Imbes na matakot si Evor ay nakaramdam siya ng kasiyahan. Hindi siya makapaniwala na makakaharap niya ang isang bandidong ito.
Susubukan niya ang potensyal ng nasabing bagong summon niya.
Mabilis na kinuha ni Evor ang Summoner's ball niya sa tattoo niya mismo at inihagis ito sa ere.
Umilaw ng napakalakas at kitang-kita ang napakalaking magic circles sa ere na kulay lila.
Kitang-kita kung paano'ng lumitaw ang dambuhalang kulay lila na dragon na siyang ikinagimbal ng mga bandido.
Halos laglag-panga ang mga ito sa kanilang nakikita.
Halos apat na beses lang naman ang laki ng dragon na ito sa dambuhalang uwak nila.
Bago pa man makaalma ang mga bandido sa panandaliang intimidasyon dahil sa dambuhalang dragon ay umatake na si Evor.
Gamit ang napakalaking kamay na mayroong nagtatalimang kuko ng dragon ay mabilis na inatake nito ang nasabing napakapangit na wangis ng uwak.
BANG!
Sumabog ang katawan ng nasabing uwak dahilan upang sumuka ng napakaraming dugo sa kanilang bibig ang mga bandido.
Akala ni Evor ay lalaban pa ang mga ito ngunit kitang-kita niya kung paano'ng nabahag ang buntot ng mga ito at isa-isang nagsialisan.
Kitang-kita niya pa ang takot na takot na mga mukha ng mga ito.
Nang maka-alis ang mga ito ay hindi na siya nagtangkang habulin pa ang mga ito. Sigurado siyang natakot na ang mga ito.
Maya-maya pa ay bumalik sa dati ang anyo ng nasabing summon niya na isang Blue Sea Serpent.
Hindi na siya mahihirapan na takutin ang mga duwag na mga kalaban niya.
Dahil sa replication at cloning ability ng Summon niyang ito ay kahit na ang kalahating lakas ng isang dambuhalang dragon ay maaari niyang magamit.
Kalahating lakas pa lamang iyon ng isang dragon, ano pa kaya ang aktuwal na lakas ng isang dragon?
Maya-maya pa ay nakita ni Evor sina Zen at Zero na patungo sa kaniya habang nakasakay sa Water Cloud Bear ang mga ito kasama ang mga nakatali pang mga bihag.
Mabilis na sinabihan ni Evor na magmadali sila na umalis.
Kahit na takang-taka ang magkambal dahil wala silang naabutan sa ere liban na lamang sa isang malakas na pagsabog ay wala na silang napansin na kakaiba.
Nakita rin nilang humahangos papaalis ang ibang mga miyembro ng Ghost Metal Bandits na akala mo ay may kinatatakutan ang mga ito.
Imbes na mang-usisa ang magkambal ay nanahimik lamang sila sa isang tabi kasama ang mga naisalaba nilang mga bihag at si Evor.
Isa pa ring malaking palaisipan kung paano natalo ni Evor ang mga bandidong iyon.
Magkagayon pa man ay pasalamat sila at nakaligtas sila at walang sinuman ang napinsala ng malubha sa kanila maging ang mga naisalbang mga bihag ng mga bandidong iyon ay nasa maayos ding kalagayan.
...
Simula din ng araw na iyon ay naging magkaibigan ang magkambal at si Evor. Kadalasan na silang nagsasama-sama at magka-batch lang sila.
Mabuti lamang at pwedeng mag-adjust ng mga schedule at tila naging malapit rin siya sa mga ito.
Ang magkambal na si Zen at Zero ay masasabi ni Evor na malalakas din. Sabay na rin sila mag-ensayo dahil magkaklase na sila sa bawat subjects na pinag-aaralan nila.

YOU ARE READING
Azure Dragon Academy [TUA 3] ᎶᎧᎴᏝᎩ ᏕᏋᏒᎥᏋᏕ #1
FantasyMabilis na lumipas ang araw at naiisipan ni Evor na ipagpatuloy ang pagsasanay at pagpapaunlad ng sarili niya sa pamamagitan ng pag-aaral sa Azure Dragon Academy ngunit may problema, there's only a limited chance na matanggap siya sa loob ng prestir...