Chapter 2.10

487 32 19
                                        


Natapos na ang bakasyon nila Evor at nakabalik na sila sa Azure Dragon Academy anim na  araw matapos ang maganda at hindi magandang karanasan nila sa pagpunta nila sa Arden Tribe na siyang maituturing na tahanan ng magkambal na sina Zen at Zero.

Nagmistulang aral sa kanila na dapat nilang pagtuunan ng atensyon ang pag-eensayo at alamin ang kalakasan at kahinaan nila sa sarili.

Masasabing gusto din nilang matuto kay Evor at dahil sa ipinakita nitong husay hindi lamang sa paggamit ng summon nito kundi maging sa close combat nito. Pakiramdam nila ay hindi sila karapat-dapat na maging kaibigan si Evor dahil napakalakas nito ngunit binigyang diin nito na resulta lamang iyon ng pagpupursigi niya na matuto at lumakas.

Halos dito na nga tumatambay sa kaniyang dorm ang magkambal. Talagang kapit-tuko ang mga ito sa kaniya lalo na at gusto din nilang lumakas.

Minsan ding pumasok sa isip nila ang patungkol sa nangyaring pagsali ng ginang na iyon sa laban nila kay Zaphira at mga pinsan nito. Talagang ibinigay-alam ni Tribe Leader Dirk Arden na magiging patas siya sa lahat ng miyembro ng tribo  sa pagbibigay ng parusa maging sa pagpapatupad ng batas upang hindi na mangyari muli ang nangyari noong nakaraang mga araw.

Tinanggalan na ng karapatan ni Tribe Leader Dirk Arden ang mga magulang ni Zaphira na mangialam pa ukol sa kanilang tribo. Mananatili lamang silang ordinaryong indibidwal sa loob ng limang taon. Ipinagbabawal ni Dirk Arden ang sinuman na gagawa ng krimen na paunang hakbang lamang ito at may susunod pa.

Natuwa naman ang magkambal na sina Zen at Zero. Nalaman nilang ito rin ang sumusuporta sa kanila nang balakin nilang mag-aral sa Azure Dragon Academy. Lahat ng mga gastusin nila sa akademya ay ito pala ang sumasalo katulong ang mga Tribe Elders ng Arden Tribe.

Mayroon din pala itong anak si Dirk Arden at isa itong mahusay na guro sa Solarium Academy. Talagang bantay-sarado sina Zaphira at mga pinsan nito kung sakaling gagawa naman ang mga ito ng gulo lalong-lalo na sa kanila.

Hindi rin nakaligtas ang ginang at mukhang di rin uubra ang yaman nila sa Tribe Leader Dirk Arden nila.

Isa din ito sa naging inspirasyon ng magkambal na matuto at paghusayan pa lalo upang maging mahusay na summoner sa hinaharap.

Natuwa naman si Evor at hindi na magiging masakit ang bawat araw na pipilitin niya pang mag-ensayo ang magkambal. Mukhang natuto na rin ang mga ito at nag-mature na rin kahit papaano ang mga ito lalo na sa pakikipagbangayan ng magkambal sa isa't-isa.

Naglalakad na si Evor at maaga pa lamang ay nakahanda na siya. Napaaga man ang uwi nila nitong nakaraang mga araw mula sa Arden Tribe ay naging dahilan naman ito upang mas paghandaan nila ang kompetisyon para sa quarter finals na gaganapin maya-maya lamang.

Naghihintay pala ang magkambal sa kaniya kanina pa at natanaw niya mula sa malayo ang mga ito at kumakaway pa.

Binilisan niya at kitang-kita niya na mukhang yamot na yamot si Zen kakahintay sa kaniya.

Napatawa na lamang siya sa kaniyang isipan. Kahit kailan talaga... Sanay na siya sa ganitong pag-uugali ni Zen.

...

Three Warlords Vs. Golden Masters!

Mabilis na pumunta sa gitna ng field sina Evor, Zen at Zero maging ang makakalaban nila sa unang laban nila para sa Quarter Finals na ito.

Nakasuot pa ang tatlong makakalabang estudyante nila ng ginintuang roba.

Kapansin-pansin na maraming mga taga-suporta ang mga ito at animo'y gusto nilang i-intimidate ang grupo ni Evor.

Maya-maya pa ay nag-umpisa na ang labanang ng dalawang grupo ng mga estudyante.

Mabilis na nagsummon ang dalawang kalaban nilang isang lalaki at isang babae.

Gamit ang mga summoner's balls ng mga ito ay nagmaterialize ang naglalakihang mga summon beasts ng mga ito.

Two Winged Golden Rhino at Golden Ice Sparrow!

Mabilis ding nagbato sina Zen at Zero nang kanilang summons na Arrowed Witch at ang Metallic Armored Soldier.

"Mahihina! Hindi niyo kakayanin ang lakas ng summon ko!" Sambit ng lalaking lider ng Golden Masters.

Kasabay nito ay lumabas summon nito.

Golden Three-Face King!

Walang pagsidlan ang hiyawan ng mga manonood dahil sa paglitaw ng isa sa malalakas na summon dito sa Azure Dragon Academy.

Napangiwi naman ang magkambal. Hindi sila kumbinsido na malalakas ang mga ito ngunit hindi ibig sabihin niyon ay panghihinaan sila ng loob dahil lamang dito.

Isa sa labindalawang Golden Tribes nabibilang ang grupong makakalaban nila. Malalakas pa naman ang mga ito ngunit pakialam nila.

Tatlong katulad nilang nag-aaral pa lamang na maging mahusay ang mga ito kung kaya't pantay ang opotunidad para sa kanila.

Mabilis namang ibinato ni Evor ang Summoner's ball niya at lumabas mula roon ang maliit na fire fox niya.

HAHAHAHAHAHAHA!!!

Napuno ng tawanan ang buong kapaligiran nila lalong-lalo na at galing pa ito sa mga manonood.

Halatang ang mga guro ay tahimik lamang at hindi nakipagsabayan sa tawanan ng mga manonood.

Halata nilang ibang-iba na ang nasabing Three Warlords na ito noong lumaban ang mga ito sa elimination round.

Nagulat sila nang mapansing unang kumilos ang three Warlords at tila balak ng mga ito na atakehin ang bawat miyembro ng mga ito.

Kitang-kita kung paanong nauna si Evor st tumungo ito sa mismong lider ng kalaban.

BANG!

Nagpakawala ng golden laser ang dalawang mata ng Golden Three-Face King upang patamaan ang Fire Fox at si Evor ngunit naiwasan ng mga ito ang nasabing atake.

Sa isang iglap ay nagliwanag ang buong katawan ng Fire Fox at naging malaking lobo ito.

Sumakay rito sa Evor at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng lider ng kalaban nila.

PAH! PAH! PAH!

Malakas na pinagsusuntok at pinagsisipa ni Evor ang kalaban nilang lider ng grupong ito.

Nagpupumiglas at nanlaban pa ito na siyang ikinabuwal ni Evor.

"Hindi mo ako matatalo Evor! Walang kwenta ang grupo niyo!" Sambit nito habang nakangising demonyo.

Mabilis na dinambahan ni Evor nang atake ang kalaban niya.

Dahil mukhang minaliit pa nito ang kakayahan niya ng pisikal ay muli niyang pinilipit ang katawan ng kalaban niya at kitang-kita niya kung paano'ng hindi na ito makapalag pa.

"Three Warlords Wins!"

Nagulat ang lahat sa naging resulta ng laban at bakas ang pagkadismaya sa mukha ng halos lahat ng mga manonood.

Hindi mapigilan ng iba na mapaismid at kantiyawan ang Golden Masters na binubuo ng tatlong groupong.

Bakas sa mukha ng dalawang miyembro ng Golden Masters ang paninisi sa lider nila na minaliit ang kalaban nila.

Hindi sila natalo sa lakas kundi sa pagiging mangmang ng nasabing lider nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Azure Dragon Academy [TUA 3] ᎶᎧᎴᏝᎩ ᏕᏋᏒᎥᏋᏕ #1Where stories live. Discover now