Chapter 4

585 12 0
                                    

CHAPTER FOUR

SAGLIT na inalis ni Jemelyn ang tingin sa makapal na project proposal sa mesa niya. Kanina pa siya nagbabasa ng mga iyon at nakaramdam na siya ng pananakit sa batok niya. Nag-inat siya at bahagyang iginalaw-galaw ang swivel chair niya. Dahil dalawang department na ang hinahawakan niya, pakiramdam niya ay hindi nauubos ang trabaho niya. Isang linggo na siyang nag-o-overtime at sa taas ng mga papeles na kailangan niyang tapusing basahin at desisyunan ay malamang na mag-o-overtime na naman siya. Inaasahan na niya iyon mula pa nang araw na sabihin sa kanya ni Wendy na ipo-promote siya nito, kaya hindi siya nagrereklamo. Iyon lang, marunong pa rin naman siyang mapagod. Nag-inat siya at nagdesisyong tumayo na muna upang mapagpag niya ang muscles niya. Palabas pa lamang siya ng opisina niya upang kumustahin si Tina nang marinig niyang may ibang tao sa labas ng private office niya. Dahil kasi nag-o-overtime siya ay ganoon din ang ginagawa nito kaya yayayain na muna niya itong mag-break sandali. Nabuksan na niya ang pinto nang makilala niya ang tinig ng lalaking mukhang nagpupumilit na makita siya. Umasim ang mukha niya. Isa pa itong makulit. Napabuga siya ng hangin at iniayos ang sarili bago tuluyang lumabas ng opisina niya. Sabay na napalingon sa kanya si Tina at ang isa sa mga senior accountant nila na si Randy. Hindi niya alam kung bakit dikit ito nang dikit sa kanya mula nang ma-promote siya. Ngumiwi ang sekretarya niya at walang salitang humingi ito ng paumanhin. Bahagya na lamang niya itong tinanguan. Habang si Randy naman ay nagliwanag ang mukha at lumapit sa kanya. "Jem. I was just about to come into your office. Tapos ka na ba sa trabaho mo para sa araw na ito? Yayayain sana kitang mag-dinner," masiglang sabi pa nito. Pinigilan niya ang pagtaas ng isang kilay. Hindi niya gusto ang pagiging overly familiar nito kahit pa hindi naman talaga sila dating magkakilala. She thought it was fishy. Pero hindi niya ito puwedeng hayagang soplahin dahil hindi iyon makakatulong sa professional relationship nila. "Sorry, hindi pa ako tapos sa mga ginagawa ko. I'm just taking a quick break. Mag-o-overtime ako ngayon kaya iba na lang ang yayain mo," aniya sa pinakamalumanay na tinig na kaya niya. Bumakas ang pagkadismaya sa mukha nito at kakaibang kislap sa mga mata nito na nagpailang sa kanya. Ngunit saglit lamang ay nawala na rin agad iyon at muli itong ngumiti. "How about a snack?" tanong pa nito. Napabuntong-hininga siya at bahagyang napailing. "Randy, you really don't have to do this," aniya rito. Sumulyap siya kay Tina na nakamasid lang sa kanila. Bahagya niya itong nginitian. "Puwede kang umuwi nang maaga ngayon, Tina." Halatang nabigla ito sa sinabi niya. "Pero akala ko ho may tatapusin pa po kayo kaya kailangan n'yo pa ako." "Oo nga pero kaya ko nang mag-isa. Don't worry about me. Isang linggo ka na rin kasing nag-o-overtime. You have a child, right? Makokonsiyensiya ako kung kukunin ko na naman ang oras na dapat ibigay mo sa anak mo," paliwanag niya. Kahit na mukhang nag-aalangan ay tumango ito. Sumunod niyang binalingan si Randy. "Ikaw rin. I don't want to impose on your time after work, Randy. I can manage to eat on my own," aniya rito. "I insist. Kailangan mo ring umalis sa opisina mo kahit saglit lang. Sasamahan na kita sa cafeteria sa ibaba pagkatapos, I'll leave you alone, how's that?" pangungulit pa nito. Bumuntong-hininga uli siya at napahawak sa sentido niya. "Fine," pagsuko niya. Nagliwanag ang mukha nito. "Great." Sumulyap siya kay Tina na mukhang naramdaman ang pagkainis niya sa kakulitan ni Randy. Puno ng simpatya na nginitian siya ni Tina nang nakatalikod na si Randy. Ngiwi lang ang iginanti niya rito. NAPATINGIN si Dillion sa wristwatch niya habang naglalakad siya sa lobby ng building ng Smith Pharmaceuticals. Mag-aalas-sais na ng gabi at kababalik pa lamang niya roon. Sa loob ng isang linggong pamumuno niya sa security ng kompanya ay nakita agad niya ang napakaraming butas sa seguridad nila. Hindi lamang sa main building nila kundi maging sa security ng branches nila. Kaya halos wala na siyang tulog sa pagsasaayos niyon sa loob ng isang linggo. Sa araw kasi ay lagi siyang nasa kung saan-saang branches habang sa gabi naman ay nakabantay siya sa surveilance room kung saan niya napapanood ang mga nakukunan ng mga CCTV sa buong building. Nawalan na siya ng panahon makapag-relax. And I haven't seen her since that day. Napailing siya sa bulong na iyon ng isang bahagi ng isip niya. Papunta na siya sa elevator nang bumukas iyon. Napahinto siya sa paglalakad nang agad na makita niya ang kani-kanina lamang ay nasa isip niya. Napatingin din ito sa kanya at bumakas ang pagkabigla sa mga mata. He was about to grin at her when he noticed the man beside her. Nagtagis ang mga bagang niya sa disgustong agad na nadama niya rito. Umibis ng elevator ang mga ito. Ang mga paa niya ay tila nagkaroon ng sariling isip na humakbang palapit sa mga ito. "Miss Ambrosio," bati niya rito. Halatang gulat pa rin na tumingala ito sa kanya nang nasa harap na niya ito. "Mr. Smith," ganti nito kahit na bakas pa rin sa mukha ang pagkalito. Bumaling siya sa lalaking katabi nito. Hindi ito nagsasalita ngunit bahagyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. He gave him a leveling gaze. Hindi niya ito kilala. Ibig sabihin ay hindi ito isa sa mga may posisyon sa kompanya. "Going home?" tanong niya kay Jem na hindi pa rin inaalis ang tingin sa lalaking kasama nito. Tumikhim si Jem dahilan kaya nabaling dito ang tingin niya. "Not yet. I'm just taking a break. Kakain lang sana ako sa cafeteria and he wants to accompany me," sagot nito. Napakunot-noo siya nang mapansing tila naiilang ito. Dahil ba kaharap siya nito o dahil sa lalaking nasa tabi nito? Nasagot ang tanong niya nang magtama ang mga mata nila at nabasa niya sa mga mata nito ang paghingi ng tulong. Hindi rin nakaligtas sa obserbasyon niya ang iritasyon at helplessness sa mga mata nito. Patunay na ayaw talaga nitong humingi ng tulong sa kanya ngunit mukhang mas kaya siya nitong i-tolerate kaysa sa kasama nito. "Too bad. I don't think you have time for a break yet, Miss Ambrosio, because I have something to talk to you about. In fact, papunta ako sa opisina mo ngayon," aniya rito. Bago pa ito makasagot ay tumikhim na ang lalaking katabi nito. "Hindi ba puwedeng mamaya na 'yan?" tanong nito. Tiningnan niya ito. "No," matipid na sagot niya. Bago pa ito makapagsalitang muli ay itinuon na niya ang buong atensiyon niya sa dalaga at hinawakan ito sa siko. He felt a knot in his stomach when he felt her smooth skin for the first time but he did his best to ignore it. Mas importanteng mailayo muna niya ito sa lalaking habang tumatagal ay lalo niyang hindi nagugustuhan. "Then let's go back to your office now, Miss Ambrosio," aniya rito at inakay ito pabalik sa elevator. Bago pa makasunod sa kanila ang lalaki ay naisara na niya ang pinto. Ilang segundo nang umaangat ang elevator nang sinulyapan niya ito. "Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan sa pagliligtas ko sa iyo?" tanong niya rito. Tumingin ito sa kanya at muntik na siyang mapangiti nang mapansin niyang tila nagpipigil itong tingnan siya nang masama. Bumuga ito ng hangin saka humalukipkip. "Thank you," matipid na sagot nito. Tuluyan na siyang napangiti. "So, you don't like going to the cafeteria?" tanong niya rito. Tumirik ang mga mata nito. "Siyempre gusto ko. Nagugutom na kaya ako. But I don't want to go with him." Umangat ang mga kilay niya. "Suitor?" tanong niya. He hoped his disgust wasn't that obvious. Tumingin ito sa kanya at nalukot ang mukha. "I hope not," sagot nito. Natawa siya. Then before he could control his actions, his knuckles touched her cheek. He just couldn't resist it. She looked so adorable, making a face like that. Mukhang nabigla ito sa ginawa niya dahil tinitigan siya nito habang nakaawang ang bibig. Bumaba ang tingin niya roon at awtomatikong inilayo ang kamay sa mukha nito. Nag-iwas siya ng tingin bago pa siya makagawa ng hindi niya dapat gawin. Tiyempo ring huminto na ang elevator sa floor nito. "Come on. Io-order na lang kita ng pagkain at sa opisina mo na lang ikaw kumain," aniya rito. Nang hindi pa rin ito kumilos ay inilapat na niya ang kamay sa likod nito at bahagya itong itinulak palabas ng elevator. Mukhang natauhan na ito dahil nang nasa labas na sila ng elevator ay muli na siya nitong tiningala. "Hindi mo na kailangang gawin iyan. I don't want to impose on you at kaya ko namang um-order ng sarili kong pagkain. I'm sure you're busy," tanggi nito. Tinitigan niya ito. No way in hell would he let the opportunity to be with her slip by. Nginisihan niya ito. "I insist. Nagugutom na rin ako at mas masarap kumain nang may kasabay. Kailangan ko rin ng break sa trabaho dahil magdamag pa akong on-duty," sagot niya rito. Kumunot ang noo nito. "Magdamag?" Tumango siya at muling hinawakan ang likod nito upang akayin ito patungo sa opisina nito. Alam niya kung nasaan iyon dahil iyon ang una niyang hinanap pagkatapos ng conference meeting nila isang linggo na ang nakararaan. "Hindi tulad ng normal na empleyado, hindi nagtatapos sa paglubog ng araw ang trabaho ng security department. I'm just starting to organize the men under me kaya hindi pa ako puwedeng magpahinga nang mahaba-haba. In fact, I haven't eaten anything the entire day. I'm starving," wika pa niya rito. Muli itong napatingala sa kanya at saglit na may kumislap na kung ano sa mga mata nito. Was that concern? Ngunit bago pa niya masiguro kung ano iyon ay kumurap na ito, inalis ang tingin sa kanya at nagkibit-balikat. "Fine. I owe you one, anyway," sagot nito. Kumawala ito sa pagkakahawak niya at mabilis ang mga hakbang na nagpatiuna sa opisina nito. Naikuyom niya ang kamay na kanina lamang ay nasa likod nito. Kapagkuwan ay napailing siya. Why the hell did he feel disappointed? Sure, he had to admit that he was physically attracted to her. Iyon ay sa kabila ng katotohanang malayo ito sa normal na tipo niyang babae. Still he couldn't deny his physical awareness of her. Subalit ang nakapa niyang pagkadismaya nang malayo ito sa kanya ay iba sa pisikal na atraksiyon niya rito. It was something different and it made him uncomfortable. Huminto ito sa mismong pinto ng opisina nito at muling bumaling sa kanya. "Mr. Smith?" untag nito sa kanya. Ipinilig niya ang ulo at lumapit na rito. "Dillion. You can call me that," aniya rito. Tumaas lang ang isang kilay nito pero hindi nagsalita at tuluyan nang pumasok sa opisina nito. Bahagya na lang siyang natawa sa katigasan nito at sumunod dito. Naabutan nila ang sekretarya nito na bitbit na ang bag at mukhang paalis na. "Ma'am? Akala ko ho ay kakain kayo?" gulat na tanong nito at nagtatakang sumulyap sa kanya. "I was saved by him. Anyway, o-order na lang ako ng pagkain. You can go home na, Tina," ani Jem. Tumango ang sekretarya nito at sinulyapan siya sa huling pagkakataon bago ito umalis. Si Jem naman ay lumapit sa telepono sa mesa ng sekretarya nito at nag-dial. Habang nasa tainga nito ang awditibo ay tumingin ito sa kanya. "Hindi ka pa kumakain, tama?" Tumango siya at namulsa. "Ako dapat ang o-order para sa iyo." Sumenyas ito na para bang sinasabing ito na ang bahala. "Hello? Hannah, it's me. Mag-o-overtime uli ako. Pa-deliver naman ng dinner. For two..." Bigla itong sumulyap sa kanya. Pagkatapos ay bigla na lamang siya nitong pinasadahan ng tingin. Napaderetso siya ng tayo nang maramdaman niya ang tensiyon sa lahat yata ng muscle sa katawan niya sa ginawa nito. "No, for three," anito sa kausap kasabay ng pagsalubong nito sa mga mata niya na para bang tinatanong siya kung tama ba ito ng ino-order. Marahan siyang tumango kahit na wala siyang ibang gustong gawin sa mga oras na iyon kundi ang sunggaban ito. Mabuti na lang at inalis na nito ang tingin sa kanya bago pa nito mabasa ang naglalaro sa isip niya. "Iyong pinakamasarap... Ha? Nandiyan sina Harry? Kaso hindi ako puwedeng magpunta diyan ngayon I still have a lot of work to do... Yes. 'See you. And please pa-deliver agad. Gutom na gutom na ako. Thank you. 'Bye, Hannah," malambing pang paalam nito sa kausap nito. Iyon ang unang beses na narinig niya ito sa ganoong tono. Muling bumalik ang tingin niya rito nang marinig niyang may binanggit itong pangalan ng lalaki. Naibaba na nito ang awditibo. May bahagi niya ang gustong tanungin kung sino iyon pero agad niyang napigilan ang sarili. Kailan pa siya naging pakialamero sa buhay nang may buhay? "Upo ka muna diyan habang hinihintay natin ang pagkain. Nandito na iyon within ten minutes," anito sa kanya bago tumalikod. "Where are you going?" agad na pigil niya rito. Nilingon siya nito. "Magtatrabaho muna ako habang wala pa ang pagkain." Tumaas ang mga kilay niya. "You're not a good host. Hindi mo dapat iniiwang mag-isa ang bisita mo." Tumaas din ang isang kilay nito. "Hindi kita bisita. Basta, do whatever you want. Magtatrabaho muna ako para makauwi ako nang maaga." Pagkasabi niyon ay pumasok na ito sa private office nito. Mabilis na sumunod siya rito. Bago nito maisara ang pinto ay nakalapit na siya rito. Napaigtad ito at tiningala siya. He grinned at her. "Ang sabi mo, puwede kong gawin ang gusto ko. Then I want to stay where I can see you." Umawang ang bibig nito sa pagkamangha. Hindi na naman niya naiwasang mapatitig doon. Naalis lang ang tingin niya sa mga labi nito nang umatras ito at namaywang na para bang magkasintangkad lang sila. "Seriously, bakit mo ba ito ginagawa? Hindi naman tayo close." Tinitigan niya ito at namaywang din. "Do you really want to know why?" seryosong tanong niya. Because he could swear that once she said "yes," he would really show her why he was that persistent about being with her. Wala na siyang pakialam kahit pa malilintikan siya sa kapatid niya. Ilang segundo itong hindi nagsalita at nakipagtitigan lang sa kanya. Pagkatapos ay bigla na lamang itong nag-iwas ng tingin at tuluyang tumalikod sa kanya. "Not really." Napabuga siya ng hangin. "Coward," usal niya. Hindi ito nagsalita ngunit nang nakaupo na ito sa swivel chair nito at nakita niyang namumula ang mukha nito ay napangiti siya. Kampante na lamang niyang ibinagsak ang sarili sa nag-iisang couch na malapit sa pinto at pinagmasdan na lang ito habang nagtatrabaho ito. Hindi siya ang tipo na nanonood nang ganoon sa ibang tao maliban na lamang kung nasa gitna siya ng assignment dahil mabilis siyang mainip. Subalit sa mga oras na iyon ay wala siyang nakapang pagkainip. In fact, he enjoyed every second he was watching her. Lalo pa at halatang naiilang ito sa ginagawa niyang pagmamasid dito. He knew he hadn't been acting like himself ever since he met her. But hell, he didn't care anymore.

When The Love Falls - Maricar DizonWhere stories live. Discover now