Page 29

18.8K 520 46
                                        

Chapter 29

"I heard what you've done."

Napataas ang kilay ko sa narinig mula kay Frederik. "Ang kambal ang nagsabi."

"Bakit? Ano'ng magagawa mo ngayon eh tapos na 'yon." May panghahamong tanong ko sa kaniya.

I am expecting me to talk back but he did the opposite. "Okay, it's nice seeing you dress like that. Mukha ka ng tao."

Mukhang tao?!

I look at him, offended. "Excuse me? Hoy Frederik, baka lang kamo iisa tayo ng stylist? Bwesit ka, wala kang discount sa mga business ko."

"Uh General Leondale. We warn you for your tone while speaking in front of our King."

Awtomatikong tinikom ko ang bibig ko dahil sa pagsuway sa akin ng butler ni Frederik pero mas lalo lang dumilim ang paningin ko dahil nginisian ako ng lalaki.

Nang-aasar pa talaga?

Currently, nasa harapan kami ng pintuan ng silid kung saan gaganapin ang reception ng kasal nina Gulliver at Empress Flora.

Frederik is wearing his royal clothes and crown of course while I'm just wearing a simple Halter Dress, ayaw kong magsuot ng ball gown dahil papahirapan ko lang ang sarili ko.

Nasa likuran lang ako ni Frederik at papasok na yata siya. Kasabay kase ng kasal kanina ay ang pagiging opisyal na hari niya.

Frederik isn't hungry for power, dahil kung tutuusin he can be the Emperor pero hindi na niya iyon ginawa.

Kaagad akong umayos ng tayo nang buksan na ng knights ang pintuan kasabay ng pag-announce ng arrival ni Frederik.

Everyone was bowing their heads except for the Empress and the new Emperor. Kaagad sinundan ko ng lakad ang hari noong pumasok na siya.

The reception is very extravagant, the team who's behind this is really excellent. Malalaman at malalaman mo talagang Empress at Emperor ang ikinasal dahil mas bongga pa ang design nila dito kaysa sa palasyo ni Frederik.

Taas noo ako't hindi bumaba ang tingin ko sa mga tao kahit pa nagtama na ang mga mata namin ni Gulliver. I maintained my face's expression even though my soul is probably laughing seeing how I caught him off guard.

He's there beside with his new wife, standing like a post while his eyes, it's the first time I saw him making a face like that.

Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat at nakaawang ang kaniyang bibig habang hindi tinatanggal sa akin ang nakalulunod nitong tingin.

He look confused as hell too.

This guy, I really knew he fell. Tanga kase, mahal mo pala si Erin hindi mo pa iningatan!

Dumireto kami ni Frederik sa kanila kaya noong makalapit kami ay kaagad ibinalik ni Gulliver ang mukha niya sa dati.

I and Frederik bowed our heads to greet the two, hindi ko na mapigilang mapakunot noo dahil ramdam ko pa rin ang tingin nito.

Siguro kung pwede lang akong malunod sa titig niya ay kanina pa ako namatay.

"Greetings, Emperor and Empress. I the King congratulate both of you in your wedding. I hope you two will stay in love together forever. I'm happy for you sister." maikling pagpapahayag ni Frederik ng kagalakan niya sa kasal ng kaniyang kapatid.

The Empress smiled widely and she hug his brother. "I told you not to act like that! We're siblings!" the Empress sounded sulky.

Pero ang asawa nito sa gilid ay parang poste lang na nakatayo at malagkit ang tingin sa akin.

Rebirth of the Southern Duke's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon