Chapter 32
"Okay na ba sa 'yo iyong susuotin mo mamaya?" tanong sa akin ni Judith matapos ipakita sa akin ang gown at sandals na susuotin ko para sa royal hearing o pagtitipon ng lahat ng nobles sa main palace mamaya.
I gave her my thumbs up at narinig ko na lamang ang buntong hininga niya.
"Bakit ayaw mo bang matulog sa taas at dito ka pa nakahiga sa sofa. Kumakain ka pa ng pop corn. Get a rest!" napapikit na lang ako sabay subo ng popcorn sa bibig ko.
"Pagod ako pero walang makakatalo sa gutom!" sigaw ko bigla kaya napailing na lang siya sa akin.
Naku kahit anong pagod mo kung gutom ka? Magugutom ka talaga! Pagod-pagod, importante may laman ang tiyan!
Magsasalita pa sana si Judith pero kaagad naudlot iyon dahil may lalaking bigla-biglaang pumasok at dinaanan lang si Judith atsaka dumiretso sa akin at walang pasabing hinablot ang pop corn ko't prenteng umupo sa sofa.
"Wow, bahay mo?" halos hindi maipinta ang mukha ko noong sinabi ko iyon kay Hugo na sobrang feel at home.
Gagong 'to, parang bahay niya lang ah.
"Judith, wala ka bang dessert diyan? Juice na rin, thanks!" at kinindatan pa niya ang pinsan.
Binato naman sa kaniya ni Judith ang isang throw pillow pero nasalo iyon ni Hugo.
"Bakit ka nandito?" tinatamad kong tanong.
Binalik niya sa akin ang pop corn. "May itatanong lang."
My forehead creased. Pumunta pa talaga siya dito sa bahay dahil may itatanong lang? I doubt it, dahil kung ganiyan ang case ay edi sana he asked me through letters.
Siraulong 'to, may kailangan siguro to o ano.
"Single ba si King Frederik?"
Awtomatikong napangiwi ako at mas lalo lang sumama ang mukha ko dahil umarte pa siyang kinikilig sa harapan ko't may pa ayos-ayos pa ng buhok.
"Gago! Ano nga ang kailangan mo?!" pag-uulit ko sa tanong ko.
Halos sipain ko na ang mukha niya dahil nagbeautiful eyes siya sa akin.
"Si King Frederik nga."
"Hindi papatol sa 'yo 'yon." deritsahang sabi ko't umakto siyang nasasaktan.
"Shuta, hindi mo sure." inirapan ko na lamang siya.
"Hindi iyon mahilig sa aso."
At nakatanggap ako ng hampas galing sa kaniya pero kumain lang ako ng pop corn dahil mas masakit pa nga ang kagat ng langgam kumpara sa hampas niya.
Sakto namang dumating na si Judith at inilapag sa mesa ang cake at juice nitong dala.
Hindi ko rin 'to maintindihan si Judith eh, she can let other servants do that pero gustong-gusto talaga niyang siya ang gumagawa.
"Seryuso na Hugo, ano na?" my bahid na inis na tanong ko sa kaniya kaya naman ay sumeryuso na siya.
Umupo naman si Judith sa kabilang sofa at kinain ang cake habang nanonood sa amin ng pinsan niya.
"Bakit ang spelling ng lock ay l o c k? Di ba pwedeng lak or lac na lang?"
Kaagad kong binalingan ng tingin si Judith. "Judith pauwiin mo na 'tong pinsan mo. Hindi naman lasing pero mukhang may hangover."
Hugo is still fooling around kaya hindi ko mapigilang mainis.
"Seryuso na, I am bored okay? Wala akong magawa sa bahay and in restaurants too."

BINABASA MO ANG
Rebirth of the Southern Duke's Wife
FantasyA woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Completed Date Ended: June 24, 2024