Chapter 2.5

268 28 5
                                        

Nagkatinginan ang magkambal at si Zero na ang nagsalita.

"Muntik na namin silang matalo noon kaya labis ang galit ng mga ito. Naging tie lamang ang laban noon ngunit dahil may mataas na katungkulan ang mga magulang ni Zaphira ay sila ang pinili upang maging estudyante ng Solarium Academy."  Seryosong sambit ni Zero habang nakatingin kay Zen.

"Kaya nga iwas na iwas kami sa mga iyon at dahil din sa kanila kung bakit mayroon kaming di kaaya-ayang reputasyon sa aming tribo. Tanging ang mga elders lamang ang kumakausap sa amin. Hindi lang daw namin matanggap na hindi kami ang ipinadala sa Solarium Academy ngunit hindi naman iyon totoo. Sadyang ipinagkait lang samin ang karangalang iyon." Sambit ni Zen habang makikita ang lungkot sa boses nito.

"Wala kaming laban sa mga magulang ni Zaphira, Evor. Nabuhay kaming walang mga magulang ngunit hindi kami pinabayaan ng mga elders. Isa rin iyan sa kinaiinggitan ng dalaga sa amin maging ang dalawang pinsan nitong kasama nito." Sambit ni Zero.

Ngayon ay malinaw na kay Evor kung bakit iwas sa kanila magkambal ang mga katribo nila. Kahit siya ay nahabag rin sa mga ito.

Ngunit agad na natigil ang kanilang usapan nang mapansin nilang tatlo ang tatlong nilalang na parating sa kanilang direksyon.

"Hmmm... Nandito lang pala kayo Zen at Zero. Hindi mo man lang ba ako babatiin sa aking pagpunta rito sa tribo natin. Masama yun..." Nakangiting wika ng magandang dilag na kung hindi nagkakamali si Evor ay Zaphira ang pangalan nito.

Nagmistulang walang kibo ang magkambal at nagbigay-galang ito sa pamamagitan ng kanilang traditional hand gesture.

"O sino ba ang kasama niyo? Hmmm... Ako nga pala si Zaphira at ito ang mga pinsan ko,  si Jack at Gregory." Sambit ni Zaphira at nakatuon ang atensyon nito kay Evor na animo'y kinikilatis nito ang binata.

"Ikinagagalak ko kayong makilala. Evor nga pala." Sambit ni Evor at ginawa rin ang hand gesture na siyang ginagawa rin ng magkambal kapag nakikipag-usap sila upang nagbigay-galang.

"Ipinapatawag kayo ng Elder ngayon din kaya sumunod kayo." Sambit ni Zaphira sabay talikod. Halatang wala itong respeto sa kausap nito.

Tumalikod na rin ang dalawang pinsan nito upang sundan ito.

Sumunod na rin sina Zen, Zero at Evor. Halata ni Evor na hindi komportable ang dalawa sa sinabing ito ng Zaphira na iyon.

....

Kasalukuyan silang nasa malawak na field ng tribo nila.

Hindi makapaniwala ang magkambal sa kanilang nakikita. Kitang-kita ang inis sa mukha ng mga ito na halatang nagpipigil lamang.

"Ano pang ginagawa niyong tatlo diyan? Hindi ba't nagmakaawa ka sakin Zen kanina na magkaroon tayo ng rematch?!" Nakangiting turan ni Zaphira na animo'y nagbabait-baitan naman sa lahat.

Nagulat si Evor sa sinabing ito ng dalaga lalo pa't saksi siya sa kaganapan kanina.

At bakit ngayon pa ang rematch kung kailan huli na ang lahat diba? Kapwa nag-aaral ang mga ito sa magkaibang paaralan.

Mukhang hindi lamang siya ang nagulat kundi ang mismong magkambal.

Magkagayon man ay magalang na sumang-ayon ang dalawa kahit ramdam ni Evor na hindi naman ito bukal sa loob nina Zen at Zero.

Habang papasok sila sa loob ng field ay hindi mapigilan ni Evor na magtanong kay Zen at Zero.

"Bakit kayo pumayag sa rematch na ito, Zen? Zero?" Untag na tanong ni Evor dahil maski siya ay naguguluhan na.

"Ano pa nga ba, kundi ipahiya kami sa harap ng mismong tribo namin. Ano'ng magiging laban namin o natin sa tatlong ito? Masyadong malakas ang bawat estudyante ng Solarium Academy. Ang rematch na ito ay walang kabuluhan ngunit hindi kami pwedeng tumanggi matalo man o manalo." Seryosong sambit ni Zero habang bakas ang namumuong pawis sa noo nito.

Tahimik lamang si Zen at bakas sa magkambal na mukhang matatalo na talaga silang tatlo.

"Wag kayong panghinaan ng loob lalo pa't estudyante tayo ng Azure Dragon Academy. Palagi mang panalo ang sinasabi niyong Solarium Academy ngunit hindi naman ibig sabihin nun ay matatalo tayo sa rematch na ito hindi ba? Nakalimutan niyo atang dalawa na plano pa nating maging reserve members ng Azure Dragon Academy noh!" Masiglang saad ni Evor upang palakasin ang loob ng magkambal. Ano pa't hindi sila makakatanggi dahil tribe tradition nila ito at kung matalo man sila atleast ginawa nila ang lahat upang manalo.

Ano naman kung nag-aaral ang makakalaban nila sa Solarium eh nga baguhan rin lang naman ang mga ito katulad nila. Hindi rin reserve members ang mga ito at kung tutuusin ay wala pang napapatunayan ang mga ito.

Gumuhit naman ang mga ngiti sa labi ng magkambal at napatango na lamang.

Napangiti na rin si Evor lalo pa't kaibigan na rin niya kung maituturing ang magkambal na ito. Sino siya para husgahan ang mga ito at masasabi niyang mabuti ang puso ng mga ito. Hindi kagaya ng makakalaban niya, mala-anghel man ang mukha ngunit masama naman ang pag-uugali.

Naningkit naman ang mga mata ni Zaphira nang mapansin na tila nabuhayan ng loob ang magkambal.

Nagpigil naman siya ng kaniyang inis nang makitang masaya ang dalawang ito.

Ipapakita niya sa mga ito na siya ang pinakamalakas sa tribo at hindi siya mapapantayan ng sinuman lalo na ng magkambal na sina Zen at Zero.

Naiinggit siya sa mga bagay na meron ang magkambal na ito. Akala niya ay nagtagumpay na siya lalo na noong makapasok siya sa Solarium Academy ngunit bigo pa rin siya lalo na't ang magkambal ay parehong nakapasok sa AZURE DRAGON ACADEMY.

Isang mortal na kaaway ng akademyang iyon ang Azure Dragon Academy. Sinasabing mayroong malalakas na estudyante ang ipapambato nila sa susunod na School Competitions.

Hindi lamang niya maipagmamalaki na natalo niya ang magkambal na ito kundi maipagmamalaki niya ring natalo niya ang estudyante ng Azure Dragon Academy.

Siyempre, makakaagaw siya ng atensyon ng paaralan nila.

Magkaharap na sila ngayon at magkakaalaman na kung sino ang siyang magwawagi sa kanila.

Mabilis na ibinato ng magkambal na sina Zen at Zero ang mga familiar nila.

Lumitaw ang Arrowed Witch at ang Metallic Armored Soldier na siyang pinakamalakas na summon nilang dalawa.

Napangiti naman si Zaphira sa kaniyang nakita. Anong laban ng mga ito sa summon niya?

Mabilis na nagbato sina Jack at Gregory ng kanilang Summoner's ball.

Biglang lumitaw ang Colossal Black Centipede na siyang summon ni Jack at isang Green Tortoise naman kay Gregory.

Walang ano-ano pa ay biglang inihagis ni Zaphira ang Summoner's ball niya kasabay nito ang palihim na pagngisi nito na hindi nakatakas sa mata ng magkambal at ni Evor.

I summon you, Arteous!

Biglang lumitaw ang isang dambuhalang pigura.

Isang humanoid creature na mayroong hawak na  malaking palakol na naglalabas ng napakaraming boltahe ng kidlat.

Ngunit pansin niyang hindi man lang nagbago ang seryosong ekspresyon ng magkambal na siyang ikinainis ni Zaphira.

"Tapos ka na ba binibini? Ito naman yung akin!" Nakangiting saad ni Evor dahilan upang mapatingin sa kaniya si Zaphira.

Malakas na ibinato ni Evor ang Summoner's ball niya sa ere.

Nagtaka ang lahat nang mapansing tila tuloy-tuloy itong lumayo at pumasok sa kaulapan.

I summon you, Zhaleh!

Simpleng sambit ni Evor.

Ilang segundo ang nakalilipas ay walang nangyari na siyang ikinatawa naman ng mga nanonood ng laban lalong-lalo na si Zaphira na animo'y kinabahan noong una ngunit nawala bigla.

Ngunit maya-maya pa ay nakita nila ang malakas na pagkulog at pagkidlat sa mismong himpapawid nila.

Biglang nahawi ang kaulapan at lumitaw ang isang ubeng humanoid creature na nakalutang sa ere.

Thunder-type Summon!

Halos mahintatakutan sila sa kanilang nakikita lalo na nang mapansin ng lahat ng tila nagkakaroon ng malalakas na pagkidlat sa mismong Thunder God's Mountain.

Azure Dragon Academy [TUA 3] ᎶᎧᎴᏝᎩ ᏕᏋᏒᎥᏋᏕ #1Where stories live. Discover now