Ngunit hindi natinag si Zaphira at ng dalawang pinsan nito.
"Magaling, magaling Zen, nakahanap kayo ng malakas na kakampi." Mapang-asar na wika ni Zaphira.
Ngunit nagwalang kibo na lamang sina Zen at Zero. Masasabi nilang layunin talaga ni Zaphira na gawin silang katatawanan sa harap ng lahat.
Ngunit sa reaksyon pa lamang ng dalaga ay masasabing gusto lamang nitong kumuha ng simpatya.
Naningkit ang mga mata ni Evor sa pag-uugaling pinapakita ni Zaphira. Ang ayaw na ayaw niya ay ang taong pabiktima at gusto lamang ng simpatya ng karamihan.
Mukhang nagtagumpay nga ang nasabing dalaga lalo pa't masama ang mga tinging ipinukol ng manonood kina Zen at Zero.
Kitang-kita ni Evor at ng magkambal na palihim na napangisi si Zaphira at kitang-kita na gagawa na ito ng paunang hakbang sa magaganap na group battle rematch.
Arteous Transformation Phase!
Kitang-kita kung paanong nagkaroon ng mukha ang nasabing summon ni Zaphira at tinubuan ito ng buhok at tila korona sa ulo nito.
Kusang nahati ang palakol at nagtrasform ito sa tila naglalakihang double bladed long saber.
Tinubuan ito ng naglalakihang anim na pakpak.
Ramdam na ramdam nina Evor, Zen at Zero ang napakalakas na enerhiya ng kidlat na nagmumula sa summon ni Zaphira.
Nagulat si Zen at Zero sa nasabing malaking pagbabago sa summon ni Zaphira na si Arteous.
BANG! BANG! BANG!
tatlong naglalakasang mga kidlat ang tumama sa summon ng magkambal at ni Evor.
Kitang-kita kung paano maparalisa ang mga summon nila lalong-lalo na ang summon nina Zen at Zero na ramdam nila na nanghihina ang mga ito.
"Paano'ng nangyari ito Zaphira?! Hindi ba't ----!" Nagtatakang tanong ni Zen na animo'y litong-lito.
"Sa mga buwang nakalilipas ay nagawa kong ma-unlock ang potensyal ng familiar ko, Zen hahahaha! Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ako ang pinili bilang estudyante ng Solarium Academy? Dahil sa lahat ng batang henerasyon ay ako at ang mga pinsan ko ang may malaking potensyal kumpara sa inyong dalawa na mahihina hahaha!" Mapang-uyam na wika ng dalaga habang napahalakhak pa ito ng malakas.
Kitang-kita naman kung paano magngitngit sa galit si Zen maging si Zero. Talagang nakakainis ang pag-uugaling ito ng dalaga.
Alam naman nila na pinaghandaan talaga ng mga ito na pahiyain sila sa harap ng tribo sa pangalawang pagkakataon. Na sila itong malalakas at nararapat habang sila ay magiging talunan na lamang habambuhay.
Biglang nagliwanag ang mga summons nina Evor at Zen at kitang-kita na nagbabago ang anyo ng mga ito habang makikitang nawawala ang kidlat na nakapulupot sa katawan ng mga ito.
Naging Metallic Armored Dragon Soldier at Arrowed Killer Witch ang mga ito.
Imbes na mangamba si Zaphira ay kitang-kita na hindi man lang ito natinag bagkus ay napahalakhak pa ito ng malakas.
Ngunit mabilis na nabura ang mga ngiti nito sa labi nang mapansin na tila may ginagawang kakaiba ang magkambal na ito.
"Jack at Gregory, pigilan niyo silang dalawa!" Pasigaw na utos ni Zaphira nang malaman nito kung ano ang gagawin ng magkambal na sina Zen at Zero.
Talagang sa harap niya pa talaga ang mga itong gumawa ng pambihirang bagay na ito na tinatawag na Summon Fusion.
Bibihira lamang ang mayroong kakayahang magsagawa nito.
Mabilis na umatake ang Colossal Black Centipede at habang sinusuportahan ito ng Green Tortoise.
Mas bumilis ang galaw ng hindi mabilang na galamay ng Colossal Black Centipede.
Napangiti na lamang si Zaphira nang mapansin niyang di pa natatapos ang nasabing summon fusion nina Zen at Zero.
BANG!
Isang malakas na boltahe ng kidlat ang tumama sa Colossal Black Centipede na tila pupuluputan na sana ang Metallic Armored Dragon Soldier at Arrowed Killer Witch ng magkambal.
Kitang-kita kung paanong naparalisa at nangingisay ang nasabing Colossal Black Centipede at naging Summoner's ball na lamang.
Napapadyak naman sa lupa si Zaphira nang mapansing nabigo si Jack sa ginawa nitong pag-atake sana.
Napasuka ito ng sariwang dugo at kitang na napasalampak ito sa lupa marahil ay malakas ang impact ng nasabing atake na nagmula mismo sa kabilang panig.
Masamang tumingin si Zaphira kay Evor ngunit agad siyang napatingin sa magkambal.
Summon Fused!
Kakaiba ang kaanyuan ng pinagsamang summon ni Zen at Zero. Kapansin-pansin na nabalutan ng metallic armor ang Arrowed Killer Witch habang mayroon itong pakpak. Kulay pula ang kaliwang pakpak habang ang kabila naman ay kulay asul.
Ice and Fire Killer Witch!
Kapansin-pansin din na nakahawak ito sa espadang tila nagbabaga ngunit nagkakaroon ng mga yelo na tila salitan. As if na humihinga ang nasabing sandatang hawak ng Ice and Fire Killer Witch.
Ito ang tawag ni Zen at Zero sa nasabing pinagsamang summon nilang dalawa.
Tila napaatras naman si Zaphira nang mapansing gagawa ng atake ang magkambal. Hindi niya hahayaang sa pangalawang pagkakataon ay mabigo siyang matalo ang mga ito.
Halatang hindi niya inaasahan na may ibubuga pala ang magkambal na ito.
Sa tribo nila ay tanging sina Zen at Zero lamang ang magkakambal na mayroong magkaibang elemento ng summon. Kakaiba sila na kahit ang sinuman ay iniiwasan sila.
Siyempre ay ginawa niya ang lahat upang sila o siya ang maging bida sa harap ng lahat.
Kaya nga kahit sa pagkakataong ito ay ayaw niyang tanggapin ang pagkabigo na maaaring matamo niya muli.
Ipaparamdam niya sa magkambal na ito na siya at ang mga pinsan niya ang karapat-dapat at hindi ang mga ito.
Kitang-kita niya kung paanong nagliwanag ang buong katawan nang nasabing pinagsamang summon ng magkambal na Ice and Fire Killer Witch.
Alam niyang wala siyang laban sa atakeng ito.
Skill: Ice and Fire Sword Blast!
Sa pagkatutok ng hawak na espada ng Ice and Fire Killer Witch sa mismong summon ni Zaphira na si Arteous.
WHOOSH!
Napakalakas na enerhiya ang lumabas sa espadang summon fusion ni Zen at Zero.
BANG!!!
Isang malakas na atake ang natitiyak ni Zen at Zero upang patumbahin si Zaphira. Sa atakeng iyon nabuhos ang lahat ng atake ng magkambal dahilan upang mapahawak silang pareho sa mismong lupa dahil sa sobrang hingal at pagod.
Maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata ng magkambal at halos manghina sila nang mapansing wala man lang natamong galos ang summon ng kalaban nila.
"Sa pangalawang pagkakataon ay nabigo kayo, Zen at Zero. Paano ba yan?! Mukhang dito na talaga magtatapos ang ating laban dahil sa mga akusasyon niyo." Nakangiting saad ni Zaphira habang lihim itong napangisi.
Mabuti na lamang at mayroon siyang pambihirang skill na kung tawagin ay summon replacement na siyang pinakabagong skill ni Arteous.
Halos magngitngit naman si Zen at Zero dahil sa pinagsasabing ito ni Zaphira. Mukhang sa pangalawang pagkakataon ay mukhang bigo pa rin silang manalo sa dalagang ito.

YOU ARE READING
Azure Dragon Academy [TUA 3] ᎶᎧᎴᏝᎩ ᏕᏋᏒᎥᏋᏕ #1
FantasyMabilis na lumipas ang araw at naiisipan ni Evor na ipagpatuloy ang pagsasanay at pagpapaunlad ng sarili niya sa pamamagitan ng pag-aaral sa Azure Dragon Academy ngunit may problema, there's only a limited chance na matanggap siya sa loob ng prestir...