Chapter 3

4.4K 76 14
                                    

Chapter 3.

Cook

Parehas kaming napatingin sa entrance ng gymnasium dahil tumunog ang bell no’n. Nakita kong papasok si sir Radiel, nakasuot ito ng P. E. attire. Mukhang may class pa sila.

May pasok pa kasi ang mga highschool hanggang sa susunod na linggo.

Natigilan siya nang makita kaming dalawa ni Vermont. Nang makalapit ay ngumiti siya nang malawak.

“Parang kilala kita,” aniya kay Vermont.  Napatingin ako kay Vermont na nakatingin na kay sir Radiel. “Kamukha mo si Vladimir.”

Ngumiti si Vermont at inilahad ang kaniyang kamay sa harapan ni sir. “Yes, sir. I’m his first son.”

“Sabi na nga ba! Ganiyan ang itsura niya noong early 20’s kami. Grabe, hulmang-hulma, ah...” Tumingin naman sa akin si sir Radiel. “Oh, Khione. Ikaw pala.”

Nagmano ako sa kaniya. “Good morning po, ninong,” bati ko nang matapos.

Yes, he’s my Godfather. Sabi ni mama ay naging kaklase niya raw si sir Radiel noong highschool. Bumalik lang daw si ninong dito kaya naging ninong ko siya kahit hindi siya umattend sa binyag ko.

“May relasyon ba kayo?” tanong niya kaagad. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong ninong.

Mabilis akong sumagot nang makabawi, “Hindi po. Pinapalibot lang po siya ni lola sa akin.”

Mapang-asar naman siyang tumingin sa akin. “Parang hindi naman. Nakita ko kayong nagsasayaw kani—”

“Ninong, parang kailangan na naming umalis talaga,” sabi ko at hinawakan sa palapulsuhan si Vermont. “Bye, ninong!”

Hinila ko na palabas si Vermont mula roon hanggang sa narating namin ang garden ng school. Mas dumami ang mga halaman dito at mas umaliwalas ang ambiance ng lugar.

Napatingin ako sa kasama ko. Nakatingin sa may halaman na nasa tabi. “Alam mo ba iyang mga nandiyan ay matagal na. Like mga 3 years na. Nagtanim kami dati diyan,” sabi ko sa kaniya.

“Here’s mine...” Itinuro niya ang halaman na nasa tabi ng paso kung nasaan ang tanim ko. “It’s still here.”

Bahagya akong napanganga. “Wow. Nagtanim ka rin pala rito?”

Marahan siyang tumango. “Hmm... Is this yours, right?” Itinuro niya ang sa akin.

“Paano mo nalaman?” taka kong tanong.

“Your name was written on it.”

Ngumiti na lang ako sa kaniya dahil totoo naman iyon. Nakalagay kasi sa mga paso ang mga pangalan kung sino ang nagtanim. Nagulat nga ako dahil halos nawala ang mga halaman ng mga kaklase ko noon.

Pagkatapos naming mamasyal sa may school ko ay dumalaw naman kami sa university namin. Medyo malaki rin iyon at panlaban din sa mga kilalang university. Hindi nga lang lahat ng course ay priority kapag OJT na. May mapag-iiwanan talaga.

“So, this is your university? Saan ka mag-OOJT?” tanong niya nang maupo kami sa may field. Sa ilalim ng puno.

“Sa City. Medyo kinakabahan nga ako dahil iyon ang kauna-unahang lalabas ako ng probinsya namin.”

Tumingin siya sa ‘kin. “Really? I can roam you around there. I’m living there.”

“Sige. Aabangan ko ‘yan! Nagbakasyon ka lang ba ngayon?” tanong ko habang ngumunguya ng chips.

Chew on Something | ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz