Hindi namalayan ng tatlo ang paglapag nila na indikasyon na narating na nila ang kanilang destinasyon.Nagpasalamat na lamang si Evor sa naghatid sa kanila dahil walang imik ang dalawang kasama niya.
Sanay na rin siya sa pagiging aso't-pusa ng mga ito ngunit iba ito sa usual na away ng mga ito.
Magkagayon man ay nagpatianod na lamang siya.
Tanaw na tanaw ni Evor ang napakagandang lugar ng mga tradisyunal na mga kabahayan na masasabi ni Evor na napakaganda talaga at halos magblend in sa natural na ganda ng kapaligiran.
Mayroong malalaking mga kabahayan na sa tingin niya ay tanggapan at mismong mga bahay ng mga pamunuan ng tribo nila Zen at Zero.
Bitbit ang mga dala-dala nilang mga gamit ay nagsimula na silang maglakad patungo sa mismong loob ng tribo nila Zen at Zero.
Arden Tribe
Ito ang pangalan ng tribo na pinagmulan at kinalakihan nina Zen at Zero. Kung di siya nagkakamali ng pagkaka-alala ay mula ang pangalan ng tribo sa mismong apelyido ng mga namumunong lider ng nasabing tribo.
Maganda at masasabi ni Evor na payapa ang pamumuhay ng mga tao sa Arden Tribe. Hindi mababakas ang tag-gutom rito dahil palaging sagana ang ani at mga natural na produkto ng agrikultura rito.
Pitong araw lamang dapat silang mamalagi rito dahil mag-uumpisa na ang Quarter Finals sa susunod na linggo.
Nakikituloy si Evor sa bahay ng magkapatid. Malaki ang bahay at masasabi niyang maluwag ito para sa dalawang tao lamang. Gawa man sa matitibay na kahoy ang bahay ng mga ito at kapansin-pansin rin na iwas na iwas ang mga tao sa magkambal.
Hindi mawari ni Evor kung ano ang nangyayari ngunit naniniwala siyang personal itong bagay na hindi niya dapat pakialaman.
Siguro ay naninibago lamang ang mga tao dito sa tribo nila dahil kakabalik lamang ng kambal rito sa Arden Tribe.
Dalawang araw na siyang naririto sa Arden Tribe nang hindi namamalayan ni Evor. Nasulit naman niya ito dahil nagawa nilang mamasyal sa mga lugar na sakop ng teritoryo ng Arden Tribe mula sa mga anyong tubig maging sa mga malalawak na kalupaan ay napuntahan rin nila.
Bukas pa ang nasabing okasyon. Maaga pa silang natulog ngayon dahil bukas ay kailangan nilang mag-ayos para sa okasyon.
Kaarawan ni Nuno Amreo nila. Isa ito sa matandang Elder ng Arden Tribe. Isa ito sa sinasabing mahalagang okasyon lalo na at hindi na bumabata ang nasabing Elder.
...
Maaga pa lamang ay nagising na sila ni Evor at ng magkambal lalo na at hindi pa tumitilaok ang manok ay rinig na rinig nila ang iba't-ibang mga ingay na galing mismo ss labas.
Kahit gustuhin man ni Evor na hindi bumangon ay hindi na niya magagawa pa dahil nagising na ang buong diwa niya sa nasabing ingay na tumatagos sa mismong bahay nina Zen at Zero.
Nag-ayos na silang tatlo ng kanilang sarili at ginawa ang kanilang morning routine.
Hindi muna sila nagsuot ng mga damit nila sa okasyon bagkus ay kailangan nilang magluto ng iba't-ibang putahe para sa nasabing okasyon.
Isa itong tradisyon sa kanilang tribo. Malaki ang pagpapahalaga nila sa regalo lalo na ang pagdadala ng mga lutong-bahay.
Sobrang dami naman ng niluto nila at nanibago si Evor. Masyadong iba ito sa mismong nayon ng pinsgmulan niya. Siguro ay masyado lamang talagang malalim ang ugat ng samahan ng isang tribo na magkakadugo kumpara sa nayong gawa lamang ng isang malakas na pinuno.
Sa huli ay mabilis nilang natapos ang nasabing pagluluto gamit lamang ang mga natural na mga sangkap sa pagluluto.
Isang malaking kawa at naglalakihang mga bato na nakapormang hugis tatsulok ang ginamit nila. Di na oyon bago ngunit sobrang dami ng dadalhin nilang pagkain.
...
Dumating sila Evor at ng magkambal sa nasabing kaarawan ng nasabing elder na si Nuno Amreo.
Nagpakilala, nagkamustahan at sumali sa kasiyahan ng nasabing tribo.
Ibang-iba ito kumpara sa mga nadaluhan ni Evor lalo na sa mga karanasan niya ukol sa nasabing mahalagang okasyon.
Pansin niyang may nakatingin sa kanilang gawi ng masama lalo na sa magkambal na sina Zen at Zero.
Magkagayon man ay masasabi niyang naging masaya ang kanilang pagdalo rito.
Maya-maya pa ay tila natigil ang kasiyahan nang may narinig silang huni ng ibong paparating sa gawi nila.
SHRRRIIIIIEEEEKKKKK!!!!
Isang dambuhalang kaanyuan ng ibon ang nakita nila mula sa malayo. Lahat ng mga atensyon ng mga taong naririto ay dito nakapokus.
Isang kulay dilaw na ibon ito na masasabi talagang dambuhala lalo na nang lumapag na ito.
Dumating ang isang babaeng may katandaan na rin habang makikitang mayroon itong tatlong indibidwal na sa tingin ni Evor ay magkaedaran lamang sila ng mga ito.
Pansin niyang nagbago ang ekspresyon ng magkambal at nawala ang kasiyahang dulot ng pagdalo nila rito.
Nagseryoso ang ekspresyon ng mga mukha nila at tila kapansin-pansin ang tila galit sa mga mata ng mga ito.
Isang magandang dilag at mayroong kasamang dalawang lalaking tila sa tindig at postura pa lamang ng mga ito ay mukhang hindi sila mga nagmula sa ordinaryong pamilya lamang.
Nakangisi ang tatlo at animo'y natigilan ngunit mukhang pansin ni Evor na sinasadya ng mga ito ang nangyayari.
Nangamusta at tila galak na galak ang mga ito sa kanilang pagpunta sa kaarawan ni Nuno Amreo.
Ngunit agad na itinuon ng mga bagong dating ang kanilang atensyon sa magkambal na animo'y mayroong masamang binabalak.
Mabuti na lamang at tila naagaw ni Nuno Amreo ang atensyon ng mga ito dahilan upang magkaroon sila ng oras na magkausap na silang tatlo lamang.
Napili nilang pumunta sa isang bakuran kung saan ay walang taong maaaring makarinig sa kanila.
"Sino ang mga iyon, Zen at Zero?!" Takang tanong ni Evor nang mapansin niyang hindi mapakali ang mga ito.
"Sila ang pambato ng tribo namin. Kung tutuusin, hinirang sila bilang mga malalakas na summoner ng henerasyon namin sa kasalukuyan. Nag-aaral ang mga ito sa Solarium Academy, isa sa prestirhiyusong akademya. Ang akademyang ito ay siyang madalas na nagwawagi sa mga kompetisyon lalo na sa labanan ng bawat akademya." Seryosong saad ni Zen.
Nanlaki naman ang mga mata ni Evor. Solarium Academy? Hindi ba't nandito din nag-aral si Apo Noni kung hindi siya nagkakamali. Kung mahirap makapasok sa Azure Dragon Academy ay mas lalong mahirap makapasok sa Solarium Academy.
Ngunit hindi iyon ang bumabagabag sa kaniya. Naniniwala siyang hindi naman basehan kung saan ka nag-aaral, ang mahalaga ay kung paano ka umunlad gamit ang sarili mong kakayahan.
"Pero mukhang hindi lamang ang ipinunta ng mga ito. Pansin kong nakatuon ang atensyon ng mga ito sa inyo."

YOU ARE READING
Azure Dragon Academy [TUA 3] ᎶᎧᎴᏝᎩ ᏕᏋᏒᎥᏋᏕ #1
FantasyMabilis na lumipas ang araw at naiisipan ni Evor na ipagpatuloy ang pagsasanay at pagpapaunlad ng sarili niya sa pamamagitan ng pag-aaral sa Azure Dragon Academy ngunit may problema, there's only a limited chance na matanggap siya sa loob ng prestir...