Mabilis namang sinundan nina Evor, Zen at Zero ang nasabing summon na si Zhaleh.Ilang taon din bago nila mabisitang muli ang Thunder God's Mountain.
Upang mapabilis ang kanilang paglalakbay ay agarang pinalabas ni Zen ang summon nito ang nasabing Water Cloud Bear.
Gamit ang nasabing summon ay naging maayos ang pagpunta nila sa Thunder God's Mountain.
Nang marating na nila ito ay kitang-kita nilang tatlo na nasa gitna nang nagtataasang Boulder ito at tila nakalutang pa na animo'y nagpapalakas.
Hindi lubos maisip ni Evor na nagkaroon na ng buong kontrol ang summon niyang si Zhaleh.
Mabuti rin iyon kaysa namatay sila kanina. Talagang hindi niya inaasahan na sasali ang ginang sa laban nila.
Hindi na naghintay si Evor na makalapag sila sa lupa.
Mabilis niyang ibinato ang Summoner's ball niya at lumabas mula rito ang fire fox niya na nasa human form.
Biglang nagliwanag ang katawan ni Evor at lumutang ito sa ere at tinawid nito ang distansya niya mula kay Zhaleh.
Hindi pa nakontento si Evor at mabilis niyang ibinato ang isa pang Summoner's ball niya.
Sa isang iglap ay umalpas mula rito ang Blue Sea Serpent na summon niya.
SHRRRIIIIIEEEEKKKKK!!!
Umatungal ng napakalakas ang Blue Sea Serpent at nagpakawala ito nang malakas na Water Ball patungo sa kinaroroonan ni Zhaleh.
Mabilis na tumingin ito sa Blue Sea Serpent at nagpakawala ito nang napakalakas na kidlat.
BANG! BANG! BANG!
Muntik nang napinsala ang Blue Sea Serpent ngunit mabilis itong nagtrasform bilang isang Colossal Earth Tortoise.
Gumawa ito nang nagkakapalang pader na gawa sa lupa dahilan upang ito ang mangawasak at sumabog.
Isa itong pagkakataon upang sumali sina Zen at Zero na sabay na nagbato nang kani-kanilang Summoner's ball.
Naniniwala silang magagawa ni Evor na ma-fully bind muli ang malakas na summon nito.
Alam nilang kailangan nilang i-fully drain ang enerhiya nang summon na ito upang bumalik ito sa pagiging Summoner's ball.
Mukhang nanghihina na rin ito at maya-maya lamang ay maaari na itong hulihin ni Evor.
Mabilis na nagmaterialize ang nasabing summon nang magkambal na Arrowed Witch at ang Metallic Armored Soldier na siyang pinakamalakas na summon nilang dalawa.
Handa na silang makipagtunggali laban rito.
Mabilis na pinag-fused ng magkambal ang kanilang summons at naging Ice and Fire Killer Witch ito.
Lumipad ito sa ere at tinawid ng fused summon ng magkambal ang distansya nito kay Zhaleh.
Nagkaroon nang malalakas na batuhan ng pisikal na atake maging ng abilidad ang dalawang naglalaban na summon.
BANG! BANG! BANG!
Kapansin-pansin na hindi makasabay ang fused summon nang magkambal kay Zhaleh.
Kitang-kita na nagtamo ng malalakas na mga pinsala sa katawan ang Ice and Fire Killer Witch idagdag pang nasa teritoryong pabor kay Zhaleh ito.
BANG!
Kitang-kita na napatalsik sa malayo ang Ice and Fire Killer Witch nang binigyan ito nang isang malakas na flying kick ni Zhaleh.
*Crack! *Crack! *Crack!
Kitang-kita ang mga bitak-bitak sa armor nang nasabing killer witch indikasyon na natatalo na ito.
Hapong-hapo naman ang magkambal na sina Zen at Zero matapos ang intense na laban na iyon. Talagang hindi nila inaasahang sobrang lakas pa rin ng summon ni Evor.
Hindi nila alam kung maniniwala silang sa Summoner's river lamang ito ng binatang si Evor ngunit wala naman silang nakikitang bagay na nagsisinungaling ito.
Nanlaki ang mga mata nila nang subukan ni Evor na i-fuse ang sarili nito sa fire fox nito. Napakadelikado nito lalo pa't bago lamang nagkaroon ng human form ang summon beast nito.
Alam nilang hindi nila mapipigilan ang binatang ito. Si Evor talaga ang masasabi nilang monstrous genius nang Azure Dragon Academy.
Kakaiba ang mga summon nito at talagang nagagawa nitong i-summon ang mga ito ng sabay-sabay.
Summon Fuse!
Nagliwanag ang buong katawan ni Evor kasabay nito ang pagbabago ng buong katawan nito lalong-lalo na ang buhok nito na naging kulay pula at tila umaapoy.
Nagkaroon din ng mga fire Symbols sa katawan nito.
Halos manlaki naman ang mga mata ng magkambal.
Tagumpay!
Makikitang masaya ang magkambal sa naging matagumpay na fusion ni Evor sa summon nito. Nagawa nitong posible ang imposible.
Kapansin-pansin din ang Fire Fox Sword na hawak ng binatang si Evor.
Ito ang resulta ng matinding pokus at pagsasanay ng binata sa summon nito.
Biglang nanlaki ang mga mata ng mga ito nang mapansing nagpalit ng anyo ang Blue Sea Serpent na summon ni Evor bilang isang armor at dumikit ito sa katawan nito.
Sa isang iglap ay narating ni Evor ang kinaroroonan ni Zhaleh at mabilis na nagpalitan ang mga ito nang malalakas na atake.
BANG! BANG! BANG!
Nagkaroon ng malalakas na pagsabog dulot ng matinding banggaan ng mga kidlat at mismong Fire Fox Sword na hawak-hawak ni Evor.
Kitang-kita na hindi nagpadaig si Evor at ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagkawala ng mana niya sa katawan.
Kailangan niyang tapusin ang labang ito sa lalong madaling panahon kung hindi ay sigurado siyang makakahanap ng paraan si Zhaleh upang makatakas sa kaniya.
May rason kung bakit gustong ipakuha ni Tribe Leader Dirk Arden ang summon nito nang siya mismo.
BANG! BANG!
Kitang-kita ni Evor kung paano niya napinsala si Zhaleh sa likuran nito dahilan upang mapaatras ito at magpakawala ng maraming boltahe ng mga kidlat sa kinaroroonan niya.
BUZZ! BUZZ! BUZZ!
Mabuti na lamang at matagumpay na naiwasan ni Evor ang mga ito.
Mabilis na nawala si Evor sa pwesto nito at agad na nakapunta sa likuran ni Zhaleh dahilan upang magkaroon siya ng pagkakataon upang ilabas ang Summoner's rope.
Agad na ginamit niya ang pambihirang lubid upang mahuli niya ang leeg mismo ni Zhaleh.
SHRRRIIIIIEEEEKKKKK! SHRRRIIIIIEEEEKKKKK!
Nagpakawala pa ito ng ingay ngunit hinigpitan ni Evor ang pagkakahawak ng tali sa leeg ni Zhaleh.
Nagpupumiglas pa ito ngunit ito na ang hinihintay na pagkakataon ni Evor upang ma-bind niya ang nakaalpas na summon niya.
FULLY BIND!
Agad na niluwagan ni Evor ang tali ni Zhaleh matapos niyang mamarkahan ang nasabing summon niyang ito.
Kitang-kita na tila hindi na ito nagpumiglas pa at ilang segundo lamang ang nakalilipas ay naging Summoner's ball na ulit ito.
Agad namang sinalo ito ni Evor at inilalagay sa summoner's tattoo niya.
Kitang-kita naman ang saya sa mukha ng magkambal at narinig nilang nagpasalamat si Evor sa naging tulong nila rito.
Dito ay napansin nilang napagod sila sa pakikipaglaban.
Gamit ang Water Cloud Bear ay maayos silang nakauwi sa Arden Tribe habang bakas ang mga ngiti nila sa labi.

YOU ARE READING
Azure Dragon Academy [TUA 3] ᎶᎧᎴᏝᎩ ᏕᏋᏒᎥᏋᏕ #1
FantasyMabilis na lumipas ang araw at naiisipan ni Evor na ipagpatuloy ang pagsasanay at pagpapaunlad ng sarili niya sa pamamagitan ng pag-aaral sa Azure Dragon Academy ngunit may problema, there's only a limited chance na matanggap siya sa loob ng prestir...