Chapter 12
Pinipigilan ko ang pagngiti ko dahil ka-cutan niya. Talagang tumalikod pa siya sa akin dahil nahihiya siya. Ako nga 'tong dapat mahiya sa kaniya.
Napatigil lang ako nang marahan siyang humarap sa akin. "Sorry if I made you feel uncomfortable. I just—"
"Huh? Hindi naman, ah? Sa kiss ba?"
Kahit medyo madilim ay nakikita ko pa rin ang mukha niyang mamula-mula. "Stop mentioning it," nahihiya niyang sabi.
Marahan naman akong natawa. "Bakit ba? Do you feel shy? Why? Ako nga dapat mahiya kasi hindi naman makinis mukha ko but you kissed me," paliwanag ko.
"And so? You're beautiful."
Nawala ang ngiti ng mga labi ko dahil nakaramdam ako ng hiya. Bumalik tuloy sa akin! Ako na ang kinikilig ngayon nang malala. Ako na tuloy ang hindi maangas ngayon. Kainis naman siya.
"And you're pogi," sabi ko pabalik.
Akma na naman siyang hahalik sa pisngi ko nang may kumalabit sa kaniya. Lumingon siya roon at nando'n si Dos. "Hindi pa kayo uuwi? Naghahalikan na kayo diyan sa dilim," nang-aasar na sabi niya.
Napalayo nang kaunti si Vermont sa pwesto ko. Bumaba na rin ako sa highchair at pinisil-pisil ang pisngi ko dahil nararamdaman ko ang pag-iinit ng mga 'yon.
"Uuna na kayo?" tanong niya sa kaibigan.
"Oo. May pasok pa ako bukas."
"Okay. Take care."
Tinapik-tapik ni Dos ang balikat ni Vermont. "Sige sige..." Tumingin siya sa akin. "Una kami, Khione. Nice to meet you ulit. See you next time."
Ngumiti ako bago kumaway. "Sure. Ingat."
Nang makaalis na rin si Dos ay umalis na rin kami pero dumiretso muna kami sa Beauty Skin Shop dahil may bibilhin daw siya.
Pumasok na kami roon at halos pagtinginan kami ng mga tao. Nahiya na naman tuloy ako bigla. Bakit ba kasi laging g'wapo itong kasama ko?
"Do you want to buy something?" tanong niya nang humiwalay ako saglit sa kaniya.
Nagtingin-tingin kasi ako ng mga products na p'wede sa akin baka may humiyang. Mga light soap lang sana kaso ang mahal! Wala pa akong budget para roon. 'Di ba mas mahal ang mga skincare para sa mga sensitive skin.
"Wala naman. Nagtingin-tingin lang," sabi ko.
"Are you sure? I can buy you one. Just pick you want."
Umiling ako. "Hindi na."
YOU ARE READING
Chew on Something | ✓
RomanceCOOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dealing with insecurities due to persistent pimples since high school. She's in the city for her internship and has become a timid girl due to...
