Chapter 13

21.8K 519 49
                                        

Chapter 13

"Hindi parang mas masaya ka kapag natupad 'yan kaysa sa mommy mo," natatawa kong sagot sa kaniya.


"Of course." 


Naupo siya sa may tabi ko dahil umayos ako nang pagkakaupo. Pinagsaklop niya ang kaniyang mga kamay habang nakaupo, his thighs parted a bit where he putted his arms. Nakatingin siya sa akin habang may ngiti sa kaniyang mga labi. 


"Sige ire-reto na lang kita sa kaibigan ko," pang-aasar ko pa. "Kay Akira na lang?" Nawala ang ngiti sa mga labi niya dahil doon. 


"No. Why you don't try?" taas-kilay niyang tanong.


"Huh? Ako? Ayoko nga. . ." Gustong-gusto ko, p'wede ba? Or kahit mag-skip na lang ako kaagad sa pila.


"I'm the receiver of the gift."


Napakurap ako. So ano ang gusto niyang sabihin? Na ako ang gusto niya? Winaglit ko sa aking isipan ang kaniyang sinabi. 


"Mommy mo ang may birthday, hindi ikaw," sabi ko saka tumayo. Napahikab ako bigla. "Matutulog na ako. Goodnight, Vermont."


"You haven't eaten yet."


"Bukas na lang. Inaantok na talaga ako." Iniwan ko na siya at pumasok sa kwarto.


Kinabukasan ay naisipan ko munang tawagan sina lolo at lola. 


[Kumusta ka riyan, apo?] tanong ni lolo sa kabilang linya.


"Ayos lang po, lolo. Kayo po diyan? Kumakain po ba kayo nang maayos?"


[Oo naman, apo. Ikaw ba ay kumakain pa ng masustansiya diyan?] si lola ang sumagot.


"Opo. Hindi po ako pinapabayaan ni Vermont, lola. Nagkita po kami ulit dito."


Bigla naman akong nalungkot dahil ngayon ko na lang ulit narinig ang boses nilang dalawa. Nakitawag pa kasi ako sa mama ni Chi para makausap ko sila. Ayaw kasi nila ng cellphone dahil wala naman daw sila tatawagan noon kaya ako lang ang binilhan nila.


[Mabuti naman kung ganoon, apo. Sa susunod na sahod ng mama mo, bibili na kami ng cellphone at sim card para makatawag sa 'yo lagi, apo. Miss ka na namin]


Hindi ko na mapigilang hindi mapaluha. Simula bata hanggang sa magdalaga ako ay silang dalawa na ang nag-alaga sa akin. Samantalang si mama ay nasa abroad at hindi ko pa alam kung kailan siya uuwi sa amin. Ang tatay ko naman ay tumakbo na sa kaniyang responsibilities. Iniwan niya raw si mama no'ng nalaman na buntis ito.

Chew on Something | ✓Where stories live. Discover now