Chapter 17

22.3K 485 32
                                        

Chapter 17

Nang pumasok sina Vermont at ang kaniyang daddy sa kwarto ay hindi ko naman alam paano ko haharapin ang mommy niya at ang mga kapatid niya.


"Have a seat, Khione," seryosong sabi ni Chef Madi.


Marahan naman akong umupo sa may sofa na nasa harapan nila. Napalunok ako nang bahagya.


"May nangyari na ba sa inyo, Khione?" biglang tanong ni Majesty. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. Ngumisi siya sa akin. "I'm just asking if you two had sex."


Mabilis akong umiling. "Hindi. Walang nangyari sa amin."


Tumingin siya sa kaniyang ina. "See, mommy? Masiyado lang kayong nago-overthink. Parang hindi n'yo naman kilala si Vermont. He is a good guy! Lalo naman si Khione."


Napabuntong-hininga si chef Madi. "Bakit ang kalat ng mga damit niya sa kwarto?"


Napalunok ako pero hindi na masiyadong kinabahan dahil alam ko ang isasagot ko. "Hindi po yata ako ang makakasagot niyan. Hindi pa naman po ako nakapasok sa kwarto niya rito. Lagi po iyong nakasara."


"Are you sure?" tanong ni Verdell.


Tumango ako at itinaas ang aking isang kamay. "Promise po! Wala talagang nangyari."


Napatingin ako kay Chef Madi. "Still, I want you to move out. Hahanapan kita ng magandang apartment. May tiwala naman ako sa inyong dalawa, pero hindi natin masasabi ang bugso ng damdamin..." Naupo siya sa may tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko. "Graduating ka, Khione kaya gusto kong maabot mo muna ang mga pangarap mo bago ang lahat, okay? Gusto ko lang iiwas kayong dalawa sa temptation. Ayos lang ba 'yon?" tanong niya.


Napakagat-labi ako bago tumango. "Opo, Chef—mita."


"Ako naman ang magbabayad ng renta mo," aniya.


Umiling ako at ngumiti. "Hindi na po. Hahanap na lang po ako ng medyo affordable. Magbabayad naman po ako," sabi ko.


"No. Kailangan mo pa ring mailipat sa isang maayos at ligtas na apartment. Ayoko rin namang magalit sa akin ang anak ko dahil pinabayaan kita."


"Naiintindihan ko po pero nakakahiya na po kasi. Ang dami n'yo na pong naitulong sa akin."


"Girlfriend ka ng anak ko at parte ka na ng pamilya namin."


Nahihiya akong ngumiti. "Thank you po."


Sakto lang din ang paglabas nina Vermont at ng kaniyang ama. Nakabusangot na ang mukha ni Vermont at parang bata na pinagalitan talaga ng ama. Nakanguso pa siya nang bahagya.


Umupo si Vermont sa may tabi ko samantalang si sir Vladi ay sa tapat na sofa, katabi ni Verdell.

Chew on Something | ✓Where stories live. Discover now