Chapter X

1.6K 98 18
                                    

It's been weeks since I found out about Greg's affair. Magmula noon ay hindi ko na ito nakita pa. Hindi din nagtatagpo ang landas namin. Baka ay tinapos na nito ang namamagitan sa kanilang dalawa but looking at Ms. Santillan, she doesn't seem like broken at all. She still has this glow around her.

Happy.

Inlove.

It makes me wonder if their relationship still stands despite what happened, despite the warning from Yvette. Mukhang matigas ang panga nitong si Greg.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Greg na malawak ang ngiti at may kausap sa cellphone. I want it to be Yvette he's talking to but at the same time, I hate it when he talks with her.

Ang gulo!

Kumaway ito sa akin ng makita niya ako. I rolled my eyes. May gana pa itong kumaway sakin matapos ang lahat.

"Kier! Hello, where are you going?" Tanong nito.

"Jan lang. San ka pupunta?" Taas kilay kong tanong dito.

"Yvette's. I'll get going now."

Na disappoint ako ng malamang pupuntahan niya si Yvette sa room. Anong gagawin nila? Make up? Date? Solo time? Hindi ko pinahalata sakanya ang inis dahil lang sa pupuntahan niya si Yvette, bagkus ay tinanguan ko lamang to saka pinagpatuloy ang paglalakad.

"Keyyyy!" Someone shouted.

I stopped on my tracks and looked ahead of me, it was Violet and she's waving at me. Ngumiti ako at nag wave back.

Matagal tagal na din mula noong huling hangout namin. Sobrang busy kasi ng mga ito sa mga plates nila e. Pero hindi mo makikitaan ng pagka haggard sa mukha nito, she still looks fresh.

"Kamusta?" Masayang bati niya sakin matapos bumeso.

"Ayos naman. Ikaw ba? Hindi mo yata kasama sina Armani?"

"They're actually waiting for me. Ipapasa ko lang to." Sabi niya tukoy dun sa hawak niyang lagayan ng plates nila. Hindi ko alam tawag dun e. "May pupuntahan ka?"

"Wala naman." Sagot ko. Balak ko lang sanang pumunta sa mini forest upang magpahangin.

"Great! Samahan mo na ako then we'll go out after."

"Sige—."

"Avalon."

Sabay kaming napalingon sa pagtawag sa pangalan ko. Si Miss Celestial na nakatitig sa aming dalawa. As usual, walang kaemo-emosyon ang mukha nito. Ano bang bago?

"Prof. Celestial." Bati ni Violet. Tinapunan ito ng tingin ni Yvette saka tumango.

"Did you forget about that thing I asked you about?" She asked me.

Huh?

"What thing?" Tanong ko which made her frown. Greg just stood there looking at us.

Wala naman akong naa-alalang may ipinagawa ito sa akin. Ni hindi ako nagpaiwan sa classroom kanina dahil sabi niya'y busy ito.

"Come with me in my office." Sabi nito saka nauna ng maglakad sumunod naman si Greg sakanya.

"Well, I guess you have something to do na. I'll see you some other time na lang?"

Tumango na lang ako kay Violet. Umalis na ito saka ako naman ay sinundan sina Yvette at Greg na tahimik na naglalakad.

I'm just watching their backs. Napakaganda ng tindig nilang pareho, parang mga modelo kung maglakad at makikita mo sa mga ito ang nagu-umapaw na confidence sa sarili.

Hot Spot (ProfxStud)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن