cell phone niya. Ito lamang ang alam niyang makakatulong sa kanya. Patakbo siyang bumalik sa mesa niya at kinuha ang cell phone niya. Sa nanginginig na kamay ay hinanap niya ang numero nito at pinindot ang Call button. Tatlong ring pa lang ay sinagot na nito iyon. "D-Dillion." "Jem, what's wrong?" agad na sagot nito. Ikinabigla niyang nakilala agad nito ang boses niya ngunit hindi na siya nagkomento pa tungkol doon. Sinabi niya rito ang tungkol sa nangyari, lalo na ang sulat na nakita niya. Gusto niyang magtunog normal subalit hindi niya napigilan ang panginginig ng tinig niya. "K-kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. What if kung sinuman ang naglagay nito rito ay nasa malapit lang? A-ano'ng gagawin ko?" Wala siyang narinig na sagot mula rito. "D-Dillion?" Napaigtad siya nang marahas na bumukas ang pinto ng outer office niya. Nakahinga siya nang maluwag nang makita niya si Dillion na habol pa ang hininga habang nakalapat sa isang tainga nito ang cell phone nito. Muntik na niya itong takbuhin ngunit pinigilan niya ang sarili. Bagkus ay napahigpit na lamang ang kapit niya sa mesa. Halos sabay pa nilang ibinaba ang kanya-kanyang cell phone. Sa ilang hakbang lamang ay nakalapit na agad ito sa kanya. Walang pag-aalinlangang kinabig siya nito. Napasubsob ang mukha niya sa dibdib nito. "Relax. Nandito na ako. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa iyo. Calm down," pag-aalo nito sa kanya. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya at napabuntong-hininga siya. Tila bulang naglaho ang tensiyon niya kanina. Hinawakan niya ang mga braso nito at bahagya siyang lumayo rito. Tiningala niya ito at muli siyang bumuntong-hininga. "Okay na ako. Thank you for coming." Ito naman ang huminga nang malalim bago hinawakan ang mga balikat niya at tuluyan na siyang pinakawalan. "It's nothing. Nasaan ang sulat?" Itinuro niya ang papel na nasa mesa ni Tina. Kinuha nito iyon at tiningnan. Mataman tiningnan nito iyon, halatang gumagana ang isip nito at nag-aanalisa. "Ang sabi mo, naramdaman mong may pumasok dito at akala mo ay si Tina iyon. Ibig sabihin pumasok mismo ang taong iyon dito para lang ilagay ito dito. It only means whoever gave this to you at maging ang gumalaw ng kotse mo ay empleyado rito kung malaya siyang nakapasok dito." Napatitig siya rito. "Empleyado? Ibig sabihin, may posibilidad na nakakalapit siya sa akin nang hindi ko alam? Bakit naman magkakaroon ng taong galit sa akin dito? Ginagawa ko naman nang maayos ang trabaho ko. Wala rin akong nao-offend na tao. I work honestly kaya hindi ko maintindihan kung bakit may isa sa kanila ang gusto akong m-mamatay," kabadong bulalas niya. Tinitigan siya nito at muli siyang kinabig palapit dito. "It seems that way. O maaari ding wala rito ang talagang gusto kang saktan. It is possible that whoever did that to your car and delivered this letter is just an accomplice. Either way, you're not safe being alone anymore, Jem. Mas mabuti kung magbakasyon ka muna. Take a leave habang hinahanap ko kung sino ang gumagawa nito," suhestiyon nito. Napailing siya. "Hindi ako puwedeng umalis. Bago pa lang ako sa posisyon ko at marami akong kailangang asikasuhing trabaho. Nasa kalagitnaan ng pagpaplano ang marketing para sa isang huge event at hindi puwedeng wala ako." Kumunot ang noo nito. "Your life is in danger." "Alam ko. Pero hindi ko puwedeng basta iwan ang responsibilidad ko. Hindi lang ako ang nagtatrabaho nang husto para sa kompanya kundi maging ang mga empleyadong sumusunod sa akin. Besides, what if iyon talaga ang gusto ng nagtatangka sa buhay ko? Ang mag-panic ako at umalis sa trabaho. Hindi ba, gusto niya akong mag-resign?" aniya rito. Tila natigilan ito. Kapagkuwan ay may kumislap sa mga mata nito na tila ba may sumagi sa isip nito. "You are right. Maaari ngang ang gusto talaga ng kung sinumang ito ay ang umalis ka sa posisyon mo. But, if you do what he or she doesn't want you to do, like continue working for example, magiging mas delikado ang buhay mo. Tiyak na gagawa siya ng mas mapanganib na hakbang," giit nito. Itinaas niya ang noo. "Alam ko rin 'yan. Pero ayokong padaliin ang lahat para sa kanya. Gusto kong malaman niya na hindi ako ganoon kahina. Ayokong ibigay nang ganoon lang ang gusto niya," determinadong sagot niya. Tuluyan nang nawala ang kanina ay takot na nararamdaman niya. Kailangan niyang magpakatatag. Haharapin niya iyon nang buong tapang. Matagal na tinitigan lang siya nito bago ito nagbuga ng hangin. "Fine. Alam kong hindi ko mapagbabago ang isip mo. Pero para siguruhing walang mangyayari sa iyo, dapat maging handa ka sa counter plan ko kung ayaw mong mag-leave." "Anong counter plan?" nagtatakang tanong niya. Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi nito at pinisil ang baba niya. "Mula sa mga oras na ito, palagi akong mananatili sa tabi mo. Unless I have to go somewhere really important, I won't leave you alone. You have to be prepared to be with me most of the time. Naiintindihan mo ba ako?" tanong nito. May kung ano sa tinig nito na nagdulot ng tila paghahalukay sa sikmura niya. May init ding kumalat sa mga ugat niya sa kakaibang tinging ipinupukol nito sa kanya. Dahilan kaya hindi agad siya nakasagot. "Jem?" untag nito sa kanya. Napakurap siya at tumikhim. "Kung iyon ang kailangan, then so be it. Anyway, kailangan ko nang tapusin ang binabasa kong papeles para makauwi na rin ako," aniya rito at tumalikod na. "Okay. I'll stay with you. Kapag tapos ka na, ihahatid na kita," sabi nito. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa likuran niya. Huminga siya nang malalim. "Fine. Thank you, Dillion," mahinang usal niya. Hindi ito sumagot ngunit naramdaman niya ang kamay nito sa balikat niya at ang marahang pagpisil ng kamay nito roon. "It was my pleasure." "ILIKO mo muna diyan, puwede? Nagugutom na ako at walang tao sa bahay namin kaya siguradong wala akong aabutang pagkain," sabi ni Jemelyn nang matanaw niya ang sign board ng Single Ladies' Buffet. Nasa ate kasi niya ang mga magulang niya nang araw na iyon at mananatili ang mga ito roon nang ilang araw para magbakasyon kaya siya lang mag-isa sa bahay nila. At kapag mag-isa lang siya sa bahay ay sa restaurant nila siya kumakain para hindi na niya kailangang magluto pa. Tumalima si Dillion at kinabig ang manibela ng sasakyan nito patungo sa direksiyong itinuro niya. "Masarap ba ang pagkain diyan?" kaswal na tanong nito. "Oo naman. Diyan ko kaya in-order ang kinain natin noong nakaraan," agad na sagot niya. Sumulyap ito sa kanya at ngumiti. "Ah, then it's really good," sagot nito. Napangiti na rin siya. Kapagkuwan ay gusto niyang mapailing na kaswal na kaswal silang mag-usap ng ganoon na para bang hindi siya nakatanggap ng death threat kanina lamang. Ngunit naisip kasi niya na ayaw na niyang matigatig ng kung sinumang may pakana niyon. Isa pa, ngayong palaging naroon si Dillion upang protektahan siya ay tuluyan na siyang nakalma. Alam niyang hindi magandang umasa siya rito, lalo pa at hindi siya sanay na may inaasahan ngunit hindi niya mapigilan. May kung ano sa mga tingin nito, sa bawat salita, sa haplos, at sa presensiya nito na nagpapakalma sa kanya. And it made her succumb to him. Saglit lamang ay naihimpil na nito sa dulong bahagi ng parking lot na katapat ng restaurant nila ang sasakyan nito. Nang akmang bababa siya ay pinigilan pa siya nito. "For precaution, mauuna ako sa iyong bumaba palagi," bilin nito bago umibis ng sasakyan. Mabilis na nakaikot ito sa pinto niya at binuksan iyon. Yumuko ito at ngumiti. "You can go out now." Nag-init ang mga pisngi niya. "This is embarrassing," usal niya pagbaba niya na tinawanan lang nito. Napailing siya at nagpatiuna na lamang sa pagpasok sa restaurant. Agad siyang binati ng security guard nila nang makita siya. "Good evening, Ma'am. Nasa dating puwesto ho silang lahat ngayon. Kasama nila si Sir Harry," nakangiting sabi nito. "Oh? Hindi ko alam na nandito sila. Thank you, Manong," sagot niya rito. Nilingon niya si Dillion na nakamasid lamang sa kanya. "My friends are here. Okay lang naman kung maki-share tayo ng table sa kanila?" tanong niya rito. Nagkibit-balikat ito. "As you wish." Tumaas ang isang kilay niya. "What's with that tone? Parang may gusto kang sabihin na ewan." "Nothing. Come on, akala ko ba gutom ka na?" Ilang segundo niya itong pinagmasdan bago siya napailing at nagpatuloy na sa paglalakad. Agad na nakita niya ang mga kaibigan niya sa isang malaking mesa at kasalukuyang nagtatawanan. Napangiti siya. "Hindi ko alam na may meet up ngayon, ah," aniya sa mga ito. Sabay-sabay na lumingon ang mga ito sa kanya at masayang binati siya. Kapagkuwan ay tila may iisang isip ding lumampas ang tingin ng mga ito sa kanya. "Oh my, may bitbit na lalaki si Jem!" namimilog ang mga matang bulalas ni Rica na sinundan din ng exaggerated na reaksiyon ng mga kaibigan niya. Nag-init ang mukha niya. "Grabe naman kayo kung maka-react." Tumawa si Harry. "You can't blame them, Jem. Ngayon ka lang nagbitbit ng lalaki kapag nakikipagkita ka. In fact, this is also a first for me to see you with a man. He must be special," nanunudyong komento nito. Dahil kakambal ni Hannah si Harry at malapit ang mga ito sa isa't isa ay halos masasabi na rin niyang parte na ito ng barkada nila. Lalo siyang nakaramdam ng pagkapahiya. Nakangiwing sinulyapan niya si Dillion na tahimik lamang na nakamasid sa kanila. Nang magtama ang mga mata nila ay kumislap iyon sa amusement. "Is that so?" tanong nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang panunudyo sa tinig nito. Umismid siya upang itago ang hiya. "That can't be helped. Ang sabi mo hindi mo ako iiwang mag-isa kaya natural na isama kita rito dahil nagugutom na talaga ako. And don't believe everything they say." "Oh," sabay-sabay na tudyo ng mga kaibigan niya. Napapatingin na rin sa kanila ang ilang customer doon. "Ano ba kayo, nakakahiya sa mga customer natin," mahina ngunit mariing saway niya sa mga ito. Nagtawanan ang mga ito. Tulad ng dati ay wala na namang pakialam ang mga ito. "Teka, magpapakuha ako ng dalawang silya. Tatawagan ko rin muna si Chad. He's supposed to be here already," sabi ni Hannah na tumayo na. "Customers natin?" tanong ni Dillion. Muling bumalik ang atensiyon niya rito at ngumiti. "We own this restaurant," aniya rito. Isa ang Single Ladies' sa mga bagay na proud siyang pag-usapan. Gusto rin niyang malaman nito na mayroon siyang maipagmamalaki maliban sa posisyon niya sa kompanya ng mga ito. Mukhang nabasa nito ang iniisip niya dahil ngumiti ito at ipinaraan ang likod ng palad sa pisngi niya na napansin niyang lagi nitong ginagawa sa kanya. "Yeah, I get how proud you are. I'm impressed, Miss Achiever," sabi pa nito. Napakatamis tuloy ang ngiti niya rito. Naalis lang dito ang tingin niya nang marinig niya ang exaggerated na pagtikhim ng mga kaibigan niya. Tumikhim din tuloy siya kapagkuwan ay isa-isa niyang ipinakilala ang mga kaibigan niya kay Dillion at ganoon din ito sa mga kaibigan niya. Saglit pa ay may isang waiter nila ang nagbitbit ng dalawang silya para sa kanila ni Dillion. Pagkatapos nilang sabihin ang order nila ay umalis na uli ang waiter. "So, ano ka ni Jem?" curious na tanong ni Kendra kay Dillion. Pinandilatan niya ito ngunit hindi man lang siya nito sinulyapan. Deretso ang tingin nito at maging ng mga kaibigan niya sa binata. Si Dillion na lang tuloy ang tiningnan niya. Yumuko ito sa kanya at umangat ang gilid ng mga labi. Nananaway na pinandilatan niya ito. Pero nanlaki ang mga mata niya nang walang pakundangan pa siya nitong inakbayan at bumaling sa mga kaibigan niya. "What do you think?" tanong nito sa mga kaibigan niya. Namilog ang mga mata ng mga ito at sabay-sabay pang nagtilian. Hiyang-hiya siya sa reaksiyon ng mga ito ngunit sa huli ay natawa na siya sa kakulitan ng mga ito. Mayamaya pa ay masaya na silang kumakain ng hapunan.

When The Love Falls - Maricar DizonWhere stories live. Discover now