Chapter 3

593 13 0
                                    

CHAPTER THREE

NAKALMA na si Jemelyn nang nasa loob na siya ng conference room kung saan gaganapin ang meeting nila. Dahil matagal na siyang nagtatrabaho sa Smith Pharmaceuticals at palagi siyang nakikipag-usap sa board of directors ng kompanya kapag may kailangan siyang i-propose na event ay kilala na rin niya ang mga ito. Habang hinihintay nila ang presidente nila ay isa-isa na siyang binati ng mga ito sa promotion niya. Nasa kalagitnaan siya ng pakikipag-usap sa isa sa board of directors nila nang bumukas ang pinto ng conference room. Natahimik silang lahat at bumaling doon ang atensiyon nila. Pumasok si Wendy Maxwell, ang presidente ng kompanya kasunod ang sekretarya nito. Umayos na silang lahat ng upo dahil inaasahan na nilang magsisimula na ang meeting nila nang may isa pang taong pumasok sa silid. Nabaling dito ang tingin ng mga tao roon dahil sa lakas ng presensiya nito. At hindi pa man niya ito nakikita ay sumikdo na ang dibdib niya sa kakaibang kaba. Kaya nang lingunin na niya ito ay nanlaki ang mga mata niya at muntik nang mawala ang poise nang makita niyang ito ang lalaking nakasabay niya sa elevator. He walked silently and with ease for a huge man and stopped beside their president. Umawang ang mga labi niya nang agad na napansin niya ang pagkakahawig ng mga ito. Tanned lang ang kulay ng balat ng lalaki dahil marahil sa labis na exposure sa araw at di-hamak na mas malapad at mas malaki ito kaysa kay Wendy Maxwell. Ngunit ang hugis ng mga mata ng mga ito at maging ng ilong at mga labi ay halos magkahawig. Hindi pa man nagsasalita si Wendy ay may ideya na siya sa sasabihin nito. "Good morning. Before we start our meeting, ladies and gentlemen, I want you to meet someone. This is my younger brother, Dillion Smith. He just came back from the US and he will be in charge of the security department of the company from now on. I'll tell you the details later pero gusto kong makilala n'yo siya. After all, half of this company is his," anito. Noon lang muling nagkaroon ng ingay at kanya-kanyang bati kay Dillion ang mga taong naroon. Napansin niyang karamihan doon ay kilala na ito. Siya naman ay hindi nagawang kumilos sa kinauupuan. Iginala nito ang tingin sa paligid. Hanggang huminto ang tingin nito sa kanya. Bahagya siyang napaatras nang magtama ang mga mata nila. "There are faces I don't recognize here," anitong hindi inaalis ang paningin sa kanya. Napatingin sa kanya ang mga taong naroon. Nag-init ang mga pisngi niya at abot-abot ang pagpipigil niyang tingnan ito nang masama. "Oh, right. Since you never bothered to stay with the company for long, you don't know any of our new heads of departments. Jem," tawag sa kanya ni Wendy. Tumayo siya at lumapit sa mga ito. Ngumiti siya sa kabila ng pagkailang niya kay Dillion. "Dillion, this is Jemelyn Ambrosio, she's our newly appointed head of marketing and finance," pakilala ni Wendy. "'Good to meet you, Mr. Smith," aniyang inilahad ang kamay. Muntik nang mapakunot ang noo niya nang makita ang kislap ng pagkagulat sa mga mata nito. Hindi ba ito makapaniwalang isa siya sa mga head sa kompanyang iyon? O katulad kanina ay iniisip na naman nito na masyado siyang bata para sa posisyon niya? Mabilis na tinanggap nito ang pakikipagkamay niya. "The pleasure is mine," matipid na sagot nito kasabay ng paggagap sa kamay niya. Malaki at magaspang ang kamay nito at halos lamunin na niyon ang kamay niya. Pakiramdam niya ay kayang-kaya nitong durugin ang mga daliri niya sa isang pisil lang ng kamay nito. Yet, she could feel the gentleness of his grip. Na para bang maging ito ay iyon din ang iniisip kaya maingat ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Mabilis na binawi niya ang kamay dahil tila siya napaso sa init na nanggagaling doon. Inalis niya ang tingin dito at bumaling na lamang kay Wendy na nakamasid sa kanila. Ngumiti siya rito. Tumikhim ito. "Okay, I think it's time to start our meeting," anunsiyo nito. Bumalik na ang board members at department heads sa kanya-kanyang puwesto. Maging siya ay tumalikod na sa magkapatid at bumalik sa silyang inookupa niya. "Have a seat too, Dillion," narinig niyang sabi pa ng presidente nila. Halos mapaigtad siya sa pagkagulat nang may malaking bulto ang humila sa bakanteng silya sa kanan niya at walang anumang umupo roon. Namamanghang napalingon siya kay Dillion. Bakit ito nakaupo sa tabi niya? Bilang co-owner ng Smith Pharmaceuticals, dapat ay nakaupo ito sa tabi ng presidente nila. "Dillion," tawag dito ni Wendy na nakaupo na sa puwestong nakalaan dito. May isang bakanteng silya sa kanan nito. "What? I presume I can sit wherever I want. After all, I'm not here as a boss but as an employee, Mrs. Maxwell," sagot ni Dillion dito na mukhang hindi apektado sa tingin ng mga taong naroon. Mataman itong tiningnan ni Wendy bago ito marahang tumango. "Point taken," anitong bumaling na sa lahat. "Then, let's start." Sa mga sumunod na sandali ay labis na konsentrasyon ang ginamit niya para makinig sa pinag-uusapan. Hindi kasi niya maiwasang ma-distract sa presensiya ng lalaking nasa tabi niya. Lalo na at sa hindi niya mawaring dahilan ay lagi na lamang nagkakabangga ang mga balikat at braso nilang dalawa. Nararamdaman din niya ang madalas na pagtingin nito sa kanya na para bang may nais itong sabihin. Nasa kalagitnaan na ng pagre-report ang isa sa mga department head nang hindi na siya nakatiis. Nakakunot-noong sinulyapan niya si Dillion at nahuli niya itong nakatingin sa kanya. Ni hindi man lang ito kumurap nang magtama ang mga mata nila. Mariing naglapat ang kanyang mga labi. "Why are you staring at me?" mahinang tanong niya rito. Umangat ang sulok ng bibig nito. Na para bang kanina pa nito hinihintay na tanungin niya ito. "I'm just amazed that you're one of the bosses around here. You really do look like a teenager to me," sagot nito sa kaparehong tinig. She gritted her teeth. "Well, sorry to correct you but I am already thirty-one years old. I bet that's what you really wanted to ask," asik niya rito. Kumislap sa amusement ang mga mata nito. "Now, you're the first woman I know na umamin sa edad niya. Usually, kapag malapit nang lumampas sa kalendaryo ang edad ng isang babae ay nahihiya na silang sabihin iyon kahit kanino." Nanlaki ang mga mata niya. "So, you're trying to humiliate me. Is that it?" hindi makapaniwalang usal niya. Lumapad ang ngiti nito. "Actually, no. I'm trying to make you angry. Since our first meeting at the elevator, I kinda took a liking to your angry face," bulong nito na may American twang pa. Umangat ang isang kilay niya. "Just how old are you?" "Thirty-two," bale-walang sagot nito. Naningkit ang mga mata niya. "You sound and act like a teenage brat to me," nakaismid na wika niya rito. Inalis na niya ang tingin dito dahil may nahagip ang pandinig niya na sinabi ng presidente nila na naghuhudyat na patapos na ang meeting nila. "One day I'll show you that I'm very far from a teenage brat," mahina ngunit mariing sabi nito. Muntik nang tumaas uli ang mga kilay niya sa tono nito. Did she hear him right. Was he insulted by what she said? Kung oo ay mabuti nga rito. Nagkamali ito ng akala na dahil maliit siya ay maaari na siya nitong i-bully. D-in-ismiss na sila ng presidente nila kaya agad na siyang tumayo at sa huling pagkakataon ay sinulyapan ito. "Well, suit yourself, Mr. Smith." Iyon lang at lumayo na siya rito. Sumabay siya sa ilang mga head sa paglabas sa conference room. Dahil sa totoo lang, isa si Dillion sa mga tipo ng lalaking ayaw na ayaw niya. Iyong overconfident at akala nakakalaglag ng panty ang lahat ng mga sinasabi at ginagawa. So what if he was extremely good-looking? She hated his attitude. GUSTONG mapailing ni Dillion dahil dalawang beses na siyang napapasunod na lamang ng tingin kay Jemelyn. Ngayon ay sigurado na siyang hindi nga ito kasimbata ng una niyang akala. But now that he knew that, he couldn't resist the growing interest he felt towards her. Lalo na ngayong napagsalita na niya ito nang mas mahaba kaysa noong nasa elevator sila. Isa pa ay humahanga siyang naging head ito ng isa sa mga department doon kahit pa hindi ito konektado talaga sa kompanya. Halos lahat ng boss doon ay kung hindi nila pinsang-buo ay malayong mga kamag-anak. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang interes na nararamdaman niya at sa totoo lang ay wala siyang balak alamin kung bakit. Naalis lang ang tingin niya sa pinto ng conference room nang maramdaman niya ang bahagyang suntok sa balikat niya. Napatingala siya kay Wendy. Nakataas ang mga kilay nito. "It's your first day here, Dillion. Behave, okay?" nanenermong sabi nito. "What did I do?" painosenteng tanong niya. Nanlaki ang mga mata nito at muntik na siyang matawa ngunit napigilan niya ang sarili. "Do you really want me to spell it out to you? You were flirting with an employee on your first day! At si Jem pa. You must be out of your mind if you think I will tolerate that, brother." The way she said that got his attention. "Kanina ko pa napapansin that you call her by her first name hindi gaya ng pagtawag mo sa iba. Are you close to her?" curious na tanong niya. Lalong tumaas ang kilay nito. "We're friends. At bukod doon ay isa siyang asset sa kompanya. She's not the usual woman you'd keep hanging throughout your life. I don't want you to drag her into any of your shenanigans, do you understand me?" patuloy na sermon nito. Napailing siya. "What do you mean shenanigans? I don't have shenanigans," aniya rito. "Yes you have." Itinirik nito ang mga mata. "Fine, let me say this bluntly, okay? Jem is a respectable woman. Hindi lang dahil career-driven siya kundi dahil ganoon talaga ang karakter niya. Base sa nakita ko kanina ay interesado ka sa kanya. Hindi mo na kailangang i-deny sa akin iyon dahil masyado kang obvious when you are interested with someone, Dillion. At alam ko rin kung hanggang saan lang ang lebel ng interes mo sa babae. I'm telling you, don't even think of making a pass at her if your intention is just to play around. Siya ang tipo ng babaeng pinapakasalan muna bago ang lahat ng alam kong naglalaro sa utak mo kapag nakatingin ka sa babae. I don't want you to ruin her. Hindi niya pinangalagaan ang moralidad niya sa loob ng mahabang panahon para lamang mapaglaruan mo, maliwanag ba?" seryosong sabi nito. Natigilan siya sa mga sinabi nito. Hindi dahil nasaktan siya sa mga sinabi nito na matagal nang walang epekto sa kanya, kundi sa nabuong konklusyon sa isip niya. "Wait a minute. Don't tell me she's still a virgin at that age?" namamanghang tanong niya. Umasim ang mukha ng kapatid niya at bigla siyang hinampas sa braso. Napaigtad siya. "Huwag mong sasabihin iyan sa harap niya. She's conservative. Well, at least alam mong hindi mo siya dapat salingin." Saglit na napaisip siya habang nakatingin siya sa seryosong mukha ng kapatid niya. "So, if I touch her, do I have to marry her?" tanong niya para lang inisin ito. Dumilim ang mukha ni Wendy bago ito humalukipkip. "No. It's the other way around. You have to marry her if you want to touch her." Natawa siya sa sinabi nito. Malamang nag-o-overreact lang ang kapatid niya. Sa tingin niya ay wala pa lang nakilala si Jem na lalaking magpapagising sa sensuwalidad nito kaya may ganoon itong delusions. Once she learned that being with a man was a very pleasing experience, whether married or not, he was sure she would change her mind. "Seryoso ako, Dillion. Malilintikan ka talaga sa akin," banta pa ng kapatid niya. Pinilit niyang pigilin ang pagtawa at tumayo na. "Yeah, yeah. Wala akong gagawing ikagagalit mo," sagot na lang niya rito. Ilang segundo ang lumipas bago ito bumuntong-hininga. "Mabuti nang nagkakaintindihan tayo. Well, it's not that she'd fall for your flirtations anyway," tila bale-walang sabi nito at akmang lalabas ng conference room. Napakunot-noo siya. "What do you mean by that, sister?" habol niya rito. Lumingon ito sa kanya at bigla pang ngumiti. "Bigla ko lang naalala na nagkausap na kami dati tungkol sa personal na buhay naming dalawa. I remembered that you're the type of guy she hates the most. Kaya wala akong dapat alalahanin sa side niya. Well then, Dillion, have your ass to work." Iyon lang at iniwan na siya nito roon. Kung alam lang nito kung ano ang naging epekto ng mga sinabi nito sa kanya, siguradong magsisisi itong sinabi pa nito ang mga iyon. "Nakalimutan mo na yata, my dear sister, I never back down on a challenge. And you just gave me one," nausal niya bago sumunod dito.

When The Love Falls - Maricar DizonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt