Page 5

24.8K 627 92
                                    

Chapter 5

"Someone's searching for me Judith?!"

Kaagad kaming natigil sa pagtatalo dahil sa sigaw na iyon at wala pang isang minuto ay may lalaki nang tumatakbo papalapit sa amin.

My eyes settled with a guy who's catching his breath approaching us.

He is still wearing an apron but I swear to god, I must be in heaven! Is this Achilles?!

The way he ran, para siyang nasa runway. He is tall at may chinky eyes! Alam mo iyong cute pero sobrang manly pa rin?

Sobrang gwapo naman ng pinsan ni Judith?!

Ang asim tignan ni Judith pero mukhang mabango ang pinsan niya!

As expected from a character sa isang fantasy noble. Kung ganito siguro ang mukha ni Gulliver makakalimutan ko lahat ng galit ko sa kaniya.

At kung ganito ba naman ka ganda lahat ng character ay baka hindi na ako makabalik. Charot lang, baka may makamiss sa akin sa mundo ko kailangan kong bumalik doon no!

"Hugo! Ayusin mo ang tono ng boses mo! The Duchy is here!"

I can feel how controlled Judith's voice is, halatang pinipigilan ang inis dahil sa inasta ng pinsan niyang si Hugo. Alam kong kating-kati na si Judith na pagbuhatan ng kamay ang pinsan niya pero nanatili siyang nakatayo nang kalmado.

I observed how Hugo will react but to my surprise, he just raised his brows to Judith and me? Wait, me?

I blinked, I did not expect that. Bakit nito ako tinatarayan?

"Hoy Judith! Wala akong pakialam. At excuse me? Type mo ba ako?" he's obviously pertaining at me.

Kung pwede lang sigurong lumuwa ang mga mata ko ay nalaglag na sila kanina pa.

"Putangina Hugo! Sabi ko na nga ba! Gaga ka pa rin! Duchess patawad po—"

Hindi ko mapigilang matawa nang malakas dahil sa nasaksihan. Nalimutan ko na ang gulat ko.

I was pretty surprise but this one is hilarious! Alam kong kabastusan ang inasta ng dalawang ito pero wala naman akong pakialam, I am not Erin!

"Yeah, you're handsome. Parang mas ikaw na ang gusto kong pakasalan."

Rinig na rinig ko ang oa na singhap ni Judith pero ang hindi ko inaasahan ay ang pag-asim ng mukha ni Hugo!

Don't tell me?!

"Hoy, hindi tayo talo!"

Allergic nga sa babae.

Pero seryuso?! Ang gwapo talaga niya!

"Eh? Okay."  kibit balikat kong sagot sa kaniya.

Ayaw niya, edi don't. Malaking kawalan naman ako para sa kaniya.

Judith was both looking worried and confused, dahil siguro wala akong kahit anong reaksyon. Ahh, I get it.

Having genders like that are still taboo in this novel.

Ano bang ineexpect niyang irereact ko? Parehas lang naman kaming tatlong tao, mabuti sana kung bulate si Hugo.

"Ano nga po pa lang sadya niyo sa akin?"

Napataas ang kilay ko dahil sa mapangahas nitong tanong sa akin, he did not even adressed me with respect or doing his greetings. Wala naman akong pakialam doon pero hindi ko lang inaasahang ganito ang pinsan ni Judith. Hugo's chracter is unknown in the novel after all, nabanggit lang na pinsan siya ni Judith.

At umaasta ito na para bang wala siyang sinabing kung ano sa akin!

"I have a proposal to make."

My forehead  creased when he gasp exaggeratingly.

Rebirth of the Southern Duke's WifeWhere stories live. Discover now